082 ➪ Alex.

187 17 10
                                    


Alexander's

Bumalik kami ni Harper dito sa park since gumagabi na, inimbitahan ko siyang mag star gazing ngayon at umoo naman siya.

Sa totoo lang kinakabahan ako, I've decided na this is the right time to confess my feelings. Gusto ko itigil na muna namin yung pagpapanggap, gusto ko yung hindi nagtatago. Kaya gusto ko nang itama ang meron kami ngayon. I know our friendship will be at risk pero tama si Cyrus, di ko malalaman kung hindi ko susubukan.

Nakangiti sa'kin si Harper ngayon at may sinasabi ngunit nakatingin lang ako sakanya ng diretso, hindi ko naririnig parang kaming dalawa na lang ngayon andito. Pinagmamasdan ko siya at hinihiling kong sana, sana tumigil na lang ang oras.

"Dito tayo pumwesto Migs, mas maganda yung view!" Sabi niya at hinila ako paupo. Nakaupo na kaming dalawa ngayon sa may damuhan banda ng parke.

Tumingala siya sa kalangitan at nagpakawala ng buntong hininga sabay ngiti. I'm mesmerized by her.

"Ang ganda ano?" Nakangiti niyang saad habang nakatingin siya sa mga bituin.

"Oo, ang ganda." Habang ako naman ay nakangiti at nakatingin sakanya. Ang ganda, ang ganda niya.

Hindi niya ata napapansin na nakatitig ako sakanya. You know that feeling na she's so near, yet so far? Ganon ako ngayon.

Gustong gusto ko ng umamin, sasabihin ko na. Totoong gusto ko ng maging totoo ang setup naming dalawa.

Here goes nothing.

"Harper." Napatingin naman siya sa'kin, ngumiti ako ng alanganin at napakamot ng ulo. Tangina mga pre ang puso ko ang bilis ng tibok. Mahihimatay nanaman ata ako putek!

"Oh Migs? Anong sasabihin mo?" Tanong niya napapapikit naman ako. Shet eto eto na sasabihin ko na!

"Gus--" Naputol ang sasabihin ko ng may tumawag bigla sa cellphone niya. Tiningnan naman niya yung pangalan ng caller at parang nagtaka pa.

"Sige sagutin mo muna." Sabi ko tinanong niya ba ako kung okay lang ba saglit lang? Sabi ko oo baka importante. Tumayo naman siya at lumayo sa'kin ng kaunti.

Natatanaw ko pa rin si Harper, pero kinabahan na ako nung binaba niya yung tawag at nakatingin sa'kin na para bang may hindi magandang balita.

Tumayo naman ako at nilapitan siya. Napansin kong she's starting to get tense, anong nangyayare?

"Jans? Okay ka lang? Anong--" Naputol nanaman ang sasabihin ko nung may tumawag naman sa akin.

Tiningnan ko yung caller and this time si Manager Trey ang tumatawag. Binalingan ko si Harper pero parang balisa pa rin siya kaya sinagot ko na yung ta

"Alex?! Kasama mo ba si Harper?!" Sigaw ni Manager Trey sa kabilang linya. Napaigtad naman ako. Bakit sumisigaw nanaman to?

"Opo Manager Trey, ano bang nangyayare?" Tanong ko

"Nalaman na yung setup niyo! Nagtretrending kayo ngayon! Umuwi na kayo at nang mapagusapan natin to!" Saka binaba niya ang tawag. Napatulala ako sa narinig at para bang hindi makapaniwala.

Why now?

friendzoned ➵ [ beomgyu x ryujin.]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin