Chapter 19: Annulment?

394 31 13
                                    

Chapter 19: Annulment?


It was late in the afternoon when Peter and I arrived at his parents' house in Bulacan. Hindi pa ko nakakababa sa kotse, hindi ko na mapigilan 'yong kaba sa loob-loob ko.

Napabuga na ko ng hininga for countless times. Hindi ko naman kasi maiwasang isipin 'yong worst; kahit kaunti pa lang nalalaman ko tungkol sa relatives ni Peter, I can't help but to have a hunch that this urgent meeting is no good.

Napalingon ako kay Peter nang hawakan niya 'yong magkasalikop kong mga kamay na nakapatong sa mga binti ko. He gently moved his hands that somehow eased my worries inside.

I smiled at him when he gave me an affiliative smile.

"Don't worry about anything," he said in an assuring voice.

Tinanguan ko lang siya dahil hindi ko naman alam ang isasagot ko.

He can't blame me. The first time I met them, it didn't turn out well.

Gagalaw na sana ko para bumaba na sa kotse nang ilapit ni Peter ang sarili niya sa 'kin. He kissed my forehead, my nose, and my cheeks before he intentionally looked at my eyes.

Hindi ko maiwasang kiligin pa rin sa tuwing ginagawa niya 'yon. Pruweba r'on 'yong pag-iinit ng mga pisngi ko. I can't get enough of that gesture of his.

Unti-unti na tuloy naglalaho 'yong kaba at takot ko.

Kalma ka lang kasi, Lindsay!

"Nandito lang ako. Hindi kita papabayaan," he said in a low yet sweet tone. He caressed my right face while still holding my hands with his left hand. "No one can hurt you as long as I'm breathing."

Napangiti ako pagkarinig n'ong mga sinabi niya. Words can really do so much to somebody else's life. Simple positivity and assurance from someone we love are enough for us to feel better.

I mouthed 'thank you' to him before we both decided to get out of the car.

Inalalayan pa ko ni Peter pababa at saka kami dumiretso sa gate. It was open so we get straight inside.

Pagkabukas ni Peter ng pinto, hinawakan niya 'yong kanan kong kamay at saka kami sabay pumunta sa gilid ng bahay. Nakita naming kumpleto na ang lahat sa pool side. Same long table where we met the last time.

Ngiting-ngiti si Tita Alexia nang makita kaming dalawa. Kumaway-kaway pa siya at saka tumayo para salubungin kami.

"Na-miss ko kayong dalawa," ngiting-ngiti niyang saad pagkalapit. Halata ang excitement sa boses niya na ikinangiti ko naman nang husto.

"Dalaw po kayo minsan sa bahay," paanyaya ko sa kaniya.

Nothing to worry now! Dati kasi, hindi ko sila magawang i-invite sa bahay dahil sa setup namin ni Peter. Mas ginusto kong huwag silang papunta-punta sa bahay dahil bukod sa ang hassle mag-ayos ng mga gamit, hindi ko maatim na niloloko namin sila.

Pero ngayon? They can freely go to our house. Anytime.

"Talaga ba?" nasisiyahan niyang tanong na bahagya kong ikinatawa. "Next time," sambit niya.

Hinawakan ni Tita Alexia 'yong kaliwa kong kamay at hindi ko maiwasang matawa sa hitsura namin. Peter is on my side, holding my right hand while his mom holds my left hand. We look like friends hanging out in the mall!

Pagkarating namin sa mesa, tahimik lang ang lahat. Different from the last time, magkatabi ngayon sina Tito Mikael at Tita Alexia. Nasa dulo pa rin naman sila ng mahabang mesa.

Kami naman ni Peter, inokupa namin 'yong upuan sa tapat ng mga magulang niya. Pero ako ngayon 'yong nasa pinakadulo. Katapat ko si Tita Alexia.

The others are seated two chairs away from Peter and me. Katulad ng dati. The same face is seated beside Tito Mikael.

Scars and Money (Completed)Where stories live. Discover now