KABANATA SAMPU

695 68 9
                                    

WARNING: MENTION OF DRUGS
DISCLAIMER: ANY INFORMATION IS ONLY FICTITIOUS. IT MEANT NOTHING.

Isa lamang iyong partikular na araw para sa anim na taong gulang na si Keith. Isang normal na araw kung saan ay pupunta siya sa kanyang paaralan upang matuto't mag aral. Isa ito sa mga paborito niyang oras dahil sa maraming dahilan. Isa na dito ang pag-angkas sa bisekleta ng kanyang Kuya Brandon. Pangalawa ay ang pagbili niya ng taglilimang cotton candy bago pumasok sa paaralan.

"Ready na ba, bunso?" Masiglang tanong sa kanya ng kanyang Kuya Brandon habang inaayos ang bisekleta nito.

Masayang tumango si Keith, at maingat na sinuri ang kanyang mga gamit. Mula sa kanyang asul na backpack, hanggang sa kanyang puting uniporme't kulay kaki na shorts, at ID. "Ready na, Kuya!" Masigla niyang ani, habang pinapakita ang kanyang hinlalaki sa kanyang Kuya Brandon.

"Kiniss mo na ba si Mama at Papa?" Dagdag na tanong ng kanyang Kuya Brandon, nakataas ang kanang kilay nito.

Kita ang pamumula ng pisngi ni Keith, bago ito tumango. Tanda ng kanilang pagiging malambing sa isat-isa, ay ang mga maliliit na kilos, tulad ng paghalik nila sa pisngi. Maging sila mang magkapatid ay humahalik sa pisngi ng isat-isa. Lalo na ang kanyang Kuya Brandon ay mahilig manghingi ng halik sa pisngi.

"Sakay na. Kumapit ka nang maayos Keith, ah! Bawal kang umuwi dito nang may sugat. Baka palayasin pa ako ni Papa kapag nagkasugat yang balat mo." Pagpapaalala ng kanyang Kuya Brandon, kaya kaagad siyang tumango. Parang nakakatakot kung mawawala ang Kuya Brandon niya, dahil ito lamang ang kaisaisa niyang kalaro kapag wala ang mga magulang nila.

Kaya naman maingat siyang umakyat at umupo sa likod ng bisekleta. Mahigpit niyang ipinalibot ang dalawang niyang braso sa baiwang ng kanyang Kuya Brandon. Hindi niya maiwasang amuyin ang damit ng kanyang Kuya Brandon, at napangiti siya sa bango nito.

Nagsimula nang pumedal ang kanyang Kuya Brandon, kasabay ng mabagal na pag andar ng kanilang bisekleta. Hindi naman kalayuan ang paaralan na pinapasukan nila, kaya hindi nito kailangan bilisan ang pagpepedal. Hindi niya rin gusto ang ideya ng pagiging mabilis dahil angkas-angkas niya ang nag iisa niyang kapatid.

"Kuya, sasamahan mo 'ko sa loob ng room?" Yan ang biglaang tanong ni Keith, habang tumitingin sa mga nadadaanan nilang puno.

Narinig niyang tumawa ang kanyang Kuya Brandon. "Siyempre, pero aalis din ako agad. May pasok din kaya ako." Patawang ani ng kanyang Kuya Brandon.

Napasimangot siya sa sagot nito, kahit alam niyang totoo ang sinabi nito. "Basta sabay tayo Kuya kapag recess na, ah." Aniya habang pilit na ngumingiti.

ILALIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon