Kabanata 2

17 1 0
                                    


Kabanata 2

"Ang gwapo ko d'yan, oh." Jahah said, repeating  those words over and over again. And I swear, pang-ilang ulit na din ang pag-ikot ng mata ko sa sa kanya.

We're standing in front of their new arrival portrait. It hung in their mansion's big and elegant hallway. From what I heard, it came from their grandfather as a gift for their good work at school. They deserve it, though. Kahit naman may pagkaloko-loko ang dalawa ay masasabing may ipagmamayabang sila pagdating sa pag-aaral.

I was crossing my arms while looking at their faces. Nasa magkabilang gilid ko ang dalawang. magkapatid. Kanan si Joahn at kaliwa naman si Jahah na parehong nakatingala sa kanilang mga sariling mukha.

"Tumahimik ka nga." Joahn uttered who's also staring at his face. "Mas gwapo ako."

Tumawa si Jahah. "Dream on, Joahn. Tanggapin mo na lang kasi."

Napailing na lang ako. Hindi ko alam kung kanino nila namana ang pagkamahangin. Hindi naman kasi ganito si Tita at Tito, eh. Tita Lilienne is beautiful to the point that she doesn't need to put some make-up in her face and whenever I compliment her she would just smile and compliment me too. While her husband, Tito Fidel... Tito is a handsome man, of course. He quite resembled his two son. Kaya nga lang ay hindi naman siya 'yung tipong ipagmamayabang ang itsura hindi tulad ni Jahah at Joahn. He's just serious and quiet and he's the only one who can make the two young Castilleja shut their mouth. One and a half year of staying here is enough for me to know all of those- to know them all. I mean... it's a long time, right?

"Wala akong tatanggapin. Dahil unang-una, nasa akin na ang lahat." Mayabang na sinabi ni Joahn.

I nearly vomit when I heard him say those words.

Naramdaman kong napalingon sa kanya ang kanyang kapatid. "Ang yabang mo, ah." I tried my best not to laugh. Coming from you, Jahah.

"Beatriz." Tita Lilienne's voice came from the kitchen.

Paalis na sana ako nang bigla akong hawakan ni Jahah sa braso, nanliliit ang mata niyo sa kanyang kapatid nang bigla niya akong tanungin.

"Sabihin mo nga, Riz. Sino ang mas gwapo sa amin?" Aniya, hindi nakatingin sa akin. At mukha siyang seryoso sa tanong niyang 'yan, huh?

"Oo nga, Riz. Sino?" Natatawang sinabi ni Joahn.

Binalingan ko ang kanilang mga portrait at kunwaring nag-isip. Parehas lang naman silant gwapo, eh. Ang problema nga lang ay parehas din silang mahangin. "That's easy..." I raised a brow.

Naramdaman kong biglang tumahimik ang paligid habang hinihintay nila ang aking sasabihin.

"Wala." Sabi ko bago hinigit ang kamay kay Jahah at parehas silang inikutan ng mata.

They looked at me with their mouth open. At mukhang naniwala sila sa sinabi ko nang kanilang balingan ang mga mukha nila. Checking if I'm really telling the truth. Idiots.

Bago pa sila may sabihin ay agad akong tumalikod at mabilis na naglakad patungo sa kitchen kung saan ko narinig si Tita. At least, matatakasan ko ang dalawa. Nakakasawa na kasi ang mukha nila, eh. Mula sa School hanggang dito at nagkalat. Ngayon, nadagdagan pa dahil sa kanilang mga portrait.

Yes. As you can see, I feel very at ease around them. Kung dati ay naiilang ilang pa ako at nahihiya ngayon ay nasanay na din ako sa kanilang mga presensya. Napadali na din ang pagtira ko dito dahil bukod sa araw-araw ko silang kasama ay madali din silang pakisamahan. They treat me like a real member of the family.

"There you are, my dear!" Tita exclaimed the moment she saw me, entering the kitchen.   My nose was filled with the warm aroma of pastries. She's baking.

Just Roll the Dice (CASTILLEJA SERIES ONE)Where stories live. Discover now