048 ➪ Harp.

242 19 15
                                    


Harper's


"GAGI!! Harper diba si Alex yun?!" Nabigla ako ng hinila ako palapit ni April at bumulong. Tiningnan ko naman kung saan nakaturo yung daliri niya at laking gulat kong si Alex nga yon.

"Oo, teka wala kaming usapan ngayon." Saad ko kay April, ngumiti naman siya ng nakakaloko sabay sabing

"Nako talaga siszt iba na yan HAHAHAHA!" Sabay hila ulit sa'kin papunta na kay Alex.

Tumikhim si April para makuha ang atensyon ni Alex na kasalukuyang may kinukulikot sa phone. Napicturan ko yun kanina pasimple habang naglalakad kami papunta sakanya, ewan ko ba ang cute niya kasi.

Tumingala naman si Alex sa amin sabay smile at inalis ang mask niya

"April, Harper hi." Sabi ni Alex sabay kamot sa ulo. Pusanggala guys bakit ang cute niya (;´༎ຶٹ༎ຶ')

"Alex, I believe hihiramin mo si Harper?" With nakakalokong ngiti ulet si April, jusko sarap pektusan. Medyo naawkward na ako pakibaon ako sa lupa please.

"Ah-- Oo. Pwede ba?" Ngumiti naman si Alex at ayon na nga sinundot ni April tagiliran ko kaya napatango na lang ako.

"Sure! Pwedeng pwede! Sige babye!" Kumawala si April sa'kin sabay takbo, naiwan naman akong nakangaga sa ginawa niya.

Wow just wow iniwan lang ako agad nung babaeng yon. Iba den.

"Harp?" Napalingon naman ako kay Alex na ngayon nakatayo na at para bang handa na ding umalis. I swear guys ang pogi niya ngayon ewan ko ba.

Gagi anong nangyayare sa'ken?!

"Hello? Earth to Harp?" Winagayway ni Alex yung kamay niya sa harapan ko. Napapikit naman ako ng ilang beses sabay tikhim.

"Ay! Oo andito pa wala pa ako sa Mars!" Sabi ko na lang sabay kamot sa ulo, tumawa naman si Alex.

"Tinanong kita kanina diba anong oras out niyo? Buti na lang naabutan pa kita." Sabi niya ng nakangiti, natulala nanaman ako. Bwiset bakit ganito--

"Nabigla ako ha! Di ka naman nagchat after non! Di ko aakalain pupunta ka talaga. Jusko ka" Sabi ko na lang napakamot naman ulit siya sa ulo. Medyo parehas ata kami neto ng habit ah.

"Plano ko kasi ano-" Napabuntong hininga siya, tiningnan ko naman siya expecting him to finish his sentence. Bruh, I can sense that he's nervous. Potek ako ren! EWAN KO BAKIT.

"Ah! Manlilibre ka ngayon?" Tanong ko sakanya sabay turo natigilan naman siya sabay sabing

"Oo, kumain kana ba?" Sagot niya umiling naman ako. Yes naman free food (•̀ᴗ•́)و

"Wala pa e nagugutom na rin ako.  Tamang-tama! Tara?" Sabi ko tumawa naman siya sabay tango.

Nagsimula na kaming maglakad dalawa bakit ang sarap sa pakiramdam na kasama etong si Alex.

Parang ang sarap mag late night stroll ngayon.

"Harp, after natin kumain gusto mo bang mag stroll?" Biglang tanong sa akin ni Alex, nanlaki nanaman mata ko. Gagi parehas kami ng iniisip.

"Alam mo iniisip ko rin yan so, TARA." Sabi ko sakanya sabay ngiti at ngumiti naman siya pabalik sa akin.

There's something growing with me and I think I know what this feeling is.

friendzoned ➵ [ beomgyu x ryujin.]Where stories live. Discover now