Chapter 5

1 1 0
                                    

Pagkarating sa tapat ng Unibersidad ng La Maniolas, nakatulala lang ako na nakatingin dito, parang palasyo ang estilo nito. Tumabi sa akin si Armenia at ngumiti. "Oras na para bawiin ang nararapat na iyo, Amara" saka ito ngumisi. Tumingin sa amin si Sylvia at napailing. " Armenia, huwag mong pwersahin si Amara, hindi pa siya tuluyang gumagaling, hindi ba?" nag-aalala nitong sambit. Tumabi na rin sa kaliwa ko si Sylvia. Hindi ko alam kung bakit parepareho kaming nakatingin sa Unibersidad at sabay pa kaming napahinga ng malalim. Sabay sabay na kaming pumasok ng biglang dumilim ang kalangitan." May parating bang bagyo?" mahinang tanong ko sa sarili ko.

Habang naglalakad sa loob ng Unibersidad, patuloy akong humahanga sa straktura nito. May pagka spanish style kasi ang mga pader, pati na rin ang mga vase at paintings. Napahinto kami sa paglalakad ng may isang matanda na napakaganda ang tindig nito na nakapulang baro't saya. "Magandang umaga po Ginang Soledad" sabay na sambit nina Sylvia at Armenia na yumuko pa. Tumingin sa akin ang matanda mulo ulo hanggang paa, mukhang terror ito ah. Tsaka ito naglakad paalis. Tumingin ako sa kanilang dalawa, "Siya ba?" at pareho silang tumango. Muli akong humarap sa dinaraanan namin ng may isang maputing babae na huminto sa harap ko. "Ikaw ay gumaling na nga, ngunit hindi ibig sabihin ay makukuha mo na sa akin ang pwesto" tumingin ulit ito sa akin mula ulo hanggang paa at umirap saka umalis. Seriously? bakit ba ang tataray nila, akmang susunggaban na sana ni Armenia ang naglalakad na si Felma ata yun ng mabilisan naming pinigilan ni Sylvia. "Akala mo naman tunay na matalino, e kaputian lang naman ang kanyang taglay" naiinis na sambit ni Armenia. Napatingin ako sa isang batang lalaki na papunta sa pwesto namin at may iniabot ito kay Armenia na papel. Agad ding tumakbo ang bata paalis. Weird. Napansin namin ni Sylvia na napangiti ng napakaganda si Armenia. "Sumulat ba sa iyo ang Ginoong Dencio, Armeng?" nagtatakang tanong ni Sylvia. May jowa tong Armenia? Tumango si Armenia. "Aalis muna ako saglit, makikipagkita daw siya sa akin" ngiti nito saka naglakad paalis. Napabuntong hininga na lang kami ni Sylvia. Sana all!

Naiwan akong mag-isa sa tinutuluyan naming silid dito sa Unibersidad dahil umalis din si Sylvia dahil may panghuli daw itong klase. Dahil nabobored na ako, lumabas ako ng kwarto at patuloy na naglalakad sa hallway. Napakadaming mga kabataan dito at lahat sila naka baro't saya at nakapolo. Pagkatapos ng mahaba-habang paglalakad nakarating din ako sa wakas sa isang hardin na napakaraming mga rosas. Naks naman, peyborit ko ang rosas ih. Para akong timang na nakangiti habang nilalapitan ang mga rosas. Talagang bumagay ang kulimlim ng panahon sa ganda ng nga rosas. Napatigil ako ng may nakita akong isang binata na nakatayo sa pinakadulo, nakamasid ito sa isang direksyon. Agad akong tumingin kung saan ito nakamasid, at huli! Nakatingin ito kay.. Sylvia?

Pumitas ako ng isang rosas at naglakad palapit sa binata. Binato ko siya ng rosas na pinitas ko at sumigaw. "Huli ka balbon!" ngingiti ngiti akong lumapit sa kanya at nakita kong nakakunot ang noo nito. Teka siya yung nagbigay ng panyo na may pangalan na Timoteo ata yun. "A-nong tinitingin tingin mo sa kapatid ko?" bahagya pa itong nagulat. Napabuntong hininga ito at tumingin sa akin. "Ipagpaumanhin mo binibini ngunit hindi ako nakatingin sa iyong kapatid." ay palusot.

"Type mo siya?" may halo ng pang-aasar ang mga ngiti ko, at siya naman nakanunot ang noo.

"Type?" nagtatakang tanong nito.

"Type as in gusto"

Muli itong tumingon sa kinaroroonan ni Sylvia at ngumiti. Tinamaan putek!

"Talagang gusto mo nga siya" mahinang sambit ko saka ngumiti.

"Nais ko sanang maging kabiyak ang iyong kapatid ngunit tila may iba na siyang napupusuan" malungkot itong ngumiti. Napatigil ako dahil ngayon ko lang nakita ng buo ang kanyang mukha, napakakisig nito.

"Bata pa ang kapatid ko kaya hindi ko siya papahintulutang magkaroon ng jowabels"

Nakakunot na naman ang noo nito.
"Kakaiba ang iyong lenggwahe"

"Ah salitang Ingles yon" pagpapalusot ko.

"Ikaw ay marunong magsalita ng Ingles?" ngumiti na ito na parang nakarinig ng magandang bagay.

"Oo" tipid na sagot ko.

"Ang aking Ina ay marunong ding magsalita ng Ingles at kaunti lamang ang naituro niya sa akin" ngiting sambit nito.

"Bihira lamang ang mga taong nakakaalam magsalita ng Ingles at karamihan sa kanila ay nanggaling sa marangyang pamilya" patuloy pa nito.

"Ibig sabihin marangya ang iyong Ina? " tanong ko.

"Parang ganon na nga, at ikaw ay marangya din?" sabay tawa ng mahina.

"Hindi ako marangya, sadyang alam ko lang" pagmamayabang ko.

Nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap ng tuluyang umambon na.

"Halika na" aya nito sa akin. Pero hindi ako kumilos, ngumiti ako sa kanya at itinaas ko ang mga kamay ko at biglang umulan ng napakalakas, na tila ba kinontrol ko ang pagbagsak nito. Nakangiti akong nagpaikot ikot. At nahagip ng mata ko na nakatulala sa akin si Timoteo. Mahal ko ang ulan kaya ganito ako kasaya ng bumuhos ito. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya at hinila siya papunta sa gitna ng hardin, napansin kong nagulat ito sa ginawa ko pero napatawa na lang ako.

"Hindi ba't masaya ang maligo sa ulan?" tanong ko sa kanya ngunit nakatitig lamang siya sa akin.

"Hoy" pantawag ko sa kanya dahil parang wala siya sa kanyang sarili. Napatitig din ako sa kanyang mukha dahil sa kisig nitong nangingibabaw isabay mo pa ang mga basang buhok niya sa kanyang noo.

Napansin kong parang may hinahanap ito sa paligid at nakita kong nagtagpo ang tingin nila ni Sylvia ngunit agad na tumingin sa akin si Sylvia with 'nagtataka look'.

Tumingin ako kay Timoteo, pero nakatitig pa rin siya kay Sylvia. Napayuko ako na para bang napahiya ako, tsaka naglakad paalis. Ano yun? Ginawa pa akong engot sa titigan moment nila, feeling ko para akong kabit. Narinig ko pang tinawag ako ni Timoteo pero hindi na ako lumingon. Pagpasok sa Unibersidad, agad na sumalubong sa akin si Sylvia. Magpapaliwanag na sana ako pero ngumiti lang siya. "Tila umiibig na ang bunso kong kapatid" wait bunso? akala ko siya ang bunso dahil mas bata siyang tignan.

Wala akong ibang natanggap kundi pang-aasar kay Sylvia. Hanggang sa makarating sa silid namin, nadatnan namin si Armenia na umiiyak. Agad kaming tumakbo palapit sa kanya at niyakap.

"Hindi na ako mahal ni Dencio, naitakda na siyang ipakasal  kay Felma" umiiyak na sambit nito. Itinulak pa niya ako dahil daw basa ako. Arte nito.

Pagkalipas ng mga oras na inaalo siya ni Sylvia, nakabihis na ako at lahat, hindi pa rin siya tumitigil. At ito'ng love na yan, kaya hindi ko ini-involve ang sarili ko diyan dahil alam ko kung gaano kasakit iyan, at hindi nga ako nagkamali.

"Kung para talaga siya sayo, gagawa ang tadhana ng paraan. Pero kung hindi, kailangan mong tanggapin na hindi na talaga, tsaka huwag mong sayangin ang mga natatangi mong luha sa isang katulad niya. Dahil kung mahal ka talaga niya, gagawa siya ng paraan para hindi matuloy ang kasal nila. " mahabang litanya ko, tumigil na din siyang umiyak. Lumapit ako sa kanya at niyakap.

" Higit pa diyan ang para sa iyo, kaligayahan ang nararapat sa iyo at  hindi ang kalungkutan" pang-aalo ko sa kanya. Tuluyan na siyang ngumiti pati na rin si Sylvia at nagyakapan kaming tatlo. Ang drama lang.

Siguro mas makakabuti na lang na makipag go with the flow muna ako sa katawan ni Amara hanggang sa makahanap na ako ng solusyon kung paano bumalik sa sari-sarili naming katawan.

Along With The Billion StarsWhere stories live. Discover now