KABANATA LABING PITO

518 56 9
                                    

“Shane,” Pagtawag ni Keith sa abalang kaibigan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

“Shane,” Pagtawag ni Keith sa abalang kaibigan. Nakatuon ang atensyon nito sa paghahanap ng mga damit na hindi niya nagagamit.

“Hmm?” Tanging tugon nito sa kanya. Tahimik siyang nakaupo sa gilid nito kaya naman kitang-kita niya ang ginagawa.

“Anong oras sila uuwi?” Pagtukoy niya kina Kane at Jake. Malapit na maghapunan, ngunit hindi pa din umuuwi ang dalawa. Nagsisimula na siyang mag alala.

Nakakalungkot man, naging mekanismo na niya ang pag aalala kapag masyadong napapatagal ang pag alis ng mga malapit sa kanya. Halata naman na, na dikit na siya sa mga ito, hindi man ganon katagal ang pinagsamahan nilang mga panahon.

Napakamot naman si Shane sa kanyang baba, sabay lumingon kay Keith. “Maya-maya pa siguro. Nagugutom ka na ba?” Wika nito, na kanyang ikinatango.

“Saan ba sila pumunta?” Dagdag niyang tanong.

Umiling naman si Shane dahil wala din siyang ideya kung saan nagtungo ang dalawa. Akmang magsasalita na siya nang may marinig silang mahinang pagkatok sa nakasarang pinto.

Sa di malamang dahilan, ay biglang lumiwanag ang mukha ni Keith, at baka nakauwi na ang mga ito. Ngunit nang bumukas ang pinto, mabilis na nawala ang tuwa sa kanyang mukha, at napalitan ng pagkahiya.

Kaagad siyang umiwas ng tingin nang makita ang fiance ni Kane. Tunay na maganda nga ito.

“Oh, Hannah, ikaw pala 'yan. Gusto mo na din bang maghapunan?” Paanyayang ani ni Shane dito sabay lapag sa mga damit na tinutupi niya.

Ngumiti ito at umiling. “Katatapos ko lang kumain ng mangga. Para nga akong masusuka... ” Natatawang tugon nito. Napansin naman nitong nakayuko ang bagong bata.

Bago pa mabalot ng akwardong katahimikan ang kwarto, tumikhim na si Shane, at ngumiti nang pagkalakilaki. “Siya nga pala, Hannah. Keith, kaibigan namin. Ang cute niya, 'di ba?” Pagpapakilala ni Shane, sabay gulo nito sa buhok ni Keith.

“M-magandang hapon po.” Nahihiyang bati ni Keith sa babae, at binalingan ng tingin ang kaamuhan ng mukha nito.

Ngumiti nang malaki ang babae, umaabot sa mapupungay nitong mga mata, at masiglang kumaway sa kanya. “Magandang hapon rin, Keith. Hannah na lang.” Ani nito sabay kindat sa kanya. “Ito naman si Baby Aro. Excited nang lumabas 'yan. Sipa nang sipa, eh.” Humahagikhik nitong dagdag, habang mahinang tinatapik ang malaking tiyan.

“Gusto mong hawakan? ” Gulat na napatingala si Keith dahil sa suhestiyon nito, at walang anong lumakad papunta sa kanya. Gayon pa man, hindi niya maikakaila na gusto din niyang maramdaman ang paggalaw ng nasa sinapupunan nito. Siguro dahil ay hindi pa siya nakaranas, hindi din naman na siya nasundan ng mga yumaong magulang niya.

ILALIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon