#6: Phantom Inside Your Mind

5 5 0
                                    

Phantom Inside Your Mind
@wasted_tea

READ AT YOUR OWN RISK!

Naka-antabay ang malawak at malaking entablado kaharap ang producers at ilang malalaking tao sa industriya ng musika at teatro.

Napabuntonghininga ako dahil sa kabang nararamdaman, ilang sandali lang ay sasabak ako sa audition at tuluyan nang papasukin ang exclusive entrance ng backstage na binabantayan ng mga malalaking mama para maiwasan ang pagpasok ng ilang audience. Walang ibang paihihintulutang pumasok kung 'di ang taong mag-a-audition lamang. Iyan ang mahigpit na protocol.

Kumakabog man ang dibdib, sapo-sapo ko ito at nag-usal ng dasal sa sarili. Hindi man ako gaano kagaling sa teatro, pero ito ang tinitibok ng puso ko.

"Number 1986!" sigaw ng stage director. Agad kong napagtanto ang numerong iyon ay akin, dahilan para takbuhin ko ang pasilyo papuntang backstage.

Pumasok ako sa madilim na backstage, kalauna'y naaninag ito. Kinakabahan ako, hindi basta basta ang pinasok ko, samahan pa ng mga malalaking tauhan ng Theatre and arts agency na nagmula pa sa Europe.

Nanginginig ang tuhod ko sa kaba, ilang sandali pa ay nakaramdam ako nang malamig na kamay na tumapik sa aking balikat na ikinagulat ko.

"Kaya mo 'yan," ani ng lalaking nakasuot ng black gothic coat sa akin, bungad ang kaniyang ngiti. Napansin ko rin ang peklat sa kaniyang kaliwang mukha, sa halip na mandiri ay mas nangibabaw sa akin ang kabutihang asal na pinapakita niya.

"S-Salamat po." Tumango ako rito at ngumiti rin.

Nakahilera ang mahabang table sa harapan ng entablado kung saan nakaupo ang mga hurado na huhusga sa performance ko.

"Lucky number, huh!" Ngiting sambit ng lalaking isa sa mga producers, "One-nine-eight-six," pag-uulit niya sa numerong nakatatak sa kaliwang dibdib ko.

Hindi maiguhit ang mukha ng ilan sa kanila dahil sa failed performances ng ilang auditioners. Ang iba ay nasira ng power interruption, ang sumunod naman ay inubo habang kumakanta at ang ilan ay hindi pa man nakaka-apak sa entablado ay tinatawag ng kalikasan.

Swerte ko na lang siguro.

-

Nagsimulang tumugtog ang live orchetra na kinabibilangan ng mga string instruments. Sinabayan ito ng trumpeta na mas nagpapakaba sa akin.

Madilim ang entablado nang matapos kumanta ang babaeng gumanap bilang Christina Daek- napakagaling niyang magdala sa entablado, samantalang ako... walang panama.

Tumapat ang spotlight sa aking kinatatayuan habang patuloy ang pagtugtog ng orchestra kasabay noon ang pakiki-pagkompetensya ng kaba sa aking dibdib. Nagawa ko na noon sa audition ang maayos na performance, sana hindi ko mabigo ang theatre performing team agency na pumili sa akin.

Bumuntonghininga ako 'saka sinimulang kumanta.

"The Phantom of the Opera is there
Inside my mind~"

Muling namayani ang instrumental para maihanda ako sa second verse.

Ano't hindi ko maaninag ang prompter. Patago kong sinenyasan ang stage director, dumoble ang kaba ko dahil bakit ngayon ko pa nakalimutan ang susunod na linya. Milyones ang nakalaan dito at hindi p'wedeng sa isang pagkakamali ko lang ay mapipintasan ang teatro.

Dumoble ang kabog ng aking dibdib. Dumako ang tingin ko sa pamilyar na pigura ng lalaking may peklat sa mukha, bumagay sa suot niyang black gothic coat ang entablado na noo'y nagkataong suot niya rin sa araw ng auditon ko.

Mayroon siyang kakaibang awra na nakakapanindig-balahibo. Marahil siya ay bihasa. Nagsimula siyang umawit at sinenyasan niya akong sabayan ko iyon.

"Sing once again with me
Our strange duet
My power over you
Grows stronger yet
And though you turn from me~"

Naging kampante ako sa presensya niya, tila naging kamangha-mangha ang presensya namin sa entablado dahil sa naglalaglagang panga ng mga manood kasama ang mga producers na nakap'westo sa VIP seats na ngayo'y pumapalakpak sa kanilang kinatatayuan.

Nakapapanindig-balahibo. Maging ako ay nararamdan iyon. Namatay ang ilaw at gano'n din ang pagbalik ng spotlight sa akin.

Laking pagtataka ko nang nag-iisang spotlight lang ang binuksan gayong kasama ko ang isa pang performer.

"To glance behind
The Phantom of the Opera is there
Inside your mind~"

Muling sumabay sa akin ang lalaki sa outro ng kanta. Ngunit hindi ko maaninag ang kaniyang kinaroroonan.

"You have come here
For one purpose
And one alone
Since the call when I first heard you sing
I have needed you with me
To serve me
To sing for my music
My music~"

Napakalamig ng boses niya at bagay na bagay sa role ng persona sa nasabing pamagat.

Marahan akong napapikit at sa pagdilat ko'y nagtapos ang performance namin.

Bumukas ang ilaw sa kinauupuan ng mga audience at mas lalong natanaw ang hindi magkamayaw na ekspresyon ng bawat isa sa pagtatanghal na ginanap. Sa 'di kalayuan, laking pagtataka ko nang tumambad sa akin ang ngiti ng lalaking kanina'y katabi ko lamang, sukbit ng puting maskara upang takpan ang peklat niya sa mukha.

Paanong-?

Natapos ang pagtatanghal at nagkibit-balikat ako sa misteryong hindi mawaglit sa isipin.

"You did great!" manghang sambit ng producer sabay yakap sa akin. Lumapit ang ilan pang taong may legasiya sa larangan ng teatro, bakas sa kanilang nangangatog na tuhod at katandaan ang interes dito.

"Ahm, a while ago, how did you able to make it?" takang tanong ng stage director matapos mabigong ayusin ang nasirang prompter.

Ngumiti ako saka napakamot ng batok, "'Yong back up performer po ang sumalo sa akin," nahihiya man ay dapat kong aminin na hindi lamang ako ang dahilan ng success na ito.

Kunot-noo silang tinitigan ako. "W-What?" Ngumiti ng pilit ang stage director.

"'Yong lalaki pong naka-costume na nag-welcome din po sa akin during audition sa backstage."

Nanlaki ang mga mata nila matapos ang aking pahayag.

Isang malamig na simoy ng hangin ang bumalot sa aming kinatatyuan matapos nilang maik'wento sa akin ang totoong misteryong nakakubli sa Phantom of Opera.

"Perhaps you summoned him," ani ng matandang VIP at isinulat ang kataga gamit ang tissue.

'You have come here
For one purpose
And one alone
Since the call when I first heard you sing
I have needed you with me
To serve me
To sing for my music
My music.'

- iyon ang liriko ng kanta na isinulat niya.

"1986 when it was first released in public. The phantom is true... the word 'music' is his soul...

" Tumikhim siya, "inside your mind," dagdag pa ng matandang VIP suot ang nakakikilabot na ngiti.

Ito'y hindi haka-haka at ang kanta ay tumatawag ng pansin sa kaniyang nanahimik na kaluluwa. Ang lalaking hinusgahan ng lipunan, namuhay sa maskarang puti kung saan nakakubli ang peklat ng mapait niyang nakaraan.

-

PLAGIARISM IS A CRIME
Phantom Inside Your Mind
@wastedtea

The Untold CreepsWhere stories live. Discover now