CHAPTER 18

2.9K 93 5
                                    

CHAPTER 18.

Ace's POV.

Agad ko siyang nilapag sa sofa at tinignan ang malaki niyang sugat mula sa binasag ko na vase.

D*mn! This is all my fault!

"Get the alcohol, cotton, and the ointment! Faster!", utos ko sa kakapasok lamang na maid galing sa labas.

Mabilis naman itong kumilos at umakyat.

"Anong nangyayari iho?", bungad ni manang habang nagaalala.

Napayuko ako.

"I-it's my f-fault manang. Kung hindi ko hinagis kung saan ang vase hindi dapat siya matatamaan ng bubog. Nadala kasi ako ng galit ko manang.", nakayuko kong sambit.

Naramdaman ko naman ang paghaplos ni manang sa likod ko at nilinisan ang sugat ng baby ko.

"Wala kang kasalanan iho. Hindi mo lang talaga alam na sa gawi niya mababasag ang hinagis mo na vase. At huwag na huwag kang basta-basta magpapadala sa galit mo, nakakasama yan.", mahinang sambit ni manang.

"Ito na po!"

Agad kong kinuha ang dala ng maid na inutusan ko at nilapag sa table. Nilinis naman ni manang ang mga dugo na galing sa sugat niya.

************

Pagkatapos lagyan ng bandage ang sugat niya ay binuhat ko na siya at dinala sa kwarto ko. Dahan-dahan ko siyang nilapag at kinumutan. Tumabi ako sa kaniya at hinaplos ang mukha niya.

"I'm sorry, baby.", bulong ko.

And about Tristan, hinding-hindi ko hahayaan na lalapit ka sa baby ko. Hinding-hindi rin kita hahayaan na agawin siya sa akin kung may binabalak ka. I will do everything to stop you. Magkamatayan man. Riana Nathalie Santiago is mine! No other man can own her, only me! Only me!






Riana's POV.

Nagising ako sa malambot na aking hinihigaan. Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata at nilibot ang tingin. Napagtanto ko nalang na nasa kwarto ako ni Pres. Bumangon ako at naalala ko bigla ang aking sugat. Tinanggal ko ang kumot na nakakumot sa aking paanan upang tignan ang aking binti. Napahinga ako maluwag nang makitang naka-bandage na ito.

"You're awake."

Napalingon ako sa pintuan nang may nagsalita at bumungad si Pres na may dalang tray. Lumapit ito sa akin at nilapag ang tray sa harap ko. May bowl na nilalaman ng sopas at may tubig din.

"Eat it."

Hindi na ako sumagot pa at inabot ang tray at nilantakan ang sopas.

"Uhm. I'm sorry for what i did awhile ago. Galit lang kasi ako because i thought you left without telling me.", mahina niyang sambit at hinaplos ang buhok ko.

Huminto muna ako sa aking kinakain at tinignan siya.

"Kalimutan mo na yun. Kasalanan ko rin naman eh kung bakit hindi agad ako nakailag.", me.

"No! Don't blame yourself too. You should blame me, baby. It's my fault.", aniya.

Napatawa ako at pinagpatuloy ang aking kinakain.

**************

It's already 6:00 pm in the evening and hinatid na rin ako ni Pres sa amin. Akmang bubuksan ko na ang pintuan ng kotse niya nang pigilan niya ako. Nagtaka naman ako at hinarap siya at...

*tsup*

"Good night."

Napakurap ako ng ilang beses sa ginawa niya. Gosh! Hinalikan niya ako pero smack lang naman. Naramdaman ko ang pamumula ng aking pisnge kaya mabilis akong umiwas.

"Ah-eh. G-good n-night d-din.", nauutal kong sabi.

I heard him chuckled.

"You're so cute while blushing.", he said at kinurot ang pisnge ko dahilan upang mapadaing ako.

Sinamaan ko ito at tingin at akmang bubuksan ko na naman ang pintuan ng kotse niya nang pigilan niya ako. Kaya inis ko siyang nilingon na nagtatanggal ng seatbelt niya at lumabas ng kotse. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa pinagbuksan niya ako ng pinto.

Wow! Ang gentleman ni Pres!

"Ano? Hindi ka ba lalabas diyan? Gusto mong sumama ka sa akin pauwi? Ayos lang.", nakangisi nitong sabi at akmang isasarado na ang pintuan ng pigilan ko siya.

"L-lalabas n-na.", me.

Tinawanan lang ako nito na ikinasimangot ko.

The Possessive SSG President (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon