Chapter 27: Temple Prisoner

2.4K 119 9
                                    

KASDEYA ARGYROS' Point of View

I'm never the type of kid to disobey and disregard orders. Kahit noong kasama ko pa si Papa, naging masunuring bata ako sakaniya. Even at the prison cell, I was a good prisoner... most of the time.

Nang makarating ako sa Fortuna Orphanage, mas lalo akong natuto kung paano maging responsable.

As one of the older kids, it's up to me to discipline, teach, and set a good example to the younger children. Ma'am Amanda called me a star student in her little classes, and I was always the diligent one.

My 'good girl' streak ended when I got here.

"Kasdeya, we have to get to class!" Nakakailang balik na si Hurricane sa aking kwarto para gisingin ako. Ilang beses ko na rin siyang sinusungitan dahil ayoko pang bumangon.

Niyugyog niya ang kumot na nakapatong sa aking katawan. "Come on, lagi ka nalang late sa unang klase. Tapos madalas kang hindi pumapasok sa mga class at training."

Hindi ko maiwasang mapangisi kahit na nakapikit at nakatalukbong pa rin ako ng kumot. Late akong gumising at tatamad-tamad akong pumasok dahil ayaw kong sumunod sa mga gusto nila.

I don't want to give them any hint of satisfaction. I'll be stubborn whenever I want to.

Naramdaman ko ang pag-upo ni Hurricane sa gilid ng kama ko. "Nag-aalala na yung Higher Ups kasi minsan ka lang namin makita, lalo na si Kuya Calix. He's like our unofficial guardian, you know? Siya yung kadalasang responsible sa ating lahat."

I groaned. "Hindi ako papasok ngayon."

"What?" She exclaims, my cushion grows heavier when she moves. "Bawal yung puro ka nalang absent, Kas. We have to train and attend classes para handa tayo sa mga missions. You can't always sit them out!"

"I don't care."

I can practically see Hurricane's pout without seeing her or hearing anything from her. Bago pa man niya ako muli pagsabihan tungkol sa pagpasok, inunahan ko na siya.

Bahagya akong gumalaw sa kama para matingnan ko siya. The comforter falls down on the bridge of my nose, kaya mga mata ko lang ang kita niya. "Papasok ako paggusto ko, and stop waking me up everyday. Naiistorbo lang ako."

Tama nga ako na nakanguso siya. Mas lalo lang humaba ang kanyang nguso bago tumango. "Fine, pero ikaw na bahalang gumawa ng excuse pagtinanong ng Higher Ups kung nasaan ka ah."

Sa wakas at nagawa na rin akong iwanan ni Hurricane. I sigh before closing my eyes again, trying to get back to sleep when I really don't need to.

Naisipan kong huwag nang pumasok sa buong araw na yun. Hindi muna ako lumabas ng dormitory dahil hindi ako sigurado kung mahuhuli ako ng mga Higher Ups o nung iba pang Hellenes katulad ni Paris.

The next days, Hurricane would simply knock on my door every morning to wake me up pero hindi na siya pumapasok upang mangulit. Hindi ko maiwasang matuwa dahil sinunod niya ang gusto ko.

Ginigising lang niya ako pero pagkatapos ng ilang katok sa pinto, hindi na ulit siya nang-iistorbo. The rest of my absent and rather lethargic days becomes peaceful because of that.

Bago pa man ako makalimang absences, naisipan ko nang pumasok kahit ma-late ako. Five minutes after my dorm mates left for classes, bumangon na ako ng kama.

Walang pagmamadali ang aking paggayak. I take my time, slipping in my uniform while humming The Swan by Saint-Saëns. Inayos ko ang mga lukot na nakita ko bago mag-ayos ng itsura.

Powder lang ang nilagay ko sa aking mukha bago isuklay ang aking buhok. I tie my hair in a long braid with black elastics. Nang matapos ako, umalis na ako ng dormitory at naglakad patungo sa main building.

Descendants of the GodsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon