16:>>

16K 270 8
                                    

Monday ngayon and I feel so anxious as if may nakalimutan ako. Sa sobrang hindi ako mapalagay 3 o'clock pa lang gising na ko at di na ko makabalik sa pagtulog. Napagdesisyunan kong mag-internet na lang muna tutal mukhang wala naman na kong pag-asang makatulog ulit. Binuksan ko yung laptop tsaka ko in-open yung facebook. Chineck ko yung events dun kung may reminders ba ko, pero wala. Binuksan ko din yung calendar ko sa phone pero wala din. Ano bang meron, bakit hindi ako mapakali?

Napunta ako sa 8fact website at kinilabutan ako sa bumungad sakin:

"Majority of suicides occur on Mondays."

This kind of fact at 3 am, really? Tapos Monday pa ngayon at hindi ako mapalagay. Ano ba kasing nakalimutan ko, meron ba o nag-ooverthink lang ako? Sana wala. Kasi kung may nakalimutan man ako feeling ko sobrang importante nun para mabother ako ng ganito.

Bumaba na lang ako para magprepare at pilit kong inaaalis sa isip ko yung nabasa ko at yung kanina pa bumabagabag sakin. Maaga akong natapos since maaga din naman akong nag-start mag-ayos. At dahil Monday ngayon may pasok, nakakatamad pero at the same time excited ako kasi makikita ko na naman si Tristan.

Ewan ko ba, pero sobrang na-eenjoy ko talaga yung company ni Tristan. Gusto ko syang laging kasama at kung pwede lang hanggang dito sa bahay nandito sya, iuuwi ko talaga sya. Pero hindi pwede yun kaya naman sobrang excited ako dahil makikita ko na naman sya. Hindi ko alam kung normal pa ba to, pero wala naman sigurong masama kung makaramdam ako ng ganito.

Since tapos na ko mag-ayos hinihintay ko na lang na dumating si Tristan. Medyo nakakapanibago dahil hindi naman nalelate yun sa pagsundo sakin, pero ngayon late sya ng 15 minutes sa usual nyang oras. Hindi ko tuloy mapigilang mag-alala. Ano kayang nangyari dun? Di na ko nakatiis kaya tinawagan ko na sya kahit tagtipid ako sa load. Buti na lang may libre pa kong 5 minutes na tawag sa subscription ko.

"Hello Tristan! Nasan ka na?" Tanong ko na may bakas ng pag-aalala.

He chuckled, "Nandito na sa tapat ng bahay nyo."

Sumilip agad ako sa bintana at nakita kong nandun nga sya. Prente syang nakasandal sa pintuan ng kotse nya habang nakapamulsa ang kanang kamay at nakahawak sa phone ang kaliwa. May mapaglaro syang ngisi sa mga labi habang nagsasalita. Salita sya ng salita sa phone pero parang nabalngko ang isip ko dahil wala akong maintindihan sa mga yun. Abala na kasi ako sa pagtingin ko sa kanya.

Nabalik na lang ako sa tamang huwisyo nang maalala kong naghihintay nga pala sya. Nagmamadali kong kinuha ang mga gamit ko tsaka ako mabilis na lumabas. Hindi na ko nagpunta sa kusina para humalik kay mama, sinigaw ko na lang ang pagpapaalam ko mula sa living room dahil sa pagmamadali ko. "Ma, alis na ko!"

Ngumiti si Tristan pagkakita sakin na naging dahilan ng halos pagtalon ko sa kanya, pero agad din yung nabura nang tumakbo ako papunta sa kanya , "Why are you running? Don't run you might get hurt."

SapilitanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon