Chapter 13: Premiere night

371 32 16
                                    

Chapter 13: Premiere night


Days and weeks have passed since Peter and I confessed our feelings to one another in Baler. Minsan, ang surreal pa rin ng feeling at ng nangyari. Thankfully, nagiging komportable na kami sa lahat ng nagbago.

Kapag may trabaho kami pareho, pinipilit naming sabay kumain ng almusal. Kapag hindi kaya dahil masyadong maaga ang alis ko, sinusundo niya na lang ako sa set para kumain sa labas. Minsan, nilulutuan niya rin ako pero minsan, sinasabihan ko siyang huwag na dahil pagod na siya.

Isa sa mga gusto naming magawa— mag-shopping sa mall. Pero dahil busy pareho, kapag wala kaming pasok ay nasa bahay na lang kami. We play board games, watch TV, clean our stuff, and so on.

Actually, parang ako lang naman 'yong nag-adjust since Peter looks comfortable with our new setup. Pero siyempre, hindi pa rin kasama sa new setup namin ang matulog sa iisang kwarto. Hindi niya pa rin naman nabi-bring up 'yong bagay na 'yon simula n'ong sinabi niya sa harap namin ni Nang na hahayaan niya kong mag-adjust.

Bukod kay Nang, nasabi ko na rin sa dalawa kong kapatid 'yong status namin ni Peter. Nag-video call kaming tatlo n'on n'ong wala sina mama at papa sa bahay. Kinuha ko 'yong chance na 'yon para ibalita sa kanila ang tungkol sa 'min ni Peter.

Feeling newly 'in a relationship' ako eh kasal naman na kami!

Pero kaagad ko ring pinatay 'yong video call n'on bago pa sila magtanong ng kung ano-ano. Same with Brent, nasabi ko na rin sa kaniya pero tinawanan ba naman ako! Nakwento na raw kasi ni Peter 'yon n'ong nasa Baler pa lang kami.

Kinilig ako, siyempre, knowing how proud and excited he was to talk about it with others.

Pagkatapos ko maglinis ng sarili, naghilamos at nag-toothbrush na ko bago lumabas ng CR. Kita ko namang nakasimangot na nakatingin si Peter sa 'kin paglabas ko kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Ba't ka nakasimangot diyan?" pagtataray ko.

"Excuse me," sabi niya sabay bahagya akong pinausog gamit ang isa niyang kamay na walang bitbit na damit.

Napakunot naman ako ng noo dahil sa ginawa niya.

"Ba't mo ko tinutulak?!" naiinis kong saad at saka ko siya nilingon.

Hindi niya pa nasasara 'yong pinto. Nakita ko siyang huminga nang malalim.

"Lower down your voice, Lindsay," he calmly said. "I know you got your period today but calm down, okay?"

Nawala 'yong simangot sa mukha ko at saka ako napakagat sa ibaba kong labi.

"You took so long inside and I have to go to work early today, so I can attend your premiere later." Huminto siya saglit para titigan ako sa mga mata. "Sorry kung nainis ako kanina."

Parang nanlambot naman 'yong puso ko sa narinig. D'on ko na-realize na ang OA ng sinabi kong tinulak niya ko. At uminit na naman pala 'yong ulo ko bigla-bigla. Na hindi naman dapat.

"Sorry din," nahihiya kong sambit bago niya isinara ang pinto para maligo na.

Mag-iisang linggo nang naka-vacation leave si Nang. Pinagpahinga muna namin siya dahil may edad na rin siya't alam naming kailangan niya 'yon. So for the past week, kaming dalawa lang ni Peter dito sa bahay.

At ang nakakainis, nagising na lang kami kahapon na barado 'yong parehong CR namin sa mga kwarto namin sa taas at hindi rin gumagana 'yong shower. Ang ending, itong CR na karugtong ng kusina ang ginagamit namin.

Hindi dumating kahapon 'yong tinawagan ni Peter na mag-aayos. Ang sabi, ngayong araw na lang daw kaso busy naman kaming pareho ni Peter. Wala rin akong kasama kapag umalis siya't pumasok sa trabaho kaya bukas na lang daw.

Pumunta na ko sa sala para manood ng balita. Medyo masakit 'yong puson ko. Umupo na ko sa couch at saka binuksan ang TV.

Napalaki ang mga mata ko n'ong may napansin akong kalat sa mesa.

"Peter!" sigaw ko nang madampot ko 'yong balat ng chichirya sa center table.

Dali-dali akong pumunta sa basurahan para itapon 'yon. Pumunta ko sa tapat ng CR at saka kumatok.

"Ilang beses ko bang sasabihin na kalat mo, tapon mo!" malakas kong saad na sinagot niya lang ng, "Sorry! Just pick it up for me, please."

Napairap ako. Ang kulit talaga ng isang 'yon!

Bumalik na ko sa sala para umupo at manood. Medyo naiilang pa ko dahil sa takot na tumagos 'yong dugo ko sa couch.

Humiga na lang ako at saka tumagilid. Inangat ko 'yong braso ko at saka isinandal sa kamay ko 'yong ulo ko habang nanonood.

Hindi ko alam kung parte ba ng pagiging komportable namin sa isa't isa na dumadami na rin 'yong mali ni Peter na napapansin ko. Kapag may gusto rin akong sabihin, sinasabi ko kaagad sa kaniya. Minsan gusto kong kurutin 'yong tagiliran ko kasi minsan, hindi maganda 'yong nagiging approach ko.

I'm working on it. We're working on how we should make this relationship work.

Ilang sandali lang, lumabas na si Peter. Inaayos niya na 'yong coat niya.

When he saw me staring at him, he smiled in my direction. Sobrang fresh ng hitsura niya. Bagay na bagay sa kaniya ang business attire. Hindi ko maiwasang mapangiti at kiligin tuwing nakikita siyang gan'on ang suot.

"How's your feeling?" nag-aalala niyang tanong.

Naglungkot-lungkutan naman ako. Ang arte, Lindsay! "Masakit pa rin," pagtukoy ko sa puson ko.

Lumapit naman siya at saka lumuhod sa gilid ng couch. Hinawakan niya 'yong balakang ko kaya dumapa naman ako.

Minasa-masahe niya 'yong balakang ko na sobrang nagpaginhawa sa pakiramdam ko.

"How does it feel now?" malambing niyang tanong.

"Nawala na 'yong sakit," masaya kong sagot at saka umikot para humiga't makita siya.

Hinawakan niya naman 'yong mga kamay ko at saka ako nginitian bago siya magseryoso.

"Do you want to talk about what happened a while ago?" Napakagat ako ng labi sa tanong niya.

Medyo kinakabahan ako at hindi ko talaga gustong pinag-uusapan minsan 'yong ugali ko. Pero tumango ako bilang pag-sang-ayon.

Huminga siya nang malalim at saka bumitiw sa mga kamay ko. Umusog siya ng pwesto sa tapat mismo ng mukha ko at saka hinawakan ang mga pisngi ko. Nakaluhod pa rin siya sa sahig.

"Naiintindihan ko naman na umiinit ulo mo minsan, Lindsay, dahil gan'on din naman ako. We make mistakes. We unintentionally do our bad habits; mine is being messy, yours is not eating on time, and a lot more." Huminto siya sa pagsasalita at saka hinaplos-haplos ang pisngi ko.

"But we shouldn't let our weaknesses and flaws be our problem and a start of an argument. We can help each other by nicely pinpointing it out until we get used to not doing the same bad habits again. Kahit sa ibang bagay na hindi natin kaya. For instance, you only know few dishes to cook, so I'm in charge of cooking. I can't wash the dishes cleanly, so you do it," dugtong niya sa naunang sinabi.

He leaned towards me before he kissed my forehead, my nose, and my cheeks. Napangiti ako. Nakaramdam ako ng kung anong kumiliti sa tiyan ko dahil sa kilig.

Kahit sa halik, hindi ako pine-pressure ni Peter. We haven't kissed on the lips yet.

Umayos siya ng upo at inabot niya ang mga kamay ko. Mahigpit ang hawak niya r'on.

This is what I admire so much with Peter— kalmado siya palagi. Hindi niya pinapalipas ang mahabang oras nang may samaan kami ng loob o hindi kaagad nareresolba na problema o tampuhan man.

"We should make extra effort to help one another. You have your strength that can help me with my weakness and vice versa. Hindi magiging madali 'yon pero unti-unti, masasanay tayo," he smiled after his last words.

Ngiting-ngiti kong sinabi, "Salamat, Peter. We'll make things work together."

Napangiti siya sa sinabi ko at saka bumulong ng, "I love you," bago binitawan ang mga kamay ko at saka tumayo.

Hinaplos-haplos niya pa ang ulo ko bago siya nagpaalam na aalis na siya't papasok na.

Scars and Money (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora