11:>>

21.8K 389 3
                                    

We don't kiss. We don't hug. We don't hold hands. We actually don't do anything. The only thing I have to do... is to be with him. Ganun siguro talaga sya kalungkot na gumamit pa sya ng mga drastic na paraan para lang magkaroon ng kasama. Nagkataon lang siguro talaga na ako ang natyempuhan nya.

Never nya kong pinwersa sa mga bagay-bagay. Bihira lang din kaming mag-usap. Minsan nga naiisip ko kung bakit pa kami magkasama o bakit sya gumawa ng ganung effort kung kasama lang pala ang gusto nya at di kausap.

Gustong-gusto ko syang kausapin, sa totoo lang, pero tuwing sinusubukan ko inaabutan ako ng awkwardness. Hindi naman sa nagrereklamo ako, dahil sa totoo lang kahit ganito lang kami nag-eenjoy ako na kasama sya. Alam mo yun? Parang kumportable na kami na magkasama lang kami. Yung hindi na namin kailangang magsalita para hindi kami makaramdam ng awkwardness. Parang natural na kasing kumportable kami sa isa't isa. Aakalain mo ba naman na makakahanap ako ng comfort sa gaya nya? I guess not, but then I did.

Pero syempre kahit ganun, mas gusto ko pa din na mag-usap kami. Lalo na at mas madalas hindi ko sya mabasa—joke! Never ko nga pala syang nabasa. Lagi lang kasi syang tahimik at kahit anong pilit ko, hindi ko sya madecode. At promise, gustong-gusto ko syang madecode pero di ko alam kung paano. Gusto ko syang maintindihan. Gusto ko syang makausap. Gusto kong malaman kung anong tumatakbo sa isip nya. Kahit sandali lang.

"What's on your mind?" Tanong ko isang beses habang tahimik kaming nakaupo sa rooftop at kumakain.

Nakatingin ako sa kanya habang dahan-dahan syang bumaling sakin at umiling, "Don't ask, you won't understand anyway."

Pagkasabi nya nun, inalis nya din agad ang tingin nya sakin. Gusto kong magprotesta. Gusto ko syang tanungin kung paano nya na sabi e hindi pa naman nya sinusubukan. Pero hindi ko ginawa, hinayaan ko na lang sya tsaka ako bumalik sa pagkain ko habang nakasimangot.

Madalas kaming magkita. Actually, lagi kaming magkasama, lalo na sa school. Sa kanya lang ako, gaya ng sinabi nya. Pero hindi ko maramdaman na akin sya. Lagi lang kasi syang nakatingin sa malayo pag magkasama kami. Sabagay wala naman sa usapan namin na magiging akin din sya pag pumayag ako. Unfair, pero wala akong magagawa

"Really, Tristan! Para saan ba ang lahat ng to? Hindi kita ma-gets. Ni hindi nga tayo nag-uusap. At please lang, wag mo kong aryahan ng 'You won't understand' dahil talagang hindi kita maintindihan. Paano ba naman kasi kita maiintindihan kung hindi ka naman nagsasalita? Nagpapasalamat ako kasi hindi mo ko pinupwersa na gawin ang anuman, malayo sa inaasahan ko. Pero hindi mo din naman ako kinakausap, tuwing magkasama tayo lagi ka lang nakatingin sa malayo. Gusto mo ba talaga akong makasama? Gusto mo ba talagang nandito ako? Kasi kung oo, bakit never mo kong nagawang tignan? Sana naman kausapin mo ko minsan para hindi napupuno ng tanong ang utak ko. Hayaan mo naman akong makilala ka." I burst out one time. Nabuburyo na kasi ako sa puro pag-upo lang namin dito sa rooftop.

Hindi ko alam kung saan galing yun. Basta na lang lumabas sa bibig ko yun. Gusto kong magsisi pero hindi ko magawa. Yun ang matagal ko ng gustong sabihin sa kanya. Yun ang nasa isip ko. Yes, we share the same comfortable silence pero minsan hindi ko mapigilang maramdaman na napipilitan lang sya at nagsisi syang kasama nya ko. Ni hindi nya kasi ako matingnan pag magkasama kami. Silence is fine but it is not enough to make me happy.

SapilitanWhere stories live. Discover now