kk:>>

12.4K 293 22
                                    

I stayed away.

Nilayuan ko hindi lang ang mga lugar na pwede kaming magkita pati ang mga kaibigan namin na pwedeng maging daan para magkita kami.

Masakit. Nakakapanghinayang na kinakailangan kong isakripisyo ang mga kaibigan ko para lang makalayo sa kanya. Pero yun lang ang nakikita kong paraan. Kaya kahit masakit, kahit labag sa loob ko ginawa ko. Iyon ang makakabuti sa lahat. Isa pa, alam ko na kung hindi ako lalayo kila EJ siguradong madadamay sila. Siguradong idadamay sila ni Tristan sa gulo namin.

Staying away from him isn't as challenging as I thought it would be, except, of course, staying away from my friends, at hindi ko alam kung dapat ko ba yung ikatuwa at ikapagpasalamat o dapat ko ba yung katakutan. Because with Tristan, nothing is easy.

Minsan nga pag naiisip ko mas nag-effort pa kong magmove-on ngayon kumpara noon. Dati kasi hinahayaan ko lang. Iniiwasan ko pero wala akong lakas para iwanan yun ng lubusan. Pero siguro dadating ka din sa punto na matatauhan ka at ikaw na ang aayaw, and I think I'm getting there.

"Ang tagal mo namang dumating. Saan ka ba galing?" Pambungad na bati ni Madj sa akin. As usual, ang daldal na naman nya.

Napairap ako sa sinabi nya, "Minsan na nga lang tayo magkita yan pa ang pambungad mo?" Reklamo ko.

"Exactly. Minsan na nga lang tayo magkita late ka pa."

Napasimangot ako, "Okay, fine. Sige na, sorry na."

"Labag na labag sa loob? O sya, ano na nga bang balita? You know, kay Tristan." Pang-uusisa nya.

Isa ito sa dahilan kaya parang ayokong makipagkita kay Madj, kahit na sa totoo lang miss na miss ko na sya. Alam ko kasi na ito ang uusisain nya.

"I... I offered myself to him..." Hindi makatingin ng diretsong sabi ko sa kanya.

"What?! Nababaliw ka na ba? May girlfriend yung tao tapos iaalok mo yung ano mo sa kanya!" Nanlalaking mga matang tanong nito. Tumaas din ang boses nya na naging dahilan ng pagtingin ng mga tao sa amin.

Halos masamid ako sa sarili kong laway kasabay ng pamumula ko ng mapagtanto kong mali ang interpretasyon nya sa sinabi ko, "Baliw! Not like that. I offered to be her mistress."

Binatukan nya ako at ng makabawi ako ay dire-diretso ang naging pagtalak nya, "E mas malala pa pala, Jer! Nababaliw ka na ba talaga? Anong naisip mo at ginawa mo yun? Alam mong may girlfriend yun diba?" Nanggagalaiting sabi nya.

SapilitanWhere stories live. Discover now