Chapter 1

12 1 0
                                    

"Sir, saglit lang po ito kaya kung maaari po ay kumalma kayo" madiin kong sambit sa isang pasyente dahil nawawalan na ako ng pasensiya. Kung maaari lang ay ipalamon ko na itong injection sa kanya dahil sa ingay niya, pero syempre makukulong ako.

"Ahhhhhh"..

"Sir hindi ko pa po naitutusok, wag kayong oa!", jusmeyong buhay to, lahat na lang napakagulo pati tong matandang ito, puro iyak ng iyak mga kamag-anak niya eh injection lang naman gagawin ko sa kanya, akala mo naman mamamatay. Eh talagang mamamatay to dahil sa akin.

Pagkatapos kong tinurukan siya, agad kong inayos yung mga gamit ko at sinenyasan si Ella na siya munang bahala sa pasyente dahil off duty ko na.

Habang inaayos yung mga gamit ko biglang may sumigaw ng pangalan ko.

"Hoy Janis!" ano na naman ba ang kailangan ng tabatchoy na 'to.

" Off-duty ka na? ay mag-overtime ka muna, napakadaming pasyente oh!" turo nito sa mga pasyenteng nagpapahinga.

"Maam, nagpaalam naman po ako sa inyo kahapon na hanggang alas sais lang po ako dahil sasamahan ko po yung tatay ko na magpacheck-up, at pumayag naman po kayo", isa pa itong head nurse namin lagi akong ini istress, may memory loss ba to?

"Aba eh sa nanay mo na ipasama!"

"Pumayag po kayo kahapon, maam!"

"Oh eh, kahapon yun, iba ngayon!"

Napapikit na lang ako dahil sa inis. Agad kong kinuha ang cellphone ko at nagtext kay tatay na hindi ko muna siya makakasama.
Tumingin ako sa head nurse at yumuko.

Naglalakad ako sa hallway ng makita ko si tatay sa entrance  na nahihirapang maglakad. Talagang kahinaan ko itong tatay ko eh, naiiyak na lang ako basta basta. Lumapit ako sa kanya at inalalayan siya.

"Bakit pa kayo tumuloy, tay! Sabi ko sa ibang araw na lang dahil hindi ko kayo masasamahan." ani ko sa kanya.

"E hindi naman ako pumunta dito para magpacheck-up, bibigyan ko lang naman ng pagkain ang prinsesa ko" lambing nito sa akin. Napangiti ako dahil maswerte akong siya ang tatay ko.

"Nilutuan ka ng nanay mo ng paborito mong adobo, kaya ubusin mo yan, ha?"

"Talagang uubusin ko tay" ngumiti ako habang binubuksan ang tupperware.

"Oh siya uuwi na ako at baka gabihin pa ako sa daan, anak"

"Sige po" kumaway ako sa kanya at nagflying kiss. Natawa siya dahil sa ginawa ko. Aalis na sana ako pero may humintong alagad ni satanas sa tabi ko. Dumungaw pa siya sa labas. Napairap na lang ako sa kawalan.

"Sabi ko magtrabaho, hindi lande!"

"Wala akong kalandian maam, naghatid lang po ng pagkain ang-" naputol ang sasabihin ko dahil inunuhan niya ako.

"Hay ewan ko nga ba kung bakit ka pinagtiya-tiyagaan ng hospital na ito, connection nga naman!" may lihim na galit to sa akin eh, ipusta ko na isang libo ko!

"Nakapasok po ako sa hospital na ito dahil sa kakayahan ko hindi dahil may pwedeng tumulong, tsaka wala akong pakeelam sa connection connection na yan, maam" pangangatwiran ko.

Umirap ito tsaka naglakad palayo.

"Bida-bida talaga yung tabatchoy na 'yon, ako lang dapat ang bida, mga hangal!" pabulong kong sambit sa sarili ko.
Inayos ko ang expression ng mukha ko at ipinagpatuloy ang trabaho ko.

Umaga na ng makalabas ako sa ward. Ramdam ko na din ang antok at sakit sa likod ko.

" Oli, out ka na daw! " salubong sa akin ni Ella.

Along With The Billion StarsWhere stories live. Discover now