Wakas

1.1K 50 7
                                    

“Troy tama na ‘yan, ano ba!” Sigaw ni Caiden sa akin. Ilang araw na akong inom nang inom.

Iniisip kung bakit ayaw na niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit ayaw na niya. Nakakasawa ba akong magmahal? Nakakapagod ba akong mahalin. Bakit niya ako pinagtaboyan?

Dumaan ang araw na puro lang ako inom. Nag-aalala na sila mommy sa akin muntik pa akong  hindi makapasa dahil sa wala ako sa sarili.

“Troy please, wag mo naman ‘tong gawin sa sarili mo,” ani mommy sa akin. Kakauwi ko lang at pagod ako. Bagsak ako sa isang subject at hindi ko alam kung gagraduate ba ako.

“Ayosin mo ang sarili mo Troy,” dagdag ni mommy sa akin. Hindi naman babalik si Venn kung aayosin ko ang sarili ko. Wala namang magbabago. Hindi niya na ako babalikan.

“Wag ngayon ma, pagod po ako,” mahinang sabi ko. Araw-araw naman akong pagod. Hindi ko din lubos maisip na kaya niyang itago sa akin ang pagbubuntis niya.

Alam ko na na buntis si Venn. Halata na naman iyon, sa palagi niyang pagiging galit ay walang gana ang pagsusuka niya ang paglaki ng kaniyang tiyan. Alam ko na iyon pero bakit hindi man lang niya sinabi na magkakaanak kami. Umaasa pa naman ako na sasabihin niya sa akin iyon nung 3rd anniversary namin pero nakipaghiwalay siya sa akin.

Hindi ko alam kung ano ang dahilan niya at hindi niya sinabi na buntis siya. Lalo lang akong nasaktan dahil sa pag-iisip kung bakit niya iyon tinago sa akin.

“Sa tingin mo ba masisiyahan si Venn kung ganiyan ka? Hindi niya gugustohin na makita kang miserable anak. Isipin mo naman ang sarili mo, wag mong pabayaan ang sarili mo anak,” sabi ni mama sa akin.

Matapos sabihin ni mama iyon ay parang natauhan ata ako. Naisip ko na baka ikahiya ako ni Venn sa anak namin kung hindi ako mag-aayos sa sarili ko. Bumawi ako sa mga grades ko, hindi na din ako madalas na uminom.

Sobrang saya ni mama nang makagraduate ako. Sabay-sabay kami nila Zymon. At sabay-sabay din kaming nagtake ng board exam.

Engineer na ako!

Kahit kelan ay hindi nawala sa isip ko si Venn. Hindi ko nga siya nakakasalubong at hindi ko alam kung bakit. Hindi naman siya lumabas ng bansa. Sadyang hindi pa lang siguro panahon para magkita kaming ulit. Umaasa din ako na kapag nagkita kami ay sasabihin niya na sa akin ang tungkol sa anak namin.

Nakilala ko si Love Aragon. Girlfriend siya ng kaibigan ko na Engineer din. Hindi ko alam pero sobrang naging close kami ni Love, kapatid na babae kasi ang turing ko sa kaniya ay kuya din ang tinatawag niya sa akin. Kapag lumalabas sila ng boyfriend niya minsan ay sumasama ako para maki-third wheel.

Akala nga nila mommy ay girlfriend ko si Love. Dahil Love nga ang tawag ko sa kaniya dahil iyon naman ang pangalan niya.

Hindi ako nagkaroon ng bagong girlfriend dahil kahit kailan ay hindi mapapalitan si Venn sa puso ko. Siya lang ang mamahalin ko at hindi iyon magbabago.

At nagkita nga ulit kami. Naglalakad-lakad ako dahil pinapasiyal ko si Kaith tapos ay nakasalubong ko si Alexa. Gulat siya nang makita akong ulit. Natuwa ako dahil naalala niya pa ako. Pagkatapos ay sabay kaming pumasok sa isang pamilyar na coffee shop at doon ko nga siya nakita.

Apat na taon na ang nakalipas at sa kaniya ko pa din nararamdaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Ibang klase talaga ang epekto ni Venn sa akin.

“Hi ate Cham, it’s nice seeing you here,” bati ko. Gusto kong batiin si Venn pero hindi ko magawa kaya nilagpasan ko na lang siya. Pakiramdam ko ay nagalit siya sa ginawa ko. 

“Love, I’m here. Where are you?” sabi ko sa kabilang linya. Magkikita kami ni Love at sinabi ko na lang na dito na lang kami magkita sa coffee shop. Naramdaman ko ang pagtingin sa akin ni Venn. Nagseselos kaya siya?

In His Arms (Salazar Series #2) ✓Where stories live. Discover now