Page 15: The Mysterious Dark Hood (The Arrival)

9 2 5
                                    

"Let's give her an around of applause"

Isang malakas na palakpakan ang narinig ko sa maraming taong nasa harap ko ngayon at lahat sila ay nakatingin sa akin?

Hindi ko alam kung nasaan ako. Natagpuan ko na lang ang sarili ko dito sa harap ng maraming tao. Nakasuot ako ng pulang gown at lahat naman ng tao dito ay naka-formal attire. Nang lingunin ko ang boung lugar, hindi ko talaga matukoy kung nasaan ako.

"Kasalanan mo ang lahat ng ito!" napalingon ako sa taong nasa tabi ko ng bigla ako nitong sigawan at muntikan pa nitong itulak, mabuti at naka-atras ako.

"Kung hindi dahil sayo, hindi magkakagulo ang lahat!" patuloy na paninisi ng taong ito. Familliar ang boses niya. Gusto kong makilala kung sino siya kaso malabo ang mukha niya at hindi ko maaninag ang mukha nito.

"H-hindi ko alam ang sinasabi mo" depensa ko. Bakit niya ako sinisisi na kasalanan ko ang lahat?

"Kung hindi ka sana lumipat ng Cassa High, hindi mangyayari ang lahat ng ito!" puno ng pagtataka ang mukha ko ng sabihin niya iyon. Ano ang ibig niyang sabihin?

Bahagyang nanlumo ang tuhod ko ng ibinalik ko ang tingin ko sa maraming taong nasa harapan ko. Lahat sila ngayon ay......wala ng mga buhay, nakahilata sa sahig ang mga katawan nila at nakakalat sa boung paligid ang napakaraming dugo mula sa kanila.

What's happening?

Bakit nagkaganito ang lahat?

Dahil sa takot ay napagdesisyunan kong tumakbo sa kung saan. Hindi ko alam kung saan ako at hindi ko rin alam kung ano ang nangyayari.

Napahinto na lang ako ng may masalubong na naman akong isang tao. Hihingi na sana ako sa kaniya ng tulong nang bigla kong napansin ang kutsilyong hawak nito.

Bahagya naman akong napaatras ng bigla itong humakbang papalapit sa akin. Patuloy lang siya sa paghakbang papalapit sa akin habang ako naman ay patuloy lang din sa pag-atras habang nakatingin sa kutsilyong hawak nito.

Ramdam ko ngayon ang bilis ng tibok ng puso ko habang nakatingin sa taong ito. Sino na naman ba ang taong ito? Nakasuot ito ng puting hood na nagtatakip sa mga mata nito kaya hindi ko nasisilayan ang mukha nito. Pero bakit parang gusto akong patayin ng taong ito?

Detective Diaries (With A Mysterious pages)Where stories live. Discover now