CHAPTER 27

2.4K 73 0
                                    

CHAPTER 27.

Riana's POV.

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako habang nakatakip sa aking tenga at nakayuko. Ayoko ng ganito. Ayoko! Sino ba kasi si Pres? Sino ba talaga siya? Bakit may kalaban sila?

"Ahh!"

Napaangat ako ng ulo at sinilip si Pres na may tama na sa balikat niya.

"A-ace.", mahinang banggit ko sa pangalan niya.

Tumingin siya sa akin at ngumiti.

"I'm alright."

Napaluha nalang ako at napabalik ulit sa pwesto ko kanina dito sa backseat at tinatakpan ang aking tenga. Sinilip ko ang mga kasama namin kanina, may iba na nakahandusay na at naliligo sa kani-kanilang sariling dugo. Napahikbi nalang ako habang nakikita sa aking mga mata ang pangyayari.

B-bakit g-ganito?

Natigil ang putukan kaya dahan-dahan ko nang tinanggal ang aking kamay na nakatakip sa aking tenga. Sinilip ko si Pres na hinihingal na, nakatayo na siya habang hawak niya ang kaniyang braso. Sinarado niya ang pintuan ng kotse na ikinagulat ko.

"Ace!"

Lumingon ito sa akin at ngumiti.

*bang*

"Ace!"

Pinilit kong buksan ang pintuan dito sa backseat ngunit naka-lock ito.

Natamaan na naman siya sa braso niya.

"Ano Ace?! Maganda ba ang regalo ko sayo?!"

Napatingin ako sa unahan at may isang lalakeng nakamaskara ng itim.

Sino siya?

Dahan-dahan itong lumapit sa gawi namin at may hawak-hawak itong baril. Tinignan ko si Pres na kalmado lamang sa tinatayuan niya. Maraming dugo na rin ang tumutulo sa balikat at braso niya, pero parang wala lang ito sa kaniya.

"Anong kailangan mo?", rinig kong malamig na tanong ni Pres.

Nagkibit balikat yung nagsalita kanina at nakalahad pa ang dalawang kamay.

"Simple. Just give me your girl."

Napasiksik ako sa sulok ng backseat nang dumapo ang tingin niya dito.

"F*ck you!", rinig kong mura ni Pres.

"Hahaha!! Ganito nalang. I will get your girl, and I'll wait for you in 5 days to get and rescue your girl from me.", mapanglaro nitong sambit.

Mabilis akong umiling kahit walang nakakita sa akin.

"Haha. Sorry but i can't do that.", Pres.

Narinig ko pa ang tawa nong kaharap niya.

"You don't want to? May 5 days ka para iligtas siya at kunin sa akin. This is a simple game, Ace. It's easy. Haha. I thought you are a dangerous mafia? And you will easily get what you want."

Mafia?

A-anong?

A-anong p-pinagsasabi n-niya?

A-anong m-mafia a-ang p-pinagsasabi n-niya?

Mali lang ba ang narinig ko?

Mali ba?

"Tsk! Stupid! Wala siyang kinalaman dito kaya iba nalang.", Pres.

"Haha. Really?"

Itinaas nito ang kaniyang kamay sa ere na hindi ko alam.

Biglang bumukas ang pintuan ng backseat at hinila ako.

"Aahh!! Lumayo ka!!", tili ko nang hawakan nila ako sa braso at nilabas.

"F*ck! Let her go!"

"Hep. Hep. Hep. Stay there and don't move if you don't want me to hurt your girl infront of you."

"Sh*t!"

"Pumayag ka na kasi sa laro kung ayaw mong saktan ko siya."

Hinila nila ako papalapit sa nakamaskra na lalake. Nilingon ko naman si Pres na napapamura.

Hinayaan ko nalang na tumulo ang aking mga luha habang nakatingin sa gawi niya. He's hurt.

"What a beautiful, girl.", rinig kong bulong nitong nakamaskara.

*bang*

"Ace!"


Akmang lalapitan ko siya nang mahawakan nitong nakamaskara ang aking braso at hinila papalapit sa kaniya.

"Ace! Bitiwan mo ako!"

"Easy darling. I won't kill your lover unless he will cooperate."

"Wala akong pakealam sa laro mo! Kaya bitiwan mo na ako!"

"Hahaha..How cute."

Nilingon ko ang gawi ni Pres at nahihirapan na siya dahil sa tatlong bala na ang natamo niya. Ngayon ay sa tiyan na naman niya. Marami nang dugo ang kumakawala sa sugat niyang natamo. Ano nang gagawin ko?

"What now? Are you gonna cooperate or----"

"Stop!"

Napaiyak nalang ako nang marinig ang boses niyang napapaos. Pilit siyang bumangon kahit masakit ang sugat niya.

"A-ace *hik*", hikbi ko.

"Hurry, Ace."

Tumingin siya sa gawi ko habang nahihirapan dahil sa sugat niya. Nararamdaman ko ang paguusap niya sa aking mga mata. Hindi ko maintindihan.

Tumingin naman siya sa nakamaskara.

"Okay. Fine. But in one condition, don't you ever try to touch her everywhere.", malamig nitong pagsangayon.

Narinig ko naman ang pagtawa nitong nakamaskara.

"Don't worry. I'll just treat her well. And i will wait for you in 5 days."

Napangisi itong si Pres at tumango.

Tumingin naman siya sa akin.

"Don't worry, baby.", he mouthed.

Napahikbi nalang ako.

Naramdaman ko ang paghila nila sa akin at pinapapasok sa loob ng van. Napatingin pa ako kay Pres na nakatingin lang sa akin habang hawak-hawak ang sugat niya. Napaiyak nalang ako nang makapasok na kami sa van. Katabi ko itong nakamaskara at hawak niya ang bewang ko.

"It's just a game, darling. He is a mafia and it's impossible that he can't do it."

Mafia?

Napahikbi nalang ako nang umandar na ang makina ng van at unti-unti na itong umalis mula doon. Hindi man lang ako makagalaw dahil sa may mga hawak silang baril. Lalo na itong nakamaskara na katabi ko lang.

**************

Nagising ako sa isang napakalawak na kwarto. Kulay puti at itim ang kwartong ito. At....familiar din ang pabango nitong kwarto. Parang naamoy ko na ito dati. Hindi ko lang matandaan kung saan.

Biglang bumukas ang pintuan at pumasok yung guys na nakamaskara pa rin.

"You're awake. How's your sleep?"

Hindi ako sumagot. Bagkus ay niyakap ko ang aking sarili at tumingin sa ibang direksiyon. Galit ako sa kaniya dahil tinamaan niya si Pres.

Lumapit ito sa akin at umupo sa aking tabi.

"Sorry."

Pati ang boses niya parang pamilyar.

"Sino ka?"

Hindi ito sumagot at ramdam ko lang ang titig niya sa akin.

"You already know me."

The Possessive SSG President (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon