Chapter 19

2.7K 95 3
                                    

Matapos kumain ay gumayak agad sila Jake upang umalis patungo sa Batangas. Sinabi sa kanila ng ninong niya na naibilin na nito sa mga katiwala na darating sila kaya wala na silang dapat alalahanin pa.

Ilang oras din ang ginugol nila sa biyahe bago narating ang bayan ng San Juan.

Binatilyo pa noon si Jake ng huli niyang punta sa bakasyunan ng Ninong niya. Madalas ay doon sila nagbabakasyon lalo na noong buhay pa ang mga magulang nila.

Simula noon ay hindi na siya nakabalik pa. Naging abala siya sa pag-aaral at pag-aalaga sa nakababatang kapatid ng mamatay ang mga magulang nila. Kaya naging abala siya ng mga panahon na iyon.

"Pasensya na po sa abala Manang Berta, Mang Ambo." Saad ni Jake sa mag-asawang katiwala.

"Ano ka ba, wala iyon. At saka tinawagan na kami ng ninong mo kagabi pa." Saad naman ni Manang Berta sa kanila.

"Siya nga po pala, ito ho si Nathalia kasintahan ko. At mga kasamahan ko naman sa trabaho." Pagpapakilala niya sa mga kasama niya.

Tumango at ngumiti naman ang mag-asawang katiwala.

"Naku tiyak matutuwa si Liza kapag nalaman niya na pumarine ka."

Inalalayan niyang umupo si Nathalia sa kahoy na upuan. Abala naman sa paglilibot ng tingin ang mga kasama nila.

Napansin ni Nathalia na kahit luma na at may pagka sinauna ang bahay ay napanatili itong maganda ay maayos. Nakaka manghang sa paglipas ng panahon ay maayos itong naka tayo at hindi kumukupas ang ganda nito.

Kahit papaano ay panatag siya dahil maayos naman ang kanilang tutuluyan. At mababait ang makakasama nila.

Magtatanong pa sana si Nathalia ng biglang may sumingaw na babae.

"Kuya Jake!!" Masayang sigaw nito at nagtatakbong lumapit kay Jake sabay damba nito ng yakap dito.

Nagulat ang lahat dahil sa ginawa nitong pagyakap kay Jake. Kahit si Jake ay nagulat ng bahagya.

"L-Liza?!" Gulat na saad ni Jake ng makilala niya ang dalaga.

"Kuya, mabuti naman at bumalik ka. Matagal kitang hinintay." Naiiyak nitong saad kay Jake. Habang nakayakap kay Jake ng mahigpit.

Kahit hindi gusto ni Nathalia ang mapataas ang kilay ay kusang tumaas ang kilay niya dahil sa sinabi ni Liza. Ang iba naman nilang mga kasama ay sabay sabay na napatingin sa kanya kaya inirapan na lamang niya ang mga ito.

Alam niya kung ano ang iniisip ng mga ito. Sa totoo lang ay nakakaramdam talaga siya ng selos ngunit hindi niya iyon ipinahalata.

Lumapit siya kay Jake at humawak sa braso nito kaya napatingin sa kanya si Liza. Bahagya pa niyang inihiwalay sa pagkakayakap ni Liza si Jake. Isipin na nilang nagseselos siya pero wala na siyang pakialam. May karapatan naman siya dahil nobyo niya ito at pag-aari niya.

Humiwalay si Liza ng pagkakayakap kay Jake kaya agad na ipinulupot ni Nathalia ang kanyang mga braso sa beywang ni Jake. Agad naman gumanti ng yakap si Jake sa kanya at hinalikan pa siya nito sa ulo.

Dinig niya ang sabay sabay na sipol ng mga kasamahan nila. Naguguluhan naman napatingin si Liza sa kanila ni Jake.

"Ang laki mo na Liza. Huli kong punta dito ay uhugin ka pa." Saad ni Jake na sinamahan pa ng pagtawa. Pati ang mag-asawang katiwala ay tumawa na rin sa biro ni Jake sa dalaga.

Napanguso naman ito at bahagyang namula ang mukha. Naisip ni Nathalia na mukha may gusto itong si Liza kay Jake base sa ikinikilos nito. Kahit sino ay mahahalata iyon dahil obvious naman masyado. Well akin na siya girl. Humanap ka ng sayo. Bulong sa isip ni Nathalia.

(Agent Series Book 1) Taming The Arrogant AgentWhere stories live. Discover now