TBC 23

5.3K 101 6
                                    

TBC 23

HOSHI'S POV

It's a brand new day. Mabuti na lang at nagising ako ng maaga kahit medyo masakit pa ang ulo ko dahil sa pag inom namin ni Matt kagabi. Nag aabang na ako ng elevator paakyat sa office ko. Wala ganong empleyado kaya ng bumukas ang elevator ay solo ko ito ng biglang may humabol..

"Oh, wait.."

Napaangat ako ng tingin mula sa pagkakayuko. Oh! A brand new day para masira ng dalawang 'to. Pagkakataon talaga. Nananadya! Pumasok na sa loob ng elevator si Prinz Max kasama ang girlfriend niyang si Marie.

"Good morning, Hoshi." Bati ni Marie.

"Morning." Ganting bati ko.

Sinadya kong hindi samahan ng good yung morning dahil wala namang maganda sa umaga dahil nakita ko sila. Nakasabay pa sa elevator. Napaka-awkward na kaming tatlo lang ang nasa loob.

"Where did you go after we've met in the bar, last night?" Tanong ni Marie.

"Umuwi na. Saan pa ba?"

"Ganun? Ang boring niyo naman pala ni Matt."

Hindi na ako sumagot. At talagang iniisip nila'y kami ni Matt. Pero wala akong balak itama iyon, bahala sila. Isipin nila ang gusto nilang isipin.

"Kasi kami ni Babe, dumiretso ng condo niya.. and y'know. We make—"

Hindi ko na hinayaan pang tapusin ni Marie ang sasabihin niya. Nag salita na ako. "Nobody's asking. Anyway, the door is open. Una na ko."

At dali-dali akong naglakad papunta sa desk ko. Pabalibag kong nilagay ang mga gamit ko.

"Oh Seaty, good morning. Bad shot?" Tanong ni Matt nang mapansing nakasimangot ako.

Sakto namang dumaan si Prinz Max at Marie, dumiretso sila sa office ni Prinz Max.

"Mukhang alam ko na kung bakit. Don't tell me, sabay kayo sa elevator. Hahaha! Lakas maka-telenovela nun." Dugtong pa ni Matt.

I rolled my eyes. "Actually, yes. Sabay kaming tatlo."

"Ay?"

"But you have nothing to worry, Seaty. Wala naman sa akin yun. Hindi ako apektado."

"Fine. Sabi mo eh."

Hindi na siya nang usisa pa at sa halip ay nag focus na kami sa kanya-kanyang trabaho. Sa sobrang busy ko ay hindi ko na napansin na twelve in the afternoon na pala at oras na para mag lunch.

"Oh, Babe let's have some lunch..." Narinig kong sabi ni Marie.

Hindi ko alam kung nananadya ba talaga tong si Marie eh. Pinilit kong ibaling sa monitor ng computer ang atensyon ko.

"Sure. Where do you want?" Balik-tanong ni Prinz Max.

"Anywhere with you, Babe."

"Then, let's go."

Lumakad na sila palayo. Nang mawala na sila sa paningin ko ay niyaya ko si Matt na mag lunch. Wala si Cess dahil restday niya. Nag hanap kami ng kakainan sa labas ng building ng opisana pero halos lahat ay madaming tao kaya pumili kami ng hindi mataong lugar. Unfortunately...

"Seaty, wag na tayo dito." Sabi ko.

Andito din si Prinz Max at Marie. Bakit kahit saan ako mag punta ay nandito ang dalawang ito? 

"Ayyy! Seaty gutom na ako eh." Maktol ni Matt.

"Pero seaty! Andito yung dalawa eh! Baka ma-umay lang ako."

TBC: PRINZ MAX VILLEGASOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz