070 ➪ Alex.

188 19 3
                                    

Alexander's

Pumasok ako sa school ng parang zombie. Paano ba naman? Magdamag kong iniisip kung kaano ano ba talaga ni Harper yung Apollo na yun. Hindi ko din magawang magtanong dahil hindi ko alam paano ioopen sakanya yon. Parang kasing wala din akong karapatan e.

Kagabi na din nag sink in sa'kin na maari ngang maging threat si Apollo sa aming dalawa ni Harper. Ewan ko ba, ayaw ko lang kasi masira kung anong meron kaming dalawa ni Harper ngayon. Nakikita ko na kasi yung progress tapos biglang ganito.

"Oh Pre, ang lalim ata ng iniisip mo ah." Nabalik ako sa reyalidad ng tabihan ako ni Sebastian at inakbayan. Sumunod namang pumasok si Elijah na ngayong nakaupo sa harapan ko.

Napailing naman si Elijah sabay sabing

"Pre sino pa ba iniisip niyan? Edi si Harper." Napatango naman si Seb habang si Elijah naman tinapik ako bigla sa likod.

"Ano Pre? Natanong mo na ba?" Tanong ni Seb sa akin, biglang mas lumapit naman agad etong si Elijah at para bang hinihintay nga ang sagot ko. Nagpakawala ako ng buntong hininga.

"Wala pre e, hindi ko din alam paano sisimulan." Napaface palm naman agad si Elijah, si Seb naman mas humigpit pagkakaakbay sa akin na parang sinasabi okay lang yan bro.

Nang dahil sa Apollo na yun hindi ako makatulog, bakit ba yon bumalik? At bakit nililink nga sakanya si Harper? EWAN KO NA

As if on cue pumasok si Liam sa classroom nang hingal na hingal

"TOL TAENA TOL!!" Tumakbo pa nga siya papunta dito sa pwesto ko. Napatingin naman ang lahat sa kanya nung papalapit siya dito.

"Tol si Harper tol!!" Sabi niya pero dahil nga sa hinihingal siya pahinto hinto pa.

Magtatanong na sana akong kung bakit nang biglang sumunod na pumasok si Cyrus at tumakbo nga papunta ulit dito sa amin. Taena ano bang meron?!

"Anong meron at parang nakakita kayo ng multo?!" Tanong ko, umiling iling naman si Cyrus na para bang may hindi siyang inaasahan na makita.

Magsasalita na sana ulit si Liam para sagutin ang tanong ko ngunit napadako ang tingin namin nung halos lahat ng kaklase namin ay dali daling lumabas ng room, naghihiyawan, at yung iba pa ay tinatawag ako.

Lumabas nga ako agad para makita kung anong nangyayare and ayon nga dumaan si Harper.

Si Harper, may kasamang lalake. Yung kakambal ni Luna, oo si Apollo. Nagtatawanan at naguusap. Parang akong naestatwa sa kinatatayuan ko, napako ang tingin ko sa paraan ng pagkatitig ni Apollo kay Harper.

Parehas na parehas kami.

friendzoned ➵ [ beomgyu x ryujin.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon