Chapter 18: Urgent meetings

363 31 20
                                    

Chapter 18: Urgent meetings


"Okay, okay, papunta na ko, direk," nagmamadali kong saad at saka ko pinatay 'yong tawag.

We have an urgent meeting today in the company. Pinapatawag kami ng mga boss namin— kami ni Brent.

We do not have an idea as to what reason they want us to come there in an early Monday. Yet, I have a hunch that this is related to the romance movie I am currently writing.

Napairap ako.

For sure, if I am right, they will raise new demands to give me headaches.

Sa isang linggong lumipas, buo na ang loob ko na kapag pinilit pa rin nila ko na madaliin at baguhin ang ibang mga detalye rito, I'll drop this project or suggest what I can fully commit to.

Paano ba naman kasi, kaliwa't kanan na 'yong demands at masyado na kong nai-stress sa mga gusto nilang mangyari. I told them beforehand that romance is not my forte. We agreed to focus on other genres and I have the right to request and withdraw.

Napahinga ako nang malalim.

Itatago ko na sana 'yong phone ko sa sling bag ko nang makita kong may sunod-sunod na text si Peter. Napangiti kaagad ako at panandaliang nakalimutan ang isipin sa trabaho.

As I opened his messages, my smile instantly widened.

My Peter

It's Monday and I know you have a lot of works to do today. I won't say good luck because I don't believe in luck.

Do well. I believe in you.

If things get tough, know when to fight and when to concede. Not all fights are worth dying for.

Napahinga ako nang malalim dahil sa mga sinabi ni Peter. Nabawasan 'yong stress ko. Ang sarap sa pakiramdam na may taong naniniwala sa 'kin.

Ramdam na ramdam ko 'yong paglambot ng puso ko dahil sa mga nabasa.

Peter, his intelligent mind, and his sensible statements. Palagi akong pinapangiti, pinapakilig, at tinuturuan ng mga bagay-bagay!

At oo nga pala, iba na rin 'yong pangalan ni Peter sa contact list ko. The more that we get to know each other, the more that I appreciate him more. Sobrang naa-attach na ko sa kaniya! Kaya ayon, pinalitan ko kagabi 'yong pangalan niya sa contact list ko.

It makes me smile whenever I see that. Parang nandoon 'yong assurance na we are one. We are partners. He belongs to himself and me. I belong to me and him.

My Peter

Thank you!💙💙💙

Pagka-send ko ng message, tinago ko na kaagad 'yong phone ko sa bag. Lumabas na rin ako sa kwarto pagkakuha ko ng susi sa taas ng side table ko at saka dumiretso na sa baba.

Nang makita ko si Nang sa sala, kaagad ko siyang nginitian.

"Una na po ako!" masigla kong paalam at saka kumaway. Maingay namang tumunog 'yong hawak kong susi.

"Mag-iingat sa daan! 'Yong mga bilin ni Peter, huwag kalimutan, Lindsay," mariing pagpapaalala ni Nang na bahagya kong ikinatawa.

"Opo, opo," natatawa kong sagot at saka lumabas na sa bahay.

Dumiretso na ko sa garahe at ngiting-ngiting pinuntahan ang black Land Rover Range Rover ko.

Peter and I talked about this car last Wednesday— the car that he gave me back then. I told him that I finally want to use this car when I go to work from today and onwards. Habang ang team namin ay nasa pre-production phase. Siyempre, sa office lang usually ang punta kaya sure na sure na hindi ako gan'ong mapapagod at hindi nakakatakot magmaneho kapag pauwi.

Scars and Money (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon