TBC 31

5.3K 99 4
                                    

TBC 31

HOSHI'S POV

Ilang segundo na ang nakalipas pero nanatili lang akong nakasandal sa likod ng pintuan. My heart still beats fast.

Tok.. tok..

Umusbong na naman ang kaba sa dibdib ko. Ano na naman ang pakay ni Prinz Max at kumakatok siya? Hindi niya ba alam kung gaano niya pinapatibok ang puso ko?

I inhaled deeply. Humarap ako sa pinto at dahan-dahang pinihit ang door knob. "B-Bakit na naman?" Nauutal kong tanong.

"Naistorbo ba kita?" He sounds so nervous. Hindi siya nag susungit sa akin which is strange.

"H-Hindi naman."

Waaaah! Bakit? Bakit pati ako hindi makuhang mag sungit sa kanya? Masyado  ba akong nadala sa mga sinabi niya? Nung binati niya ako?

"Uhm, ano kasi.. fuck."

I have to go back with my senses. "If you're here to curse, spare me." Oh yes, nagawa kong mag sungit!

"H-Hindi! I'm here to.."

"To what?"

"Invite you."

"Invite me?"

"Yes. It's christmas. Kalimutan muna natin yung hindi magandang pinagsamahan natin, kahit ngayon lang. For Jesus' sake."

Hindi ko inaasahan ang sasabihin niya. I didn't expect that he'll offer a peace between the two of us even just for this night. I don't know what to say. I'm too overwhelmed. Oo, naiinis ako sa kanya. Oo, nagagalit ako sa kanya. Pero konting sabihin at gawin niya lang, mabilis natutunaw ang galit ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit.

"But if you don't like, uhm. Just forget what I said. Have a great night." Sabi niya saka tumalikod.

Oh, Prinz Max. You're making me crazy. Hindi ako makapag salita. I wanted to accept his offer pero kung tatanggapin ko ba, hindi mapapahamak ang puso ko? Kung tatanggapin ko ba, parang sinugal ko na ang nararamdaman ko? Kasi kahit saan ko tignan, parang may espasyo pa siya dito sa puso ko.

Sinarado ko na ang pinto ng kwarto pero hindi pa din ako umaalis sa kinatatayuan ko. Gulong-gulo ako. Inaanalisa ko ang mga nangyayari. Ang bigat sa pakiramdam na wala akong sinagot sa kanya. Ang bigat sa pakiramdam na hinayaan ko siyang mag assume na ayaw ko sa sinabi niya. Pero mas mabigat sa pakiramdam na pinili ko 'tong mangyari kahit deep inside, gusto ko.. gustong-gusto kong makasama siya.

Hindi ko alam ang nangyari sa akin pero bigla ko na lang binuksan ang pinto. Bahala na. Siguro masyado ko ng inaanalisa ang mga nangyayari. For once, gusto kong gawin yung talagang gusto ko. Yung talagang magpapasaya sa akin without thinking what might happen.

"P-Prinz Max!" I called him.

He slowly face towards me. "H-Hoshi.."

I inhaled. Lalakasan ko ang aking loob. "Yes. Pumapayag na ako. Let's be friends. Kahit ngayon lang."

Nabigla ako ng yakapin niya ako. "Thank you, Hoshi. Hindi mo lang alam kung gaano mo ako pinasaya."

Napangiti ako sa sinabi niya. Hindi niya din alam kung gaano niya ako pinasaya. Kusang kumilos ang mga kamay ko at niyakap ko din siya pabalik. It lasted for seconds then finally, pinakawalan namin ang isa't isa.

"I missed it." Komento niya. "I missed the way I hug you and how the way you hug me back, Hoshi."

TBC: PRINZ MAX VILLEGASWhere stories live. Discover now