Kabanata 2

865 54 6
                                    

Naging close ko ang magpipinsang Salazar, hindi ko nga alam kung paano iyon nangyari. Sunod kasi nang sunod si Troy sa akin kaya nasanay na din ako.

“Sinong kasabay mo mamayang mag lunch? Ako o si Lesly?” Kumunot ang noo ko sa tanong ni Troy.

“Bakit ka ba tanong nang tanong niyan?” Kunot noo kong tanong sa kaniya. Simula kasi nung naging kaibigan ko si Lesly ay sabay na din kaming nagl-lunch. Kinikilig pa nga si Lesly dahil nakakasabay na din niya ang mga magpipinsan.

“Kasi naman ang daldal nung kaibigan mong iyon, hindi nauubosan ng sasabihin,” reklamo ni Troy at kinamot ang kaniyang ulo.

Ang cute niya.

“Susumbong kita,” sabi ko at nauna nang maglakad. Hinabol naman niya ako at sinabayan na sa paglalakad.

“Sino nga kasabay mo?” Tanong niya ulit.

“Kayong dalawa ni Lesly,” sabi ko at ngumiti sa lalaki. Humaba ang kaniyang nguso at natawa ako doon.

“Okay…” walang choice na sabi niya. Napatingin ako sa mga babaeng kanina pa nakatingin sa amin. Alam ko na kung bakit, sa araw-araw ba naman na lagi kong naririnig ay nasanay na ako.

Akala kasi nila ay ginayuma ko si Troy dahil bakit daw panay ang dikit sa akin ng isa sa mga gwapo dito sa UOC. Umiling na lang ako at hindi na sila pinansin. Araw-araw ay hinahatid ako sa room ni Troy kaya panay din ang pagbubulongan ng mga babaeng nakakasalubong namin.

Hindi ko na lang sila pinapansin dahil wala namang kwenta ang mga sinasabi nila at hindi naman iyon totoo.

“Sige na, bye,” sabi ko sa lalaki nang makarating kami sa room ko.

“Anong bye? Parang sinasabi mo din na hindi ka na magpapakita sa akin,” sabi niya at bumusangot.

“Kapag hindi ka tumigil, hindi na talaga ako magpapakita sa ‘yo,” sabi ko sa kaniya.

“Ha? Joke nga lang, ito naman ‘di mabiro,” sabi niya at ngumiti sa akin. Umiling ako at tinaboy na siya pagkatapos ay pumasok na ako sa room. Kumunot ang noo ko nang makita si Lesly na nakatulala sa kaniyang upoan. Agad akong lumapit sa kaniya.

“Anong nangyari sa ‘yo?” Takang tanong ko sa kaniya. Nagulat siya nang makita ako at agad din namang ngumiti sa akin.

“Wala naman, medyo hindi lang mabuti ang pakiramdam ko,” sabi niya habang nakangiti pa din sa akin. Nilapat ko ang kamay ko sa kaniyang noo.

“Hindi ka naman mainit,” sabi ko. Umiwas siya ng tingin sa akin.

“Nakagawa ka na ng plates?” Tanong niya sa akin. Iniwasan ang sinabi ko kanina.

“Oo, ikaw?” sabi ko sa kaniya. Tumango siya at ngumiti sa akin. Hindi na kami nakapag-usap dahil dumating na ang professor namin.

“Venn, pwede tayong dalawa lang muna ang magsabay?” Tanong sa akin ni Lesly nang makalabas kami sa room. Lunch na kasi namin.

Natagalan ako sa pagsagot kaya nagsalita ulit siya. Hindi ko naman kasi alam ang sasabihin sa kaniya. Isa pa iniisip ko din si Troy, sinabi ko pa naman sa kaniya na sabay kami ngayon. Baka magtampo ang lalaking iyon.

In His Arms (Salazar Series #2) ✓Where stories live. Discover now