The Orphanage's Director once told me that only lucky people can remember their dreams. Lagi niya sa amin sinasabi na sulitin namin ang aming mga panaginip dahil hindi namin ito maaalala sa umaga.
So, why do I vividly remember every dream I had?
Dumausdos ang isang luha sa pisngi ko nang dumilat ako. My back feels sore. Sobrang sakit ng katawan ko. As I rise from my uncomfortable sleeping position, sunlight slowly pour into folds of silk over my face. Napapikit ako nang tumama ito sa puti kong mga mata.
"Ugh..." Daing ko nang umayos ako ng pagkakaupo. Narinig ko ang pagtunog ng likod ko sa bigla kong paggalaw. I'm barely an adult pero pang matanda na ang buto ko.
I wipe the single tear on my face before fixing the old music sheets on top of the piano cover. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako kagabi dahil sa pagtugtog sa piano. And now, my back has to pay for the price.
Nasa kalagitnaan ako ng paghikab nang may marinig akong kalabog sa likod. I quickly turn, my senses sharpening at the harsh sound. Nagising bigla ang diwa ko.
Pero nang tumalikod ako para tingnan ang kabuuan ng attic, wala akong nakita. The Director donates everything he doesn't use anymore, kaya walang laman ang kwarto. The only thing left here is an old grand piano at the center of the dusty room, barely lit by the morning sun.
Kumunot ang aking noo. I could have sworn I heard something fall...
Baka imahinasyon ko lang.
I blink once. Twice. Thrice. Until I get rid of my sleepy state.
Pagkaunat ko ay tumayo ako mula sa upuang nasa harapan ng piano bago bumaba ng attic. Hindi ko alam kung anong oras na, pero sigurado akong gising na rin ang iba.
Tumunog ang ladder na tinutuntungan ko habang pababa sa attic. I set my foot on the wooden floor with a silent jump, but dust still erupts from the gaps on the floor. Inayos ko ang pull-down stairs bago bumaba patungo sa unang palapag.
Rinig ko na ang ingay nila kahit malayo pa ako. The other rooms are empty already. Mukhang late na ang naging gising ko. Kahit ang mga bata ay naririnig ko nang mag-ingay sa baba.
I fasten my pace to reach the kitchen. The wooden floor thuds faintly with every step. Nang makababa ako sa unang palapag, binagalan ko ang paglakad.
Everyone says that I'm too quiet. Sobrang tahimik daw ng paggalaw ko kaya nagugulat sila sa akin. I would walk pass them and they won't even notice.
Hindi naman ako nagtatago pero naging habit ko na ang patahimikin ang bawa't kilos ko. When I reach the kitchen, I stand at the entrance, watching the members of Fortuna Orphanage panic around like headless chickens.
"Nasaan na ba si Blayze?!" Malakas na sigaw ni Gunner habang inaayos ang mga streams ng crepe paper sa gilid ng ceiling. I tilt my head in confusion. Anong ginagawa nila?
Sinamaan siya ng tingin ni Raya. "Lower your voice, idiot! Baka magising si Kasdeya!"
Tumaas ang dalawa kong kilay. Sumandal ako sa pader at humalukipkip habang pinapanood sila.
"Ito yung unang beses na late ang gising ni Kas pero siguradong magigising na rin yun. Bilisin niyo na!" Sulpot ni Blayze mula sa gilid. She's holding onto a box with a ribbon. Hindi ko na makita ng mabuti dahil hinatak na siya ni Aithne.
Nagsitawanan ang mga bata habang pinapanood ang mga ate at kuya nila na tarantang-taranta habang nag-aayos ng kusina. They're helping too, but they are having too much fun to freak out like the older kids.
"Asan si Ryo?" Tanong ni Aithne habang lumilinga linga sa paligid. Because she looks at the entirety of the room, she sees me standing at the entrance. Nanlaki ang mga mata niya.
BINABASA MO ANG
Descendants of the Gods
FantasyIMITHEOS SERIES #1 | Completed For a girl who has nothing, Kasdeya Argyros dreams of everything- she wants to have everything that a normal person can have. She schemed her life from the littlest detail to the biggest decisions, so changing her plan...