Chapter 22

2.3K 77 10
                                    

Matapos nilang mapanood ang balita ay agad na tinawagan ni Jake ang Ninong James nila. Kailangan niya itong makausap upang alamin ang mga nagaganap tungkol sa kaso. Wala siyang magawa at hindi siya makatulong sa pag-iimbistiga dahil mas importante sa kanila ang buhay ni Nathalia. At kaligtasan nito ang prayoridad nila.

Ilang ring lang ay agad din naman sinagot nito ang tawag niya.

"Ninong."

"Jake. Kumusta kayo dyan?" Mahinahong tanong nito sa kanya.

"Okay naman po kami. Kumusta po ang imbistigasyon ninong?" Dinig niya ang pagbuntong hininga nito.

"Nalagasan tayo ng witness. Alam kong malaki ang maitutulong ni senator sa kaso kung sakaling mahuli natin siya ng buhay at maging witness."

"Mukhang naglilinis na siya ng mga kalat niya Ninong. Mukhang gusto niyang unahan tayo."

"Alam kong gagawin niya iyan. Kaya nag issue na ako ng warrant of arrest. Bukas na bukas ay aarestuhin na namin sila."

"Kasama po ba siya sa aarestuhin bukas?"

"Oo siya ang uunahin ko. Total may malakas na akong hawak na ibidensya laban sa kanya, bukod sa mga ipinadala ninyo. At sisiguraguhin kong makukulong siya."

"Anong ibig nyong sabihin ninong?"

"Sa makalawa ay pupunta ako dyan. Pagpunta ko ay pag-usapan natin itong lahat. Kailangan ko munang mailagay sa likod ng malamig na rehas ang may mga sala."

Kahit papaano ay makakahinga ng maluwag si Jake kung makulong ang mga ito. Ngunit kailangan pa rin nilang magdoble ingat dahil alam nilang may mga galamay ito na malayang kumikilos nang hindi nila namamalayan.

"Mag-ingat kayo Jake. Kailangan nyong doblehin ang pag-iingat. Hindi natin alam kung ano ang susunod nitong gagawin. Kung ano at sino ang isusunod nito."

"Opo ninong. Kami na po ang bahala. Kayo rin po. Mag-iingat kayong lahat."

"Ako na ang bahala dito. Basta ingatan ninyo ang mga sarili nyo."

"Opo ninong, salamat po."

"Oh siya sige na, dahil umuusok na ang ilong ng ninang mo. Patay na naman ako nito. Baka outside de kulambo na naman ako." Tumatawang ani ng ninong niya.

Natawa siya sa sinabi nito. Napailing pa siya. Kahit may edad na ang mga ito ay para pa ring bagong kasal kung magbiruan. Halatang mahal na mahal ng mga ito ang isa't-isa.

Kinabukasan ay maaga nagising si Jake. Naaawa siya kay Nathalia dahil halos hindi ito nakatulog dahil sa labis na pag-aalala. Kaya naman naisipan niya itong pasayahin.

Pagkagising na pagkagising niya ay hinanap agad niya ang tatlo niyang kasamahan at inutusan ang mga itong gumawa ng sorpresa para kay Nathalia.

Alam niyang kahit papaano ay mapapawi ang pag-iisip at pangamba nito sa mga nangyayari.

Nang magising si Nathalia ay wala na si Jake as tabi niya. Wala na rin ito sa kwarto. Napangiwi pa siya ng makitang alas dose na nang tanghali siya nagising. Agad siyang bumangon at inayos ang kamang pinaghigaan nila.

Habang nagliligpit siya ay napansin niya ang note na nasa ibabaw ng side table. Kinuha niya iyon at binasa.

Baby, alis lang ako sandali. Hwag mo ako masyadong mamiss. I love you.

P.S. please smile. Coz you're beautiful when you smile.

Napangiti si Nathalia nang mabasa niya ang note na iniwan ni Jake sa kanya. Kahit simpleng note lang ay ngumiti na siya dahil alam niya na nag effort ito para sa kanya. Alam niyang pinapagaan nito ang kanyang nararandaman.

(Agent Series Book 1) Taming The Arrogant AgentWhere stories live. Discover now