30:>>

11.8K 196 3
                                    

Few weeks had passed at hindi na namin napag-usapan pa ni Tristan yung nangyari. We just acted as if nothing happened. Sabagay maliit na bagay lang naman yun, no big deal. Though sabi nila, 'Sometimes it is the small things that are life changing.' Ewan. Bahala sila. Mas naniniwala kasi ako na ang maliit na bagay hindi na dapat pinapalaki.

Malapit ng mag-pasko so technically malapit na ang Christmas Break at ang student council namin na wala namang ginagawa ang nag-isip ng gagawin. Alam nyo yun? Para lang masabi na may ginagawa sila kahit wala naman talaga. Ano pa bang gagawin nila? Pino-provide na nila Tristan lahat—activities, programs, events... Name it, they got it. Hindi na kailangang mag-isip ng student council dahil nakaplano na lahat, kung sa man power naman may bayad ng tao para gumawa, at sa facilitator Tristan has someone to do that. As if namang sanay kumilos ang mga nasa student council.

Kaya hindi ko maintindihan kung bakit naisipan nilang magkaroon ng Christmas Ball. I mean, okay lang sila? Christmas Ball? For Heaven's sake I'd rather sleep. I rolled my eyes at the ridiculous idea. Wala akong balak umattend. Payapa lang akong nakahiga sa kama ko habang nakapikit.

As much as possible, iniiwasan kong makita si Fritzie. Ayoko na kasi ng nararamdamam ko pag nakikita ko sya. The feeling is too foreign na parang imposible yung nararamdaman ko, but hell it is possible dahil nararamdaman ko, at sa tuwing nararamdaman ko yun halos hindi ko na makilala ang sarili ko. At ayoko nun. Ayoko na nun. Natatakot ako sa sarili ko at sa kayang gawin ng insecurity ko.

Ayoko ng makipagkumpitensya. Ayoko ng ikumpara ang sarili ko sa kanya. Dahil pagbalibaliktarin ko man ang mundo wala naman akong magagawa dahil kahit saang anggulo mas lamang talaga sakin si Fritzie—sa ganda, sa talino, sa talento, sa kabaitan, at sa lahat ng bagay. Wala na kong magagawa kung hindi tanggapin yun. Pero nahihirapan ako, kaya hangga't maari umiiwas na lang ako na makita sya—just to, at least, prevent feeling insecure.

My insecurity cannot be cured but I think it can still be prevented so I do everything I can to prevent it. Kaya i-imagine nyo na lang ang frustration na naramdaman ko nang buksan ko ang package na pinadala sakin ni Tristan na may lamang napakagandang gown.

Pagbukas ko pa lang alam ko nang hinding-hindi na ko makakatanggi. It is a very simple but stunning blue green gown na may kasama ding jewelry box na talagang nakapagpanganga sakin pagkabukas ko. The jewelry inside the box were very fancy, halatang mamahalin sa sobrang ganda. The earrings are shaped like a teardrop and the white gold bracelet was very splendid to make my jaw drop. I almost knocked my breath out when I saw the jewelry. It's too beautiful.

"I'll see you there, alright? I love you, my princess." -Tristan

And I know right then and there I have to attend the ball. Makakatanggi pa ba ko sa lagay na to? Bumaba ako para mag-almusal at, as usual, naabutan ko si mama na naghahanda ng pagkain.

"'Nak tumawag yung kuya mo, ang sabi hindi daw sya makakauwi ngayong pasko. Skype na lang daw." Bungad nya.

SapilitanOnde histórias criam vida. Descubra agora