Chapter 3

4 1 0
                                    

"Tulungan niyo yung bata!"

"Tumawag kayo ng ambulansya, bilisan niyo!!"

"Hoy, habulin niyo yung driver tumatakas!"

"Hoy gago, bumalik ka dito!"

"Tumawag kayo ng pulis!"

Magulo kong pinapanood ang mga tao na tinutulungan ang isang dalaga na nakahandusay sa daan, at puno ng dugo ang kanyang mahabang bestidang damit.

Kasabay ng kulog at kidlat ang bawat sigaw ng mga taong humihingi ng saklolo.

Dahan dahan akong lumapit sa dalaga upang tulungan din ito ngunit naninigas ang katawan ko ng malamang, ako ay siya. Napailing ako dahil sa isiping ako ang dalagang walang buhay. Napaupo ako sa gulat at isiping, kaluluwa ko na lamang ang narito.

"Hindi! hindi maaari, gumising ka! gumising kaa!" umiiyak na sigaw ko dito habang hinahawakan ang duguan niyang mukha.

"Bakit? bakit ako pa?" patuloy na pag-iyak ko. Habang patuloy na sinasaklolohan ng mga tao ang katawan ko, nagsidatingan na rin ang ambulansya at ang mga pulis. "Nasaan ang nakasagasa?" tanong ng isang pulis sa isang matandang lalaking kanina pa sinicpr ang walang buhay na katawan ko. "Agad po siyang tumakas, sir, hindi na rin namin nahabol dahil mabilis siyang umalis" sagot ng matandang lalaki. Agad na lumapit ang mga paramedics sa katawan ko upang saklolohan ito, tinignan nila ang vital signs sa kamay at leeg ko, ngunit napailing na lamang sila. "Nagmamakaawa po ako iligtas niyo ako, uuwi pa po ako sa amin" nagsusumamong pakiusap ko sa kanila, umaasang maririnig nila ako. "Kuya pakitignan po yung cellphone niya, at pakitawagan ang pamilya niya." umiiling na utos ng isang paramedic sa isang kasamahan niya. Napansin ko rin na may katawag ang isang pulis at mukhang seryoso siya. "Magsagawa kayo ng checkpoint ngayon din, meron nangyaring hit and run dito sa sentro at harangan at pahintuin niyo lahat ng mga suv'ng dadaan, at tignan niyong mabuti kung may kahina-hinalang mga driver diyan, kulay itim daw ang suv."

"Hindi! hindi pa ako patay! nagmamakaawa ako tulungan niyo ako!" patuloy na paghingi ko ng tulong.

Nagulat ako ng may naramdaman akong kamay na nakahawak sa gown ko, at ang katawan ko na yakap yakap ko ay nanghihinang nakatingin sa akin. "Buhay pa siya!" sigaw ng paramedic na nagcheck ng vital signs ng katawan ko.

Nagulantang ako sa nasaksihan ko. Paanong nangyari ito? Agad nilang binuhat ang katawan ko pasakay sa ambulansya, at ako? heto parin, tulala. Imposible! Katawan ko iyon! narito ang kaluluwa ko ngunit paanong nagkamalay ang katawan ko! Bago pa nila naisarado ang pintuan ng ambulansya, mabilis akong sumakay dito.

Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari, nakikita ako ng sarili kong katawan!

"Sino ka?" nanginginig na tanong ko.

"Anong ginagawa mo sa katawan ko?" dagdag ko. Ngunit isang butil lang ng luha ang iginawad niya sa mga tanong ko.

Pagkarating sa hospital, agad nilang inasikaso ito at dinala sa emergency room. Nakatulala lang ako sa labas ng ER, pilit na pinoproseso ang mga nangyayari. Narito ako, ang kululuwa ng katawan ko na naaalala lahat ng nangyari sa buhay ko ngunit biglang nabuhay ang katawan ko kung saan, ibang kaluluwa ang pumasok dito? Napailing iling ako, napasabunot ako dahil sa matinding pangyayaring nasaksihan ko. Napalingon ako sa likod ko ng marinig ko ang mga palahaw nina nanay at tatay. Habang ang kapatid ko naman ay napaupo sa sahig dahil sa kritikal na nangyayari sa katawan ko. Pilit inaalo ni tatay si nanay habang umiiyak ito. Dahan dahan akong lumapit sa kanila at niyakap ngunit hindi ko sila mahawakan, samantala ang katawan ko kanina ay nahahawakan ko!
"Nay, Tay, narito ako!" humihikbing sambit ko habang pilit kong hinahawakan ang kanilang mukha. Nilampasan ako nina nanay at tatay ng makitang lumabas na ang doctor.
"Buhay ang anak ko hindi ba? sabihin mo oo!" nagmamakaawang iyak ni nanay. Habang umiiyak si nanay, nakita kong tumatakbo papunta dito ang lola ko. At naguluhan ako ng makita ko siyang umiiyak habang hawak hawak ang kanyang puso.

Along With The Billion StarsWhere stories live. Discover now