CHAPTER 11

3.4K 116 6
                                    

CHAPTER 11.

Riana's POV.

Sabado ngayon at andito ako sa mall upang mamimili ng bago na namang damit, especially dress. Wala lang gusto ko lang bumili ng dress. Habang namimili ako ay may bigla nalang tumawag sa akin kaya napalingon ako sa kung saan.

"Riana!"

Gumuhit ang ngiti sa aking labi nang makitang si Kyle na patakbong lumapit sa akin.

"Uy Kyle! Nandito ka rin pala.", agad kong sambit nang nakalapit na siya sa akin.

"Oo. May bibilhin din kasi akong tuxedo dito. Ikaw?", aniya.

"Ahh may bibilhin din ako.", me.

"Ganon ba? Eh sabay na tayo!", aniya at hinila ako.

Pumasok kami sa Beauty Dressing for male and female (sorry guys, wala akong maisip na pangalan😅). Agad siyang lumapit sa panlalakeng tuxedo. 

"Saan ang mas bagay sa akin nitong dalawa?", tanong niya at humarap sa akin na may bitbit na dalawang tuxedo na white at black.

Napatingin ako dito.

"Hmmm....Itong black.", turo ko sa kaliwa.

Ngumiti naman siya at binalik ang white tuxedo sa sinasabitan nito kanina.

"Ikaw. Anong gusto?", Kyle.

Nilibot ko naman ang tingin ko at napangiti sabay naglakad papalapit sa mga dress. Iba't ibang style at mamahalin.

"By the way, Tomorrow is my birthday. And i invite you to go there tomorrow."

Napalingon ako sa kaniya na gulat.

"Birthday mo bukas?", me.

Ngumiti siya at tumango.

"Oh and here.", Kyle.

May nilahad siya sa akin na card.

"Invitation card yan para bukas.", Kyle.

"Really? Thank you! Sige. Pupunta ako bukas.", nakangiti kong sambit habang nakatingin sa invitation card na hawak ko.

"Okay! I'll wait you there. Oh choose your dress you have to wear tomorrow.", sambit niya.

At siya na mismo ang pumili ng dress.

***********

Umuwi akong pagod. Day off din ng mga katulong namin ngayon hanggang bukas.

Humiga ako sa aking kama at nilapag ang bag na may laman na damit na binili namin kanina ni Kyle. Pumikit ako pero napamulat din ng maalala kung ano ang ireregalo ko sa kaniya bukas.

Hmm....

Pumasok din sa isipan ko si Pres. Pano kung pupunta siya bukas?

Syempre! Kaibigan niya si Kyle at pupunta nga talaga siya.

Napabuntong hininga ako.

"Makikita ko na naman ang manyak na yun."






*KYLE'S DAY*

Gabi gaganapin ang party ni Kyle at suot ko na ngayon ang isang dress na kulay blue na pinili ni Kyle, isa itong dress na kagaya ni Pia pero off shoulder ito. (Sensya na guys wala akong isip---i mean maisip😅)
Nakalugay din ang buhok ko, may kunting make up. Bitbit ko ang regalo na ibibigay ko kay Kyle. Pagpasok ko sa napakalaking mansion ni Kyle ay napatingin agad ang iba sa akin.

"Luh? Sino siya?"

"Wow! Ang ganda niya! Isa din kaya siyang bisita ni Kyle?"

"Pre, chix oh. Ang ganda, liligawan ko yan"

"Hoy akin yan!"

Napasinghap nalang ako sa mga bulungan nila at nagtuloy-tuloy na pumasok at hinanap ng mata ko si Kyle.

"Riana!"

Napalingon ako sa kaliwa at hinanap ng mata ko ang tumawag sa akin. Ang dami kayang tao dito. At ang lawak pa ng mansiyon.

"Kyle!", tawag ko sa kaniya at kumaway nang makita ko na siya.

Naglakad ito papalapit sa akin, suot na niya ang tuxedo na pinili ko kahapon. Naka side din ang style ng buhok niya. Mas lalo siyang gumwapo sa itsura niya ngayon.

"Mabuti at nakarating ka na. I'm waiting for you for so long.", nakangiti niyang wika.

"And....You look more beautiful tonight."

Namula naman ako sa sinabi niya at napayuko. Narinig ko itong tumawa.
Nilahad niya ang kaniyang palad na ikinataka ko.

"Let's go?"pagaaya niya.

Napatawa ako at hinawakan ang kamay niya at sabay kaming naglakad patungo sa mesa kung saan nakaupo ang.....

SSG OFFICERS?! At ang masaklap nandito din siya!!

"Hey guys!"

Napaiwas ako ng tingin ng tumingin siya sa amin ni Kyle na magkahawak kamay.

"Oy si Ms. Santiago!"

"Halika Riana, upo ka dito.", nakangiting saad ni Jane at tinuro ang upuan na katabi ni.....

Pres.

Tatanggi na sana ako ng hinila na ako ni Kyle at pinaupo sa tabi ni Pres. Napalunok ako nang maramdaman ko ang titig niya sa akin.

"You disobeyed me.", he whispered.

Nanayo ang mga balahibo ko sa mainit niyang hininga.
Ito na nga ba ang sinasabi ko eh!

The Possessive SSG President (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon