Page 19: The Anonymous Sender Menace (Club's Wild Card)

4 0 0
                                    

"We are here because we are friends before, right Charity?" Jane asked at nakangiting tiningnan ang babaing kanina pa iritado sa kaniya. Bahagya namang tumawa ang lalaking nasa harapan nito ng banggitin ni Jane ang salitang 'friends'. Masasabi kong kasing edad ko lang ang lalaking iyon pero ang mas nakaagaw ng atensiyon ko ang babaing kaakbay nito na hindi man lang magawang tingin si Jane o si Charity.

"Friends, huh? Sa tingin mo ba maayos pa iyang FRIENDS na tinutukoy mo" the guy said with a smirk plastered on his face. Mas lalo lang yumuko ang babaing akbay nito at parang hindi siya komportable sa paligid niya.

"Believe me, pwede pa nating ibakik ang dati, we can back our friendship-" hindi na natapos pa ni Jane ang sasabihin niya ng padabog na ibinagsak ni Charity sa lamesa ang nakayukom niyang kamao.

"Kung mayroon mang sumira sa pagkakaibigan natin, ikaw yun Jane! Palagi mong sinasabi na walang makakasira sa pagkakaibigan natin pero ikaw lang din ang magta-traydor!" halos pagtinginan na sila dahil sa sigaw ni Charity. Base sa sigaw niya, matinding galit ang kinikimkim niya kay Jane.

"Kung tungkol na naman ito kay Raven, ilang beses ko bang dapat sabihin na hindi ko siya inagaw sayo" depensa ni Jane.

"Anong hindi? Magkaibigan tayo Jane. Alam mong may relasyon kami ni Jane tapos malalaman ko may sekretong relasyon na pala kayo" halos maiyak-iyak na si Charity habang sinasabi niya iyon.

"Sasabihin ko naman-"

"Kailan? Kailan mo balak sabihin sa akin noon? Nakakatawa lang dahil ipinalit ka ni Raven sa mismong pinsan mo" napayuko si Jane sa sinabi ni Charity. Mukhang unti-unti na akong naliliwanagan.

"Can't the two of you stop this nonsense. Nakikita niyo naman na si Jessica na ang girlfriend ko ngayon" usal ng lalaking kasama nila habang kaakbay ang babaing  kanina pang tahimik na tinawag niyang Jessica.

So, ang lalaking kasama pala nila ay walang iba kundi ang Raven na pinag-aawayan nila at ang akbay nitong babae na kanina pa tahimik at nakayuko ay si Jessica na pinsan nitong si Jane na kasalukuyan karelasyon ng Raven na ito.

Mukhang magkakaibigan nga sila noon at pag-ibig lang pala ang makakasira sa kanila. I wonder kung mangyayari rin ba iyon sa amin ni Candy.

But I think it's impossible at hindi ko hahayaang mangyari iyon. Naalala kong nag-amin siya sa akin ng feelings kay Ivan at wala naman akong balak na agawin si Ivan sa kaniya.

"May background ka ba ng mga suspects?" Kean asked Haily habang taimtim naming pinapanood ang sagutan ng dating magkakaibigan.

"The first one is Charity Albuena, 17 years old and a grade 10-A student. Sa kanilang magkakaibigan, siya ang bestfriend ni Jane before. She was the first girlfriend of Raven Sarmiente pero dahil sa sikretong relasyong namuo kay Jane at sa boyfriend nito, nasira ang pagkakaibigan nila at halatang hanggang ngayon hindi pa rin napapatawad ni Charity si Jane at matindi pa rin ang galit niya rito" ulat ni Haily at muli kong pinagmasdan ng taimtim si Charity.

Kung hindi niya pa rin napapatawad si Jane at kung matindi pa rin ang galit niya sa late bestfriend niya. There's a big possibility na si Charity ang anonymous sender but she could be the target too. Halatang may care pa rin si Jane kay Charity lalo pa't gusto na nitong maayos ang pagkakaibigan nila.

"The second one is Jessica Cabiguen, 16 years old and a grade 10-A student too. She was Jane's cousin. Isa rin siya sa pinakaclose ni Jane before dahil bukod sa magpinsan sila ni Jane, tinuring niya na ito bilang isang kapatid. Kagaya ng nangyari kela Jane at Charity, nasira rin ang pagkakaibigan nila dahil kay Raven. Nagkaroon ng secret relationship si Raven at Jessica nung panahong in relationship pa si Raven at Jane. I asked some of their classmates at marami sa kanila ang nagsasabi na ilang beses ng siniraan ni Jane si Jessica para lang magbalik sa kaniya si Raven. Simula nung nagyari sa kanila, hindi na sila nagpansinan pa ni Jane" patuloy na ulat ni Haily at mas lalong tumalim ang pagmamasid ko sa mga dating magkakaibigan na nasa kabilang lamesa namin.

Detective Diaries (With A Mysterious pages)Where stories live. Discover now