Kabanata 29

827 48 1
                                    

Pagkatapos ng pag-uusap naming iyon ni Troy ay hindi ko na ulit siya nakausap pa, matapos kasi nun ay bigla na lang siyang umalis sa kanila. Si ate Cham naman ay nakita ko ulit pagkatapos ay umuwi na din kami.

Hindi ko naman masisi si Troy kung galit talaga siya sa akin. Tinago ko sa kaniya na wala na ang anak namin at alam kong sobrang nasaktan siya doon. Hindi ko alam kung nasaan so Troy. Hindi ko na din naman tinanong pa sila Zymon at nalaman ko lang din sa kanila na hindi pala girlfriend ni Troy ‘yung tinatawag niyang Love. Dahil pangalan niya pala iyon. Close lang talaga si Love at Troy kaya madami ding nag-aakala na sila.

Napatingin ako sa cellphone ko nang makitang tumatawag si Chelsie. Siguro ay nasa simbahan na sila.

“Hello girl, nasaan ka na?” Tanong niya.

“Papunta na, ako na lang ba ang hinihintay?” Tanong ko. Narinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya.

“Oo girl kaya bilisan mo na,” pabiro niyang sabi.

“Oo na, ito na nga. Sige na at baka matraffic kami,” sabi ko at binaba na ang tawag.

Kasal na ngayon ni Zymon at Naih. Kaya nga excited kaming lahat na pumunta sa simbahan. Sa wakas at ikakasal na din ang dalawa.

Pagkalabas namin ni Alexa ay agad na kaming sumakay sa kotse. Baka mamaya ay magsimula na ang kasal nila at hindi ako mahabol.

Mag-sasana all pa ako mamaya eh. Sabay kami ni Chelsie’ng magsasabi nun.

Ay hindi na pala siya mags-sana all dahil okay na sila.

Mabilis ang pagmamaneho ko at hindi din naman traffic kaya mabilis kaming nakarating sa simbahan. Paglabas sa sasakyan ay nakita kong nasa labas pa ang iba. Hindi pa nga ata nagsisimula ang kasal. Marami ang bisita ng dalawa at sakto naman kaming lahat dahil malaki naman ang simbahan. Isa ata ang simbahang ‘to sa pinakamalaking simbahan dito sa Cebu.

Nakita ko na sila Chelsie na kinakausap ang iba pang bisita na dati din naming ka schoolmates. Ang bilis talaga ng panahon. Lumapit sa akin si Chelsie at saglit nga kaming nagkukwentohan. Hindi na muna kami dumaldal ng sobra dahil nagsimula na nga ang kasal ng dalawa.

Pagpasok sa loob ay nakita ko si Troy. Nagtama ang paningin namin at wala ni isang gustong umiwas ng tingin. Hindi ko alam kung ngingiti ba ako. Hindi ko din naman mabasa ang mukha niya dahil seryoso lang siyang nakatingin sa akin ngayon. Kung hindi siguro siya tinapik sa balikat ni Caelus ay hindi talaga siya iiwas ng tingin sa akin.

Hindi ko alam kung okay na ba siya. Kung okay na ba kami. Hindi ko na siya nakausap simula nung nalaman niya ang tungkol sa anak namin. Gusto ko din namang malaman at marinig mula sa kaniya kung okay na kami. Pakiramdam ko kasi ay iniiwasan niya ako.

Umaasa pa din kasi ako hanggang ngayon na pwede pa kami. Baka kasi pwede pa, hindi ko talaga kayang kalimotan si Troy. Siya ang unang lalaking nagparamdam sa akin na kamahal-mahal at espesyal ako. Siya din ang unang naniwala sa akin. Kaya bakit ko siya makakalimutan? Kung malaki ang naitulong niya sa akin.

Baka pwede pa. Baka meron pa. Umaasa pa din ako.

“Girl, ikaw ba ang kinasal?” ani Chelsie  sa akin. Ngayon ko lang napansin na umiiyak na pala ako. Umiling ako sa kaniya at natawa. Tumingin ako sa gawi ni Troy at nagulat nang makitang nakatingin siya sa akin. Nang makitang nakatingin ako ay agad siyang umiwas ng tingin.

In His Arms (Salazar Series #2) ✓Where stories live. Discover now