Kabanata 25

752 41 0
                                    

“Venn next week ah, punta kayo sa bahay namin,” sabi sa akin ni ate Cham.

“Oo naman ate, ako pa ba,” saad ko at uminom sa milk tea ko. Nandito kami sa coffee shop ni ate. Mas lalo pa ngang lumaki ang coffee shop nila dahil pinarenovate nila ito.

Apat na taon na ang nakalipas. Sa apat na taon na iyon ay maraming nangyari. Ilang linggo din akong iyak nang iyak dahil sa pagkawala ng baby ko. Si ate Cham ang nagsilbing ina sa amin ni Alexa. Lagi siyang nandiyan para sa amin, hanggang sa makagraduate ako at maging isang ganap na Architect.

Sa ngayon ay may naipondar na akong bahay namin ni Alexa. Nabibili ko na din ang mga gusto at kung akong kailangan niya sa school, sayang nga lang at wala si mama at ang baby ko. Alam ko naman na magkasama na sila ni mama ngayon at aalagaan ni mama ang apo niya kung nasaan man siya ngayon.

May dalawa akong sasakyan na nabili at may isa kaming driver at tatlong kasambahay para umasikaso kay Alexa kapag busy ako sa trabaho ko. Hindi naman p-pwede na si ate Cham ang mag-alaga kay Alexa dahil may pamilya na din si ate. Kinasal sila ni kuya Rafael last year at may baby na sila ngayon. Iyon nga ang pinag-uusapan namin ni ate ngayon. Binyag kasi ni baby Charmaine kaya syempre pupunta kami para sa salo-salo. Ninang din kasi ako.

Grade 7 na si Alexa ngayon, 12 years old na siya kaya mas kailangan naming siyang bantayan. Pa’no pa naman kasi marami ng nanliligaw sa kapatid ko. Si mama nga ang naalala ko sa kaniya dahil magkamukhang-makamukha sila ni mama.

Napatingin ako kay baby Charmaine nang umiyak ito. Karga-karga siya ni ate Cham at kitang-kita talaga ang pagkakahawig nila. Iniisip ko tuloy kung hindi nawala ang baby ko. Sino kayang kamukha niya ako o si Troy?

Hindi ko na din pa nakita si Troy, after graduation ay hindi na kami nagkita. Hindi ko nga alam kung nasaan na siya ngayon. Iniisip ko din kung pa’no kung hindi kami naghiwalay, hindi siguro mawawala ang baby ko, ang baby namin.

“Venn bakit?” Napatingin ako kay ate Cham na nag-aalalang nakatingin sa akin. Pinunasan ko ang luha sa aking pisngi, ngayon ko lang napansin na umiiyak na pala ako.

“Naalala ko lang po ang baby ko at si mama ate,” sabi ko.

“Alam kong masaya na sila kung nasaan man sila ngayon, lalo na si ate Raquel,” ani ate at ngumiti sa akin. Ngumiti ako sa kaniya at tiningnan ulit si baby Charmaine na nakatulog na sa braso ni ate.

Kung hindi nawala ang anak ko. 3 years old na sana siya ngayon. Pinunasan ko ulit ang luha ko na patuloy sa pag-agos. Basta talaga naalala ko sila mama ay walang tigil ang pag-iyak ko. Sabay-sabay silang nawala sa akin at hindi ko talaga kinaya ang lahat ng iyon.

Mabuti at hindi talaga kami iniwan ni ate Cham. Lagi lang siyang nandiyan para sa amin ni Alexa. Nag-away pa sila ni kuya Rafael noon dahil lagi na lang daw nasa bahay si ate at wala na ngang time sa kaniya si ate Chamy. Mabuti na lang at matatag talaga ang kanilang  relasiyon.

Naalala ko pa noong magp-propose na si kuya kay ate. Nagpatulong talaga siya sa amin at naging successful nga iyon. Ngayon nga ay nagbunga na ang kanilang pagmamahalan. May sariling bahay at balita ko ay magpapagawa pa si kuya Rafael ng isang playhouse ni baby Charmaine sa bahay nila. Hindi ko alam kung sinong Engineer ba ang kukunin nila pero balita ko ay maraming kilala si kuya na Engineer kaya hindi na sila mahihirapan ni ate sa paghahanap.

Sa Architect naman na gagawa ng design para sa playhouse ni Charmaine ay ako na ang kinausap nila ate tungkol doon. Naghihintay na lang ako ng update kung nakahanap na ba sila ng Engineer.

“Ate Venn!” Nilingon ko ang tumawag sa akin at nakita ko si Alexa na may hawak-hawak na isang Bichon Frise.

“Alexa saan mo ‘yan nakuha? Wala naman tayong aso,” sabi ko sa kapatid.

In His Arms (Salazar Series #2) ✓Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz