TBC 14

4.7K 90 6
                                    

TBC 14

HOSHI'S POV

"Fuck babe! Hindi ko talaga ma-solve!" Reklamo ni Prinz Max.

Tinignan ko ang orasan. Haha. Gusto kong matawa sa kanya. Isa't kalahating oras na ata siyang nag sosolve ng isang equation.

"Babe, kaya mo yan." Pang eengganyo ko sa kanya. "Hindi pwedeng puro mukha na lang ang gagamitin mo. Hahaha."

"Babe, kasalanan ko ba kung puro uno ako dahil crush ako ng mga prof ko?"

Natawa na lang ako. Actually, nagulat talaga ako ng makita ang report of grades niya last semester. Aba puro uno talaga samantalang minsan absent pa yan tsaka pumapasok lang naman noon yan para mang chicks.

Samantalang ako, nakikinig at nagre-review talaga before exam. Uno din naman lahat ng grades ko pero galing naman sa paghihirap ko. Sabi nga nila ubos na daw ang kilay ko sa kaka-sunog ng kilay. Gets niyo ba? May kasabihan kasing mag sunog daw ng kilay. Meaning, mag aral ng mabuti.

"Oo kasalanan mo. Bakit kasi ang pogi mo?" Sabi ko.

"Kasi maganda ka. Para bagay tayo." Sabi niya saka ako kinindatan.

Oo na. OA na pero konting segway lang ni Prinz Max, kinikilig na ako. Ganito siguro talaga pag inlove.

"Babe I love you forever." Sabi niya.

Then he kissed me. Nadala ako sa halik niya kaya tinugon ko ito. I can't resist him. He's so irresisitable. Pero teka.. bahagya ko siyang tinulak.

"Wag mo kong daanin sa kiss, babe. Mag-solve ka!" Sabi ko.

"Hehe. Akala ko makakaligtas ako pero hindi pala. Hehe."

Akala niya lang yon. Kung hindi niya lang kailangang mag review, I'll surely kiss him hangga't kusa na siyang mag sawa.

"Let's have a deal, babe."

Binitawan niya ang ballpen at inihilig ang ulo sa lamesa. "What is it?"

"Pag na-solve mo yan-"

"Hep! Ayoko babe! Kung anuman yan. Ayoko! Mas obligado akong ma-solve 'tong napakahirap na equation kapag may kondisyon eh. Aantayin ko na lang na maawa ka sakin. Hehe."

"Babe naman!"

"Hehehe. Sige na, babe. Payag na ako. Ano ba yun?"

Ngumisi ako. Sana effective ang naisip ko. Gusto ko talagang mag pursigi siya.

"Ahm, kapag na-solve mo yan. Gagawin na natin ulit yon." Sabi ko.

I mean, we'll make love. Ilang beses na ulit naming muntikang gawin yun pero tumatanggi ako. Nakakaramdam kasi ako ng takot dahil malalaman niya ang sikreto ko pero this time, handa na akong sabihin sa kanya mamaya ang lahat. Pag na-solve niya, sasabihin ko na para mapagbigyan ko na din siya. Hehe.

"Fuck! Really babe?! Yes!" Hiyaw niya.

Natawa ako. "Daig mo pa nanalo sa lotto, babe. Maka-react ka."

"Having you is like reaching heaven. Alam mo na?"

"Pero hindi mo pa naso-solve-"

Nanlaki ang mata ko ng ipakita niya ang papel niya na may sagot at solution. Alam kong siya ang may gawa non. Alangan namang ako? Tsaka alam ko ang sulat-kamay niya.

He was smiling like a king. Proud na proud. "Pano ba yan, babe? Na-solve ko."

"Teka, ang daya mo naman eh! Kanina ka pa nag mamaktol dyan tapos biglang nasagutan mo na yan? Ano yan magic?"

TBC: PRINZ MAX VILLEGASWhere stories live. Discover now