TBC 7

6.3K 117 9
                                    

TBC 7

HOSHI'S POV

Maaga akong umalis sa TBC at dumiretso ng UC. Wala akong tulog. As in! Ni idlip wala! Daig ko pa nag review. Hindi ako makapaniwala sa mga nangyari kagabi.

Hindi ko din alam kung paano haharapin si Prinz Max. Matapos niya akong halikan at sabihan ng i-love-you, hindi ko siya kayang makita.

"Frieeeeennndd!!!"

Andito ako sa gilid ng College of Business Administration. Nakipagkita ako kay Wona. Kailangan ko ng pagka-OA niya ngayon.

"Oy, Hoshi! Hindi na ako nakapag-deo sa kakamadali! Ano bang nangyari? Tell me!"

"Wona, I think.."

"What? Buntis ka na?"

"Hindi! Bawal bang inlove muna bago mabuntis?"

"So, inlove ka? Yun lang naman—shutanginerns! Inlove ka kay Prinz Max?"

Pambihira. Makasigaw. "Sige, isigaw mo pa. Hindi nakakahiya sa mga makakarinig eh."

Umaarte pang tila mahihimatay si Wona. "Friend, inlove ka nga?"

"I guess so. Hindi ko alam. I'm not yet sure pero.. yung heartbeat ko.." Sako ko pinagsaklob ang aking dalawang kamay at itinapat sa parte kung nasaan ang aking puso. "Yung heartbeat ko bumibilis parang nagwawala. Ewan ko. Basta pag nandyan siya, ganun yung nararamdaman ko. Tapos.. nakaramdam ako ng inis. Alam mo yun? Nung makita ko siyang may mga kasayaw na babae sa bar.."

"Oh my G! Nagseselos ka! You're inlove with him nga! Pero friend.."

"Oh, bakit?"

"Paano ang deal?"

Ang deal? Ang deal kung saan papaibigin ko si Prinz Max at paaasahin. Hindi ko na alam. Ako na dapat maghihiganti, ang nahulog sa sarili kong pakulo. I hate cursing pero shit lang, paano kung ako yung masaktan? Paano kung ako ang paasahin katulad ng nangyari kay Ash?

"Wona, natatakot ako sa nararamdaman ko."

"Don't be. Ang love masarap, okay?"

"Ayokong matulad kay Ash."

"Maybe being inlove with Prinz Max is really hard. He's a playboy. He loves breaking heart and hopefully, hindi ka matulad sa kanila." Atsaka siya napatingin sa gawing kanan namin. "K-Katulad niya.."

Tinignan ko kung ano ang tinitignan ni Wona. There, I saw Prinz Max infront of a crying lady. Nakinig kami sa pinag uusapan nila. Mukhang hindi nila kami nakikita.

"P-Prinz M-Max, my baby, akala ko ba mahal mo ko?" Sabi nung babae habang humahagulgol.

"I never said that I love you and I thought that we're clear 'bout it. We just make out then that's it. I'm sorry. I don't feel the same way." Diretsang sabi ni Prinz Max. Walang pagdadalawang isip. He rejected the girl.

"P-Pero.. mahal kita. Hindi mo ba pwedeng pag aralang mahalin ako ha?"

"No."

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sagot ni Prinz Max. I'm happy because he rejected the girl but I feel so sorry for her.

"Bakit do you love someone else?"

Nagkatinginan kami ni Wona. Mukhang nabigla din siya sa tanong ng babae. Pareho naming inaabangan ang kanyang isasagot. Halong kaba at excitement ang nararamdaman ko. If he say yes, could it be me? Oo, umaasa ako. Hindi ko alam kung bakit pero siguro dahil nagmamahal na ako.

TBC: PRINZ MAX VILLEGASDove le storie prendono vita. Scoprilo ora