Chapter 9

2.6K 96 1
                                    

Matapos nilang maihatid sa airport ang mga magulang at kapatid ni Nathalia ay dumeretso na sila papuntang safe house.

Tahimik lamang si Nathalia habang nakamasid ito sa labas ng bintana ng sasakyan. Alam ni Jake na malungkot ito dahil sa pagkakalayo nito sa pamilya nito, ngunit wala siyang magagawa dahil iyon ang dapat nilang gawin upang maiwasan na mapahamak ang pamilya nito.

Muli niyang tiningnan si Nathalia mula sa rear view mirror ng sasakyan. Nagpakawala lamang siya ng buntong hininga. Kahit gusto niyang asarin si Nathalia ay hindi niya magawa dahil sa lungkot na makikita sa mata nito.

Ilang oras ang ginugol nila sa biyahe. Hindi na rin nilang nagawang kumain sa mga kainan dahil iniisip nila ang kaligtasan ni Nathalia kaya nakuntento na lamang sila sa pagkain na binili sa drive thru ng isang fast food chain.

Halos tatlong oras din silang bumiyahe bago nakarating sa lugar.

"Ruiz, Lopez. Clear the area." Mabilis na utos ni Jake sa dalawa. Agad naman tumalima ng dalawa at ginalugad ang buong lugar kung ligtas ba para sa kanila lalo na kay Nathalia.

Ilang minuto rin bago bumalik sa kanila ang dalawang agent na nag-inspeksyon sa buong lugar.

"Clear sir." Saad ni Ruiz na tinanguan ni Jake.

Lumabas sila ng sasakyan at magkakasunod na pumasok sa loob ng bahay.

Matapos nilang masigurong okay ang lahat ay inutusan niyang pumunta sa palengke ang dalawang kasamahan upang mamili ng mga kakailanganin nila at mga pagkain.

"Garcia, ituro mo kay Nathalia ang magiging kwarto niya." Ani ni Jake na hindi man lang sinulyapan si Nathalia ng tingin.

Humaba ang nguso ni Nathalia bago tumingin kay Jake. Ano bang problema nito? Napaka suplado talaga.

"Mam tayo na po sa itaas." Tumango siya kay Garcia ay agad na sumunod dito.

Bitbit ni Garcia ang mga gamit niya at dinala siya nito sa ikalawang palapag. Ang unang kwarto na kanilang nabungaran ang itinuro nitong magiging kwarto niya.

"Mam ito po ang kwarto nyo. Itong nasa harapan nyo ay kay kapitan. Doon naman po ang sa aming tatlo."

Tumango siya at ngumiti. Naisip niyang buti pa ang ibang kasamahan nitong agent ay mababait at hindi suplado.

"Salamat." sagot niya kasabay ng buntong hininga.

Kumunot ang noo ni Garcia na tumingin kay Nathalia. Mukhang may problema ang dalaga kaya naisip niyang tanungin ito.

"May problema po ba mam? Ang lalim po kasi ng buntong hininga nyo." Napapakamot batok nitong tanong.

Umiling siya at binigyan ito ng pilit na ngiti. Hindi niya alam kung bakit hindi siya matahimik sa ipinapakitang panlalamig ni Jake. Bigla kasi itong naging malamig sa pakikitungo sa kanya. Hindi niya alam kung may nagawa ba siyang kasalanan dito kaya naging ganon ang ipinapakita sa kanya. Halos ayaw nga siya nitong tingnan. Kaya alam niyang may mali at hindi niya maintindihan dahil nababagabag ang kalooban niya at may kirot sa dibdib siyang nararamdaman. Mas gusto pa niya na lagi itong kabangayan at least ay pinapansin siya nito kaysa tahimik ito at halos ayaw tumingin sa kanya.

Nang hindi na siya nakatiis ay nagtanong siya kay Garcia.

"Bakit ganyan ang kapitan nyo? Parang laging may regla. Napaka arogante mayabang at suplado." Inis niyang sabi kay Garcia.

Tinawanan siya nito habang umiiling. "Ganyan po talaga si sir. Pero mabait naman po iyan."

"Hindi siguro. Kanina pa niya ako hindi pinapansin. Tapos ni ayaw niyang tumingin sa akin." Nanghahabang nguso niyang sabi.

(Agent Series Book 1) Taming The Arrogant AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon