Chapter 7

1 0 0
                                    

Pagkalipas ng dalawang araw nakarating na din kami sa  bayan ng San Oriente, madaming mga tao ang naghihintay at  nag-aabang ng kanilang mga kapamilya. Pagkatapos ng nakakahiyang insidente noong isang araw, hindi ko na ulit nakita pa si Timoteo.

Nang makababa kami ay agad sumalubong sa akin ang matanda ngunit may kagandahan na Ginang. Niyakap ako nito, ganundin sina Armenia at Sylvia. "Kumusta ang mga tatlo kong prinsesa? Ayos lang ba kayo?" mangiyak ngiyak na sambit nito sa amin habang hawak ang isang pisngi ko. "Naging maayos din ba ang inyong bunsong kapatid?" nakangiti nitong tanong pero napatigil at napatahimik sina Sylvia at Armenia. Tumango si Sylvia kay Armenia. Napag-usapan na naming tatlo kanina, na si Sylvia ang magsasabi sa nanay nila ang totoong nangyari kay Amara.

Walang tigil sa pagyakap at paghalik sa mga pisngi namin ang nanay nila. Nang makasakay sa kalesa, kasama ko si Armenia dito at sa kabilang kalesa naman ay ang nanay nila at si Sylvia.

"Iyo bang naaalala na kaarawan na ni Tiyo Jaime bukas?" tanong sa akin ni Armenia at umiling naman ako. Napabuntong hininga siya at biglang lumungkot ang kanyang mga mata.

"Ang ating tiyo ang isa sa mga taong may karangyaan at damay tayo roon, kaya magkakaroon ng malaking selebrasyon bukas para sa kaarawan ng ating tiyo." paliwanag nito. Hindi ko na narinig ang mga iba niyang sinabi dahil nakamasid lang ako sa labas. Napakaganda dito sa lugar na ito, parang paraiso. Mayroong isang malaking  kurbang tulay na gawa sa semento at bato at sa ilalim nito ay isang umaagos na tubig dahil galing ito sa talampas na matatanaw sa tulay na maraming bulaklak sa mga gilid nito. Meron ding mga naglalaba doon at mga naliligong mga bata. Sobrang ganda, at napakapayapa!

Hanggang sa may matanaw akong isang malaking bahay na may pagkaspanish style. at sa gilid nito ay napakaraming mga rosas na halos maakyat na nito ang mga pader. Pagkababa ng kalesa agad na sumalubong sa amin ang isang napakakisig na may edad na lalaki. Siguro ito ang Tiyo Jaime na sinasabi nila, nagmano si Armenia kaya ginaya ko naman siya. Ngumiti ito sa akin at niyakap ako ganundin kay Sylvia at Armenia. "Ang tatlong prinsesa ng Sarmiento, naging maayos ba ang panunuluyan ninyo sa La Maniolas?" nakangiting tanong nito at tumango naman ako. Nang makalapit sa amin ang nanay nilang nakangiti, biglang nagsalita si Sylvia. "Ina, Tiyo, maaari ko ba kayong makausap saglit?" nag-aalalang sabi ni Sylvia. Sasabihin na kasi niya ang nangyari kay Amara sa La Maniolas. Nagtaka ang dalawa, pero humayo rin sila sa loob. Napansin kong malungkot si Armenia kaya kinausap ko siya.

"Ayos ka lang ba? Masakit ba ang iyong pakiramdam?" tanong ko sa kanya. "Ako'y nag-aalala lamang na baka ipagkasundo din nila ako sa ibang binata" malungkot na saad nito.

"Hindi iyon mangyayari" ngiti ko sa kanya at niyakap siya.

Nang makapasok ako sa silid ni Amara, masyado akong namangha dahil sa lawak nito. Meron itong kama  na parang pang fairy tale, at malaking bintana kung saan may mga halamang bulaklak. At maliit na study room,  walk in closet at sariling cr, ngunit lahat ng ito ay bakas ang pagiging makaluma. Ang yaman nga talaga ni Amara!

Habang ine-enjoy ang kama, nagulat ako ng nabulabog ang pintuan ng silid at niluwa nito ang humahangos na Tiyo Jaime at ang Ina ni Amara na umiiyak.

"Patawarin mo ako anak kung wala ako sa tabi mo noong nangyari sa iyo ang insidenteng iyon" umiiyak na sambit ng Ina nila habang yakap yakap ako. Weird. "Ayos naman na po ako" ngumiti ako ngunit nagulat ako ng sumigaw si Tiyo Jaime.
"Hindi! Papatayin ko ang mga hangal na gumawa niyan sa'yo. Walang sinuman ang susubok na saktan ang isang Sarmiento!" nanggigigil ito kaya bahagya akong natakot.

"A-ayos lang po ako" napapaos na sambit ko. Patuloy lang sa pag-iyak ang ginang habang yakap yakap ako samantala sigaw naman ng sigaw si Tiyo Jaime habang may inuutusan na mga kawal.

"Mga hangal! sinabi ko sa inyo na gawan niyo ng paraan agad agad, kung maaari ay kunin ninyo ang mga pinakamagaling na tao upang hanapin ang gumawa niyan sa pamangkin ko!" nanggagalaiting sigaw nito sa mga inuutusan niyang mga tauhan. Natataranta naman ang mga tauhan, naaawa tuloy ako dahil nasisigawan sila ng dahil sa akin.

Lumapit sa akin si Tiyo Jaime, at umiyak na lumuhod." Sabihin mo sa akin, iha, may masakit ba sa iyo? Anong gusto mong gawin ko sa mga taong gumawa niyan sayo?" naluluha na tanong nito sa akin.

Habang tumatagal lalo akong naiinggit kay Amara. Mayroon siyang mapagmahal na mga kapatid at Ina, isang tiyo na handa siyang protektahan kahit anong mangyari at karangyaan na wala na siyang mahihiling pa.

Malungkot akong ngumiti. "Wala po akong naaalala Tiyo kaya hindi ko  po alam ang tunay na nangyari sa akin." malungkot na paliwanag ko. "Kaya kung maaari po sana ay hintayin niyo munang maalala ko lahat bago isagawa ang parusa sa mga taong gumawa nito kay Ama-este sa akin" shemss muntik na ako doon!

Pagkatapos ng ilang bilyong oras sa pagpapaliwanag, at pag-iiyak nilang dalawa ay sinabihan na din nila akong magpahinga.

Kinaumagahan, masyadong busy ang lahat dahil sa gaganaping engrandeng handaan ni Tiyo Jaime. Kumakain kami ng agahan ng biglang magsalita si Tiyo Jaime.

"Dahil sa nangyari kay Amara, ipagpapaliban ko ang mangyayaring kasalan sa susunod na buwan, Sylvia. At wala muna akong ipagkakasundo sa inyo ngayon, naisip ko na mas mahalaga kayo sa kahit anong bagay o yaman sa mundong ito." mahinahong saad ni Tiyo Jaime na siyang dahilan kung bakit napangiti kaming tatlo ganun din ang Ina nila. Dapat ko na kaya siyang tawaging Ina?

" Salamat, kuya. Na'way pagpalain ka ng Panginoon dahil patuloy ka ng bumabait" ngiting sabi ng Ina ni Amara.

"Sinasabi mo ba sa akin na-" parang magagalit na si Tiyo buti na lang pinutol iyon ni Ina. (Final na tatawagin ko muna siyang Ina dahil wala akong matawag na Ina sa panahong ito, dahil nasa ibang panahon ang tunay kong Ina.)

"Mabait ka Jaime! Noon hanggang ngayon. Sadyang napakahigpit mo lang  noon sa aking mga prinsesa kaya tayo nag-aaway." Natapos ang agahan namin na puro biruan at bangayan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 23, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Along With The Billion StarsWhere stories live. Discover now