110 ➪ Harp.

224 19 10
                                    


Harper's

Saktong 5:15 ako nakarating rito sa The Coffee Express. Ewan ko ba anong trip ni Luna ngayon at nag-aya sa aking mag coffee daw kami.

Walang masyadong tao ngayon dito sa cafè, kaya namili na ako ng pwesto. Pumwesto ako don banda sa gilid yung dati kong pwesto kung saan nangyari yung pagsisigaw ni Alex. I'm here again, at this place.

"Hi Miss, anong order niyo?" Nabalik ako sa reyalidad ng napansing nakalapit na pala sakin ang barista. Nagtaka naman ako dahil first time yon, binago nila service nila?

"Mamaya na lang po ako magoorder, ililibre daw po kasi ako nung kaibigan ko." Ngumiti ako at napatango naman siya sabay hagikhik. Mas lalo akong nagtaka sa ginawa niyang yon.

Naprapraning na ata ako.

5:20 na inobserbahan ko ang buong cafè, walang katao-tao at yung mga design. Hala? Bakit may mga balloons ngayon dito? May mga fairy lights? Ah baka may nagpropose kanina dito. Sana all.

Lumilinga linga pa ako nung lumapit nanaman sa akin yung waiter and this time may nilapag siya sa table ko. Isang bouquet ng white roses at fishball.

"Ah? Ate? Ano wala pa po akong inorder!" Sabi ko, gagi may fishball na din sila dito? Ang weirdo naman!

Ngumiti lang sa akin yung barista at umalis na. Anong nangyayari bakit parang?

Okay this is getting weird.

Napadesisyunan ko ng tawagan si Luna, gaga yon anong binabalak non! Kinakabahan na ako dito sa The Coffee Express!

"Hello Harp?" Sumagot naman agad si Luna.

"Hoy Luna! Ano ba?! Saan kana?!" Tanong ko ng medyo naiinip na. Gagi mag fafive thirty na pala, tapos wala pa ito.

"Harp, hindi pala ako makakapunta. Sorry! May emergency kasing nangyari." Napatulala naman ako ng marinig ko yon. Emergency? Okay, that's it. Something's up.

"Alam mo Luna scammer ka! Uuwi na ako!" Sabi ko at aakmang aalis na sana ng sigawan ako ni Luna sa phone.

"STAY PUT KA LANG JAN OR PATAY KA SAKIN PAG NAGKITA TAYO?!" Sigaw niya. Napakamot naman ako sa ulo, uuwi na talaga ako.

"Uuwi na ak--" Aakmang lalabas na sana ako ng cafè ng biglang napatay lahat ang ilaw.

Inend naman ni Luna yung call kaya inon ko na ang flashlight ng aking cellphone. Prank time ba talaga ang nangyayari ngayon?!

Dahan dahan akong tumalikod dahil may naramdaman akong nakatayo sa likuran ko.
Pinikit ko ang mata ko at tinapat doon ang flashlight ng cellphone ko.

Binuka ko ang aking mga mata sabay napasigaw dahil sa gulat.

Bakit andito si Alexander Miguel Choi sa harapan ko?!

friendzoned ➵ [ beomgyu x ryujin.]Where stories live. Discover now