018 ➪ Alex.

293 18 23
                                    


Alexander's


Tama ba yong sinabi ni Pareng Cyrus? Hindi kaya maweweirduhan si Harper sa'kin? Sa tingin niyo ba okay lang kausapin ko si Harper?

Aba siguro malamang naman ano tsaka coincidence lang naman na nasa iisa kaming cafè ngayon. Timing rin palang nagcrave ako ng frappe. Sumasang-ayon ata tadhana sa'kin e.

Lalapitan ko na sana si Harper kaso may naunang lumapit sa akin. Putcha naman to sino ba to?

Inoobserbahan ko silang dalawa ngayon, kaso mukhang di kumportableng nakikipagusap si Harper sa lalaking ito. Teka makalapit nga unti at para marinig ko pinaguusapan nila.

"Harper, pwede bang makiupo?" Tanong ng lalake, tiningnan ko naman si Harper ngunit nananitili itong tahimik.

"Harper sige na, pwede bang umupo?" Tanong ulit nung lalake at this time pinipilit niya ng hawakan ang isang kamay ni Harper.

Okay? That's it mukhang hindi maganda to.

Tumayo na si Harper at aakmang susuntukin na yong lalake ngunit mas nauna akong lumapit at pinigilan siya. Hinawakan ko ang kamay ni Harper at sabay

"Tol? Pwede bang umalis kana?" Malumanay kong saad sa lalake. Napuno naman ng kalituhan ang mukha niya. Si Harper naman andito nasa gilid ko hinahawakan ko pa rin yung kamay niya at guys ramdam ko yung gigil shet.

"Luh tol baka ikaw ang pwedeng umalis? Naguusap kami ni Harper sumisingit ka!" Hambog na sabi nitong lalake. Ampota to? Umiinit na ulo ko dito ah.

"Tol umalis kana." Malumanay ko pa ring saad, mga pre pigil na pigil na ako dito. Taena neto.

"Tol ano ba problema mo?!" Sigaw niya at hinawakan ako sa kwelyo. Lah hindi ata ako kilala ng lalakeng to ah?!

"Ta--" Bago pa man makasalita si Harper, walang atubiling sinuntok ko sa mukha yung lalake at sabay sigaw ng

"PROBLEMA KO IKAW TOL! BAKIT MO BA HINAWAKAN GIRLFRIEND KO HA?!" Ha? Anong sinabi ko?

Huli na ng marealize ko ang sinabi ko, may narinig akong tunog ng camera at sabay kong niligon si Harper na ngayon ay nakatitig sa akin na para bang may karumaldumal akong ginawa.

I'm doomed.

friendzoned ➵ [ beomgyu x ryujin.]Where stories live. Discover now