Page 20: The Anonymous Sender Menace (Case Resolution)

4 0 0
                                    

"Ah, DMAX club pala iyon? Basta kasi ang pagkakaalam ko lang doon sumali ang pinsan naming babae"

Napanganga ako ng muling mag-flashback sa akin ang sinabi ni Terry kanina sa klase tungkol sa pinsan nilang babae na sumali ng DMAX club. I looked at her again. Napakakinis ng balat nito at kapansin-pansin din ang itim na kulay na labi nito at mahaba nitong pilik-mata. Kahit saang parte ng katawan niya ay may suot itong mga mamahaling alahas at halos sa kaniya na nakatuon ang atensiyon ng lahat ng tao sa restaurant na ito.

"Are you out of your mind?" galit na tanong ni Charity habang nakatingin kay Trixcee. Maging sina Jessica, Raven, Jane at Alfred ay nagtataka ring nakatingin kay Trixcee kung bakit niya ito nagawa.

Pero imbes na magalit si Trixcee, tanging ngisi lang ang ipinakita nito at dahan-dahang lumapit sa magkakaibigang iyon habang patuloy lang na pina-iikot ng daliri nito ang naka-ponytail nitong buhok. Walang kahit isa sa amin ang naka-imik at tanging ang heels lang ng itim na boots ni Trixcee ang naririnig sa paligid.

"If I didn't do that. Maaaring nangingisay na ang kaibigan niyo dahil sa lasong ipapa-inom sa kaniya" bahagya naman silang nagulat na sinabi ni Trixcee at napatingin sa kapeng nabuhos na iinumin dapat ni Jane.

Sabay-sabay kaming napatingin sa taong nag-abot niyon kay Jane at halos lahat ay nagulat habang nakatingin sa taong iyon.

"Alfred...." maiiyak na turan ni Jane habang si Alfred ay hindi na malaman kung ano ang gagawin.

"Gwapo mo sana at mukhang hot...kaso ang boring mo mag-plot ng krimen, masyadong predictable" Trixcee said at pina-iikotan ito ng mata habang patuloy pa ring pina-iikot ng kaniyang daliri ang naka-ponytail nitong buhok.

Naguguluhan pa ring nakatingin si Jane sa matalik na kaibigan nito. Maging sina Charity, Jessica at Raven ay hindi rin makapaniwala habang nakatingin kay Alfred.

Pawis na pawis na ngayon ang mukha ni Alfred at halos nanginginig na ito sa takot. Nang hindi na nito nakayanan pa, nagmadali itong umatras at sinimulang tumakbo. Pero wala pa sa isang hakbang nagagawa niya ng may naghagis ng magazine sa sahig na naging dahilan ng pagkakatumba ni Alfred.

Sinundan namin ng tingin ang taong naghagis ng magazine na iyon at lahat kami ay nagulat ng matagpuan namin ang babaing naka-de-cuatro ang mga hita habang hawak sa kanan nitong kamay ang isang wine glass.

Nang maangas nitong tinanggal ang sunglass nito, doon ko lang ito lubusang nakilala. Iritado nitong tiningnan lahat ng taong nasa paligid niya at nang magtagpo ang mga mata namin, agad ko iyong iniwas. Nararamdaman ko naman ang pagsisitaasan ng mga balahibo ko in the way na tumingin siya sa akin.

"Our Club's Queen is here..." turan ni Haily at hindi ko alam kung proud ba siya sa sinabi niya kase naka-maintain lang ang emotionless na awra nito.

"Akala ko uupo ka lang diyan maghapon, Kendra" Trixcee said at muling ibinalik sa bibig nito ang kaniyang lollipop.

"Nah, I found this case so boring. Mas mabuting kumilos na ako para matapos na. I don't want to waste my time just to sit here and observe each of their movement" Kendra exclaimed at ibinaba ang hawak nitong wine glass sa lamesa bago tuluyang tumayo.

Sa simpleng pagtayo lang ni Kendra ay aakalain mo talagang isa itong model dahil sa tindig at ganda nito. She flipped her bago sinimulang maglakad sa magkakaibigan. Masyadong flawless lahat ng galaw niya at naka-maintain din ang emontionless at intimidating na awra nito.

"Teka, sino ba kayo? Bakit kayo nanggugulo rito?" Charity asked at nang makarating na sa pwesto namin si Trixcee at Kendra ay agad nitong hinarap ang magkakaibigan.

Detective Diaries (With A Mysterious pages)Where stories live. Discover now