Chapter 16: Fights

355 32 12
                                    

Chapter 16: Fights


'Yong inaakala kong magiging okay rin ang lahat sa trabaho, lalo lang lumalala.

Sarah has been doing nothing but to piss me off. Pero hinahabaan ko 'yong pasensya ko sa kaniya dahil para siyang elementary student na nambu-bully ng kaklase.

N'ong nakaraang linggo, tinapunan niya ng kape 'yong script ko. Imagine kung ilang pages 'yon! She's been denying it all throughout but I saw her with my own eyes. Isa pa naman sa pinaka-iniiwasan ko, 'yong mag-aksaya ng papel.

Last week din, hindi niya sinunod 'yong advised set design ko. At n'ong nakaraang araw naman, nagpakuha siya sa kumpanya ng ibang costumes kumpara sa na-visualize ko na na pinag-usapan na namin a week before.

Kahapon? Ginawa niya ang lahat para i-convince ang art director na ibahin ang location para sa taping kanina. Supposedly, malapit lang sa bahay namin 'yong filming location pero ang nangyari, napalayo pa.

Sumasakit talaga 'yong ulo ko sa kaniya!

She's being so impossible.

Ang kaso nga lang, for the past week, naiuuwi ko sa bahay 'yong init ng ulo ko. Hinahabaan ko man 'yong pasensya ko kay Sarah pero 'yong inis ko ay nandoon pa rin, nabubunton ko nga lang kay Peter.

Kanina pag-uwi ko, hindi niya ko nasundo dahil nag-half day lang siya sa kumpanya nila. Sa sobrang siksikan sa tren at idagdag pa na ang traffic-traffic, umuwi akong mainit ang ulo.

Wala kong pinansin sa bahay. Inis na inis pa ko n'ong nakita ko 'yong kalat ni Peter sa counter. N'ong umakyat kami sa second floor, hindi ko siya kinibo at hinihintay ko siyang lambingin ako kaso hindi niya ginawa. Kaya dito na lang ako sa kwarto ko nag-stay.

He sent me a text saying that I should rest for now and we'll talk tomorrow.

As much as I want to not be too emotional at work, I am becoming so insensitive at home.

Parang gusto ko namang magsisi na hindi ako natulog sa kwarto ni Peter. Sa kwarto namin. Parang ang lonely-lonely na mag-isa ako ngayon kahit nasa kabila lang naman si Peter.

Niyakap ko na lang 'yong unan ko. Good thing, nandito pa rin naman 'yong iba kong mga gamit since hindi kasya sa kwarto namin ni Peter.

Hindi ko alam kung nakailang hinga ako nang malalim bago ko nag-desisyon na matulog na.

Kinabukasan, nagising na lang ako na nakapasok na pala si Peter. May presentation daw siya sa kumpanya nila, sabi ni Nang.

Ni hindi niya na personally nagawang sabihin 'yon sa 'kin. Akala ko ba, hindi dapat namin pinapalipas 'yong mga ganito? Na dapat inaayos din kaagad lahat?

I was so disappointed in him.

N'ong pumasok ako, sobrang nairita lang ako kay Sarah. I am doing my best to be patient with her pero sinasagad niya 'yong pasensya ko.

Kaming dalawa lang ngayon sa loob ng storage room; dito kami nag-shoot ulit ngayon sa mansion. Break time. Kumakain 'yong mga kasamahan namin ngayon sa labas.

"Kung sa school, may sipsip at teacher's pet. Dito naman sa set, may linta. May asawa na nga, dumidikit-dikit pa sa ibang lalaki," pagtataray niya sa 'kin.

Magka-krus pa 'yong mga braso niya sa may dibdib niya habang nakataas ang kanang kilay.

Nginitian ko siya. Pero 'yong ngiting nanggigigil na. Ayaw ko namang gayahin siya sa pagiging immature niya kaya kahit nagpantig ang tenga ko sa narinig, pinapakalma ko ang sarili ko.

Scars and Money (Completed)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt