TBC 24

5K 96 7
                                    

TBC 24

HOSHI'S POV

Matapos kong makita si Prinz Max at Marie na naglalampungan sa office, pinilit kong ituon ang aking atensyon sa mga gawain ko hanggang sa oras na para umuwi ako. Nauna na si Cess at Matt since opening sila. May mga importante daw silang lakad kaya hindi na nila ako inantay.

Alas-otso na ng gabi. Pauwi na din ako ng mapag desisyunan kong mag punta muna sa comfort room para mag ayos. Madadaan ko ang private office ni Prinz Max papunta sa c.r. Konti na lang kaming mga empleyado na natitira. Habang palapit ako sa kanyang private office, rinig ko na tila nag sisisigaw si Marie.

"Baka may LQ." Bulong ko sa sarili.

Hindi ko tuloy maiwasang maisip na pagkatapos nilang mag make-out ay away? Ano yun?! Ano ba yan. Kung anu-ano ang iniisip ko. Nabigla pa ako ng lumabas sa office si Marie na nakasimangot. Binalingan niya pa ako at inirapan. Nagkibit-balikat nalang ako at dumiretso na ng c.r. saka nag ayos, pagkatapos ay bumalik na ako sa aking desk at inayos naman aking mga gamit.

Nang masiguro na wala na akong naiwan, nagsimula na akong maglakad papunta ng elevator. May mga nakasabay din ako na galing sa ibang department.

"Gosh!" Pag aalala ko ng mapagtanto na coding pala ako ngayon.

Kailangan kong mag taxi. Wala akong choice. Lumakad na ako papunta sa sakayan at napansin kong nandun si Marie na tila nag aabang din ng masasakyan. Walang ibang tao dun kundi ako at siya lang. Pumwesto ako ng mga limang tao ang layo sa kanila.

"Psh! Nananadya ka ba?" Narinig kong tanong ni Marie pero hindi ako sumagot.

Bagamat alam kong ako ang kinakausap niya, pinili kong deadmahin siya. Sa tingin ko'y away ang gustong mangyari ni Marie base sa tono ng pag sasalita niya. Hindi naman ako papatalo sa kanya pero hangga't kaya kong umiwas ay gagawin ko.

"Hoshi! I'm talking to you!" Dagdag niya pa at bahagyang lumakad palapit sa amin.

Inosente akong humarap at ngumiti pa para lalo siyang mainis. "I'm sorry. Ako pala ang kausap mo? Akala ko kasi nababaliw ka na naman."

"Huh! Bitch!"

Tinaas ko ang aking kilay at tinignan siya mula ulo hanggang paa. I gave her a disgusted look. "Look who's bitch. The way you dress, it's you. The way you talk, it's you. It's you who's bitch!"

"How dare you!?"

Akmang sasampalin niya ako ng pigilan ko siya. Nahawakan ko ang pulso niya na ipang sasampal sa akin.

"Aba't balak mo pang manakit?" Sarkastikong tanong ko saka pabalibag na binitawan ang kanyang kamay. "What's your problem?"

"You! Ikaw ang problema ko!"

"Are you insane? Wala nga akong ginagawa sayo eh. You know what Marie? Hindi ka naman ganyan dati. Hindi ko alam kung anong nangyari sayo sa loob ng limang taon na hindi tayo nagkita at nagkaganyan ka! Wala akong alam. Wala akong balita. All I know is that five years ago, tinalikuran niyo ako ni Wona!"

Oo, lahat ng sama ng loob ko sa kanila ay bumabalik. Ang sabi ko sa sarili ay wala na ang sakit. Wala na ang sakit ng nakaraan pero hindi ko akalain na kapag nakita ko pala sila ay magbabalik. Lalo na at hanggang ngayon ay hindi pa din maganda ang pakikitungo niya sa akin.

She smirked. "Dapat lang sayo yun, Hoshi! Tama lang ang ginawa namin ni Wona sayo!"

"No, I didn't deserve it. I never did." Matapang na sabi ko.

TBC: PRINZ MAX VILLEGASTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon