7:>>

24.5K 450 4
                                    

In a blink of an eye biglang nagkaroon ng sense lahat ng atensyon na binibigay sakin kanina ng mga tao dito—na never pang nangyari. Mukhang nakita na nila ang picture na to at siguradong hindi sila makapaniwala—reason why they look at me weirdly—na parang hindi nila matanggap. Sa totoo lang iba-iba ang tingin na natatanggap ko, hindi lang weird na hindi makapaniwala, pati nakakatakot at nakakamatay na tingin natatanggap ko rin ngayon.

 

Napayuko na lang ako habang natataranta sa pag-iisip kung sinong posibleng gumawa nito at kung anong pwede kong gawin. Oh damn! What should I do? Siguradong gulo to, at ayoko ng gulo. Ayoko. Yun ang iniiwasan ko noon pa. Pero bakit nangyayari to?

Dali-dali akong pumasok ng building kahit hindi ko alam kung saan ako pupunta dahil bawat sulok ng school may mga nakakamatay na tingin akong natatanggap. At ko kung bakit—hindi nila matanggap na ang isang nobody na kagaya ko ay nauugnay sa prinsipe nila. Sino nga ba naman kasi ako? Para sa kanila walang karapatan ang isang kagaya ko na madikit o maugnay sa sinasamba nilang prinsipe.

Wala akong mapuntahan dahil saan man ako magpunta may mga matang nakatingin sakin kaya nagpasya akong magpunta sa lugar kung saan walang makakakita sakin—sa Restroom.

Dumiretso ako sa isang cubicle tsaka ko yun nilock. Binaba ko yung cover nung bowl tsaka ako problemadong nag-isip. Nakakainis kasi hindi ko alam kung bakit nangyayari to. Sobrang simple lang naman ng buhay ko bakit biglang naging kumplikado na ngayon? Ang mas nakakainis pa dun wala namang  katotohanan ang mga yun.

Sino ba kasing nagpakalat nung picture na yun? Ano bang problema nya? Bakit nya ginawa yun? Wala naman syang mapapala dun kung hindi ang pagkasira ang buhay ko, kaya bakit nya ginawa yun? Yun ba talaga ang goal nya—ang guluhin at sirain ako? Milyon na ang mga tanong sa utak ko pero wala akong makuhang sagot ni isa.

Halos mabaliw na ako sa pag-iisip nang biglang....

May bumagsak na tubig sakin dito sa loob ng cubicle. Napasinghap ako habang laglag ang panga ko sa nangyari. Basang-basa akong tumayo sa pagkakaupo para buksan ang pinto ng cubicle ko para awayin ang gumawa nito, pero kahit anong tulak at pilit na pagbukas ko dito ay hindi ko mabuksan yun.

 

Shit I'm trapped! They trapped me here.

Narinig ko ang malakas na tawanan nila habang kinakalampag ko ang pinto sa pagpupumilit na buksan yun. "HAHAHAHAHAHA! Ayan! Bagay sa kanya yan! Ang landi kasi! Sa lahat ng lalandiin si Prince pa. Ambisyosa! For sure napilitan lang si Prince sa kanya dahil sa grabe nyang panlalandi." Sabi ng isa na halata ang pagka-bitch sa tono ng pananalita.

"Oo nga! Kala ko pa naman kung sinong santa. Nasa loob din pala ang kulo! Tara na Avarice, hayaan na natin ang hitad na yan na mabulok dito. Bwisit naunahan pa kong mahalikan si Prince." Sabi naman nung kasama nya bago ko marinig ang pagsara ng pinto.

SapilitanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon