Kabanata 26

733 42 0
                                    

“Good morning Architect Cruz,” bati ng ilang empleyado sa akin nang makita ako sa site. Last month pa ‘tong project namin na building. Tinanaw ko ang ginagawa ng iba. Masipag ang mga empleyado dito at mabilis din naman kaming trumabaho.

“Good morning po Engineer Salazar.” Nilingon ko agad ang binati ng Foreman namin. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang si Zymon iyon. Anong ginagawa niya dito?

Magsasalita pa sana ako para batiin siya pero agad akong kinabahan nang makita ang lalaki sa kaniyang likoran. Akala ko ay siya lang bakit niya pa kasama si Troy.

Napansin ata ni Zymon ang pagtingin ko kaya lumingon siya sa gawi ko. Nanlaki ang kaniyang mata at ngumiti sa akin.

“Venn!” aniya. Napalingon tuloy sa amin ang mga nagtatrabaho. Lumapit sa akin si Zymon at nakita ko ang pagkawala ng mood ni Troy. Kung ayaw niya akong makita, pwede naman siyang umalis na.

“Zymon, anong ginagawa niyo dito?” Tanong ko.

“Sa sobrang busy mo ata, hindi mo alam na dito na din kami. Kahapon lang kami sinabihan para sa project na ‘to,” sabi ni Zymon.

Kumunot ang noo ko, oo nga pala. May umalis kasing ibang Engineer kaya naghanap ng bago tapos sila pala ang nahanap. At talagang magkakatrabaho pa talaga kami ng ex ko?

“Hala, oo nga pala. Sorry busy kasi eh,” sabi ko sa kaniya. Tumango si Zymon sa akin at nilingon ang tahimik niyang pinsan.

Saka ko lang din napagtanto na engaged na pala ang lalaking ‘to kay Naih. Akalain mo sila talaga ang nagkatuloyan, buntis na din kasi si Naih ngayon.

“Congrats nga pala sa inyo ni Naih,” sabi ko nang nakangiti.

“Salamat Venn, ngayon lang ulit tayo ng kita. Pumunta ka sa kasal namin ah,” ani Zymon.

“Oo naman, ako pa ba,” sabi ko at ngumiti.

“Troy, tahimik mo ah. Kanina lang kung ano-anong sinasabi mo tapos ngayon, natameme ka na.” Tumawa si Zymon sa pinsan. Wala pa din talagang nagbago sa kaniya pero sa pinsan niya meron.

“Shut up Zy,” masungit na sabi ni Troy.

Ang sungit amp. Akala mo kung sino.

Nanatili kami doon na kami kang ni Zymon ang nag-uusap. Tahimik naman kasi ni Troy, siguro kung kasama niya ‘yung love niya. Hindi siya magiging gano’n katahimik. Nagpaalam din naman agad ako sa kanila dahil pupunta pa ako ng mall, bibili kasi ako ng regalo para kay baby Charmaine dahil binyag na niya sa sabado.

Sinama ko na din si Alexa dahil wala naman siyang pasok ngayon at para din makapag-bonding kaming dalawa.

“Ate gusto ko po magkaroon ng aso,” sabi ni Alexa. Naghahanap ako ng babagay na damit para kay baby Charmaine. Nakabili na kami ng sapatos at laroan kanina ni Alexa.

“Bakit? Kaya mo bang mag-alaga ng aso?” Tanong ko sa kaniya. Hindi ko alam bakit gusto niya mag-alaga ng aso. Bored na ata talaga kapatid ko.

“Opo ate! Sige na please,” pagamamakaawa niya sa akin. Ano bang nakain ng kapatid kong ‘to at gusto niyang mag-alaga ng aso?

“Oo na, mamaya titingin tayo pero hindi muna kita bibilhan ngayon ah. Next week na, titingin lang muna tayo,” sabi ko. Tumango naman siya sa akin at ngumiti.

In His Arms (Salazar Series #2) ✓Where stories live. Discover now