KABANATA DALAWAMPU'T DALAWA

494 51 42
                                    

"Ano't nakatulala ka diyan?" Naputol ang malalim na pag iisip ni Keith nang marinig ang malalim na boses ni Kane.

Pag lingon niya sa kinaroroonan nito, ay agad siyang nag iwas ng tingin, at maingat na pinigilan ang kanyang hininga.

Iyon naman ay mabilis na napansin ni Kane, dahilan upang magsalubong ang mga makakapal na kilay nito. "Hindi mo ba ako sasagutin?" tanong nito.

Sa hindi malamang dahilan, ay iginala muna ni Keith ang kanyang mga mata sa paligid na para bang nagmamasid. Kasalukuyan silang nasa likod ng gusali, kung saan naroon ang mga alagaing hayop niya.

Kasabay ng marahang paghipo ng hangin sa kanyang pisngi, sinalubong niya ang nangunguwestiyong mga mata ni Kane. "Tignan mo."

Agad namang nanlaki ang mga mata ni Kane nang kanyang iangat ang suot-suot niyang baro. Humawak siya sa kanyang makinis na tiyan, at marahang hinaplos ito. "S-salamat mga gamot, Kane. Hindi na sumasakit yung mga pasa-Nawala na."

Kahit pa matagal-tagal na din noong naghilom ito, ngayon lamang niya nahanap ang pagkakataong magpasalamat dito.

"Wala iyon," tugon ni Kane matapos umiling, kaya naman ibinalik na niya ang atensyon roon sa munting mga bibe.

Sumandal naman si Kane sa batong pader ng gusali, at nanatiling nakatitig sa binata. Habang ginagawa niya iyon, ay hindi niya maiwasang alalahanin ang nakita niya noong gabing nag hahabol sila ng oras. Ngunit nawala din ito nang mabilis nang muling tumingin sa kanya si Keith.

"Bakit Kane? N-Nakatulala ka," utal na punto ni Keith, na agad nitong ikinailing.

"May reklamo ka?" pagsusungit nito, ngunit sa di malamang dahilan ay dahan dahang napangiti si Keith.

Bahagyang tumaas ang isang kilay ni Kane, nangunguwestiyon sa ngiti niyang unti-unting naging pilyo.

"Anong nginingiti mo riyan?" tanong niyang muling nagpaiwas kay Keith.

Narinig ni Kane ang munting hagikhik ni Keith, bago ito umiling. "Wala hehehe..."

"Matatapos na ang bidding. Mas maaga sa inaasahan namin," diretsong paliwanag ni Kane habang pinagmamasdan ang pag kinang ng mga mata ng masayang binata. Kung tititigan ang tuwa sa mukha nito, ay aakalain ng kahit sino na hindi ito humagulgol sa iyak noong nakaraang gabi.

"Makakalabas ka na kahit anong oras mo gustuhin," dagdag pa nito, kahit pa tingin niya ay wala ding saysay.

Bahagyang lumamlam ang mukha ni Keith, at ngumiti nang tipid. "W-wala naman akong pupuntahan."

Hindi nakaimik si Kane dahil mabilis na pagbaba ng kasiyahan nito sa mukha. Sumasalungat ito sa lihim na tuwang nararamdaman niya sa katotohanang wala itong balak na tumakas.

Buong oras niyang pinanood ang binatang taimtim na nakikisalamuha sa mga munting itik. Maituturing na isang pampalubag loob ang makitang masaya ang tulad niyang nabilanggo, kahit pa sa ganitong paraan lamang.

Kung pagbili ng mga alagaing hayop ang magdaragdag ng kasihayan sa binata, hindi niya mamasamaing bumili kahit paunti-unti. Lalo na ngayong apektado na siya sa bawat emosyon nito.

--__--

Lumipas pa nga ang isang gabi, at doon ay nabigyang tuldok nga ang ilegal na pagbenta. Mas maaga sa inasahan nila dahil sa dami ng bilang ng mga nasawi. Muling ngang natatakan ng dugo ang gusaling kinalakihan nila Kane, ngunit sa kasamaang palad, at kahit pa itanggi nila, tadhana na ang nagdikta na papunta pa lamang sila sa kasukdulan ng ilegal na mga kaganapan.

ILALIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon