CHAPTER 14

3.4K 91 9
                                    

CHAPTER 14.

Riana's POV.

Nandito ako sa library gumagawa ng report sa english dahil malapit na ang araw namin sa pagreport. Ako lang magisa ang gumagawa dahil natatakot nang sumama sa akin si Jayson dahil binantaan na rin siya ng kumag na yun. Tsk!

*tok tok tok*

Nagangat ako nang tingin upang tingnan ang taong kumakatok sa table kung saan ako nakapwesto.

"Hi!"

S-siya y-yung l-lalakeng m-muntik n-na a-akong g-gahasain.

Agad akong nagiwas ng tingin at mabilis na niligpit ang mga gamit ko at tumayo.

"Wait!", pigil niya sa akin at hinawakan ang pulsuhan ko.

Nagsimula na akong manginig, pilit kong inaalis ang pagkakahawak niya sa pulsuhan ko ngunit hinigpitan niya pa ito.

"I just want to say sorry."

Napatingin ako sa kaniya nang sabihin niya iyon.

"I'm sorry for what i did. I'm just drunk that time."

Dahan-dahan na lumuwag ang pagkakahawak niya sa pulsuhan ko kaya napabitaw agad ako sa kaniya.

"I'm sorry. Actually, hindi ko lang talaga alam ang ginagawa ko dahil sa lasing na ako."

Pero nagkausap pa lang sila ni Kyle eh.

"Lasing na rin ako nong nagkausap kami ni Kyle. By the way, i am his cousin. My name is Tristan Johnston."

Nilahad niya ang kaniyang palad upang makipagshake hands. Tiningnan ko lang ito.

"Oh uhm. Sorry.", nahihiya niyang sambit at binaba ang kaniyang palad at napakamot sa batok.

Napatitig ako sa mukha niya, inaamin ko nagagwapuhan ako sa kaniya pero mas gwapo pa si Pres.

"Done checking?"

Nabalik ako sa ulirat.

"I know I'm handsome.", pagmamayabang niya.

"Tss. Hangin.", bulong ko.

Bigla naman siyang huminto sa pagtawa.

"Anyways, gusto ko lang magpasama sayo sa section Scorpion."

"Transferee?", me.

Tumango siya. So, kaklase ko pa siya.

"Uhm okay. Follow me.", me.

Tristan's POV.

Patago akong ngumisi. Dadahan-dahanan ko muna, at sa dulo ay akin ka na.





Riana's POV.

Pagpasok namin ng classroom ay napalingon sila sa gawi namin at lalong-lalo na sa kasama ko. Nagsimula naman silang nagbubulong-bulungan. Nadapo ang tingin ko kay Pres na sobrang masama ang tingin at nakakuyom ang kamao nito. Tiningnan ako nito ng masama kaya agad akong lumayo kay Tristan at tumungo sa upuan ko at tahimik na umupo doon.

Maya-maya pa ay pumasok ang aming guro at nagtungo sa harapan.

"Okay class!! Good morning!! Today is you have a new classmate. Introduce your self Mr."

Ngumiti si Tristan at humarap sa amin. Nagsimula naman na kiligin ang ibang mga babae.

'Oh my. Ang pogi niya!'

'Pero mas pogi pa si Pres.'

'Girl, bagay siya sa akin.'

'Soon to be jowa ko na siguro siya! Kyaaahh!!'

"Hi everyone! My name is Tristan Johnston, and i hope we can be friends", pakilala niya at ngumiti.

Nagtilian naman ang mga babae.

"Okay quite. You can now seat at the back Mr. Jhonston."

Naglakad naman siya papunta sa likod. Don't tell me, makakatabi niya ang SSG Officers.

Ngumiti muna siya sa akin bago nakalagpas sa pwesto ko.

"F*ck!", rinig kong mahinang mura ng tao mula sa likod ko.

Napatingin ako sa upuan ko at kay Krystal, kumunot yung nuo ko. Ngayon ko lang napagtanto na nasa dating upuan na naman ako kaya pala rinig na rinig ko ang mahina niyang mura.

Nagitla ako nang maramdaman ang mainit niyang hininga sa aking batok.

"Stay away from him baby. Don't make friends with him.", bulong niya.

Hindi na ako umimik at tinuon ang aking atensiyon sa guro na nagsisimula na sa pagtuturo.

Mukhang mabait naman si Tristan eh.

**************

Lunch na kaya nagsitayuan na kami at niligpit ang aking mga gamit.

"Hey Riana! Sabay na tayong mag lunch?", Tristan.

"Ha? Ah-eh. Sur----"

"She's with me."

Napalingon ako sa taong umakbay sa akin. Napalunok ako ng makitang masama ang tingin nito.

"Oh really? Okay. See you Riana!", paalam ni Tristan bago umalis.

Dahan-dahan naman akong lumingon kay Pres na nakakunot nuo at masama pa rin ang timpla ng kaniyang mukha. Lagyan kaya natin ng sugar ang mukha niya baka mawala ang sama ng timpla?

"Don't make friends with him. You don't know him.", malamig niyang sambit.

Napakunot nuo ako.

"Huh? Mabait naman siya eh.", me.

Tumingin siya sa akin gamit ang malamig na tingin kaya napalunok na naman ako ng ilang beses.

"If i say don't. DON'T.", aniya at hinila na ako palabas ng classroom.

Ano ba kasing meron sa lalakeng yun?

Nadagdagan tuloy ang problema ko.

Sino ba si Pres?

Ngayon naman.

Sino ba si Tristan?

Ang gulo!

The Possessive SSG President (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon