Page 11: Haunted Hospital Case (Part 3)

19 11 0
                                    


Padabog na umalis si Doc. Charity at nagmadali ring umalis si Doc. Dennis dahil may aasikasuhin pa daw ito
Umalis na din ang masungit na si Doc. Michael dahil matutulog na daw ito.

"Lory anak, ayos ka lang ba?" tanong ni Doc. Philip sa anak niyang si Lory.

"Ayos lang po ako dad, sige po magpahinga na po kayo dad, may pupuntahan pa po ako" wika ni Lory at agad na umalis. Agad din namang umalis si Doc. Philip at tumungo ito sa ibang direksiyon.

Galit na napatitig naman sa akin si Krisan bago tuluyang umalis at sa ibang direksiyon din ito nagtungo. Ano bang problema ng babaing iyon?

"Kailangan niyo ng umalis dito hangga't may panahon pa, hindi niyo ba alam na kayo na lang ang natitirang pasyente ng hospital na ito, sige maiwan ko muna kayo, may aasikasuhin lang ako" paalam ni Paolo at agad na umalis.

"Kailangan ko ng umalis sa hospital na ito" wika ko at nagmadaling umalis.

"Pero Mayumi-" hindi ko na pinakinggan pa ang sasabihin ni Ivan at nagpatuloy lang ako sa aking paglalakad. Bahala siya kung gusto niya magpakadetective sa creepy hospital na ito.

Hindi pa man ako nakakalayo ay biglang may isang nurse na ang humarang sa akin.

"Hi Miss, I'm Kyline Bautista, ako ang nurse na naka-assign sa paseyenteng dinala mo rito. Ano nga pala ang pangalan ng pasyente at kaano-ano mo ito?" tanong nito sa akin. Mukhang si Denver pa yata ang magiging dahila upang hindi ako makaalis sa hospital na ito. Mukhang malas nga sa buhay ko ang jerky gagster na iyon!

"He's named was Sadako the devil, his mother was Annabelle, his father was Chuckie at higit sa lahat hindi ko kaano-ano ang demonyong iyon" galit na sigaw ko sa nurse na iyon na naging dahilan upang ito ay mapaatras. Gustong-gusto ko na talagang makaalis sa hospital na ito.

Agad namang lumapit si Ivan sa nurse at inalalayan ang nurse. Agad din namang napakapit ang nurse kay Ivan. Wow, ang landi!

"Okay ka lang ba, Miss?" naga-aalalang tanong ni Ivan sa nurse. Wow, naaksidente? nabugbog? nabundol? Kung makatanong na okay lang, akala mo naman 50-50 na lang ang lagay, eh samantalang nasigawan ko lang naman siya. Ako nga itong takot na takot pero kahit minsan man ay hindi niya tinanong kung okay lang ba ako.

"Ayos lang ako, my handsome hero" wika ng nurse at maslalo pang kumapit kay Ivan.

I rolled my eyeballs while looking at them. Hero? si Ivan? Ibig sabihin ba nito ay ako ang kontrabida at si Ivan ang hero na nagligtas sa kontrabidang katulad ko. Lalo pang kumapit ang nurse kay Ivan.

Sumusobra na talaga ang nurse na ito. Kung makakapit kay Ivan, akala mo naman boyfriend niya ito. Agad naman akong lumapit sa kanila at hinila si Ivan.

"Tara na nga, imbestigahan na natin ang haunted hospital na ito, mukhang alam ko na ang misteryo sa hospital na ito, mukhang may nakakalat ditong LINTA sa paligid" malditang wika ko habang hinihila si Ivan.

Galit na napatitig sa akin ang nurse na lintang iyon bago tuluyang umalis. Bakit hindi niya na lang landiin ang pasyente niyang si Denver, mukhang bagay din magkatuluyan ang demonyo at linta.

"Mayumi galit ka ba sa akin?" nagtatampong wika ni Ivan.

"H-hindi" agarang sagot ko. Hindi naman talaga ako galit sa kaniya, galit lang ako sa sarili ko.

Biglang nanindig ang mga balahibo ko ng biglang nagsipatayan ang mga ilaw. Teka, anong nangyayari?

Tiningnan ko ang relo ko at laking gulat ko ng makita ko kung anong oras na. It was already 10:00 PM.

Teka, ito na ba ang sinasabi nilang may mangyayaring kababalaghan sa hospital na ito?

Biglang nanginig ang katawan ko at napakapit ako kay Ivan nang biglang may narinig akong nakakakilabot na iyak ng sanggol. Kung hindi ako nagkakamali, malamang nasa room 66 iyon.

Detective Diaries (With A Mysterious pages)Where stories live. Discover now