CHAPTER 22

2.5K 74 5
                                    

CHAPTER 22.

Nandito ako sa garden habang iniisip kung paano ko sasabihin kay Pres. Nahihirapan na ako. Ayaw ko naman tanggihan sina Mommy dahil sa mahal ko sila at ayaw ko rin na ma-disappoint ang business partner nina Mommy. Napabuntong hininga nalang ako.

"Why are you still here?"

Nag-angat ako ng ulo nang marinig ang boses na iyon. Napatayo ako sa aking inuupuan, ngumiti siya at lumapit sa kinaroroonan ko. Hinawakan nito ang aking kamay at pinaupo ako pabalik.

"What are you thinking?", Pres.

Bumuntong hininga ako at tumingin sa malayo. Pano ko sasabihin sa kaniya?

"Hey."

Napalingon ako sa kaniya nang tapikin niya ang pisnge ko. Tinaasan ko siya ng kilay na parang nagtatanong.

"I asked you. What are you thinking about?", kunot-nuo niyang tanong.

Umiwas ako ng tingin dahil sa mga nakakatunaw niyang titig.

"W-wala.", mahina kong sambit.

"Just tell me baby. I will listen.", aniya at hinawakan ang kamay ko.

Napatingin ako sa kamay niya na nakahawak sa kamay ko. Napabuntong hininga ako.

Ano ba ang dapat kong gawin?

"Pres---"

"Ace, baby. Just call me by my name."

Napatango ako.

"U-uhm. A-ace. A-ano k-kasi."

"Ano?"

Napapikit ako nang mariin.

"A-ano. N-nagugutom a-ako.", napapikit ako nang sabihin ko iyon.

G*ga ka self!

Narinig ko itong tumawa kaya hindi ko maiwasan na mamula. Haaayyss!!! Bakit pa kasi yun pa?!

Bigla ako nito hinila patayo kaya tumayo nalang din ako.

"Teka. Saan tayo pupunta?", nagtataka kong tanong.

Lumingon ito sa akin at ngumiti at hinalikan ako sa nuo.

"Edi punta tayo sa cafeteria. Diba sabi mo, nagugutom ka na.", natatawa nitong sabi.

Napanguso ako.

Pinagtawanan pa naman ako.

Pero ayos na din iyon. Hindi pa naman ako handa na sabihin iyon sa kaniya.

Nandito kami sa cafeteria, abala ako sa aking kinakain. Kanina ko pa napapansin itong kumag na ito. Patingin-tingin sa akin.

Tinignan ko siya na nakatitig lang sa akin habang nakapatong ang chin niya sa kamay niya. Tinaasan ko siya ng kilay.
Nginitian lang ako nito sabay kinindatan. Napasinghal nalang ako at inirapan siya.

"You're so cute while eating.", aniya.

So, cute lang ako kapag kumakain? Aba! Ang unfair naman non.

"Aray!", daing ko nang bigla niyang kurutin ang pisnge ko.

Sinamaan ko lang siya ng tingin. Pero ang kumag tinawanan lang ako. Sipain kita diyan eh!


Tristan's POV.

Andito ako sa labas ng cafeteria habang pinagmamasdan silang dalawa. Sige. Magsaya ka lang Ace. Tingnan natin kung hanggang saan aabot iyang ngiti mo kapag nakuha ko na iyang babaeng kinakasama mo.

The Possessive SSG President (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon