KABANATA LABING SIYAM

470 68 14
                                    

Matapos maghugas ng kamay, tahimik na lumabas si Shane sa palikuran. Nagtagumpay siya sa pagtanggal ng mantsa ng dugo sa kanyang mga kamay, habang ang pinagmulan ng mga ito, ay nanatiling buhay sa kanyang isipan. Nagtatawanan, nag iiyakan, at naghihingian ng saklolo.

Napahinto siya sa pag iisip nang mayroong bumunggo sa kanya. Okupado ang isip niya kaya hindi iyon napansin.

Nang tignan niya ito, ay nakita niya ang isang lalaking nakangisi. Tiyak niyang isa ito sa mga bidder dahil sa suot nitong itim na pares ng mamahaling tuksedo, kaya hindi niya nagawang mag taray. “Sorry, Sir, hindi ako nakatingin.” Mahina niyang ani, at yumuko nang kaunti.

Sarkastikong tumawa ang lalaki, at umiling-iling. Puno ng pagmamayabang ang gwapo nitong mukha, siguro ay dahil sa laki ng diperensya ng katawan nila. “Anong ginagawa mo rito? Hindi ba dapat nililinis mo 'yong sahig roon?”

Tumango lamang si Shane, at sinubukang umalis. “Doon nga ako papunta. Umihi lang ako.” Pagdadahilan niya, bago muling yumuko.

Kahahakbang pa lamang niya nang maramdaman niya ang mahigpit na pagkapit nito sa kanyang braso. Dahil sa pagkabigla, isang ungot ang lumabas mula sa kanyang mga labi, na kanyang labis na ikinainis. Kung hindi lamang ito bisita, ay baka napatumba na niya ito. Pilit siyang nagpigil na hindi gumawa ng kung anong ikasasakit nito.

Pangalawang beses mo nang pag gamit ito, ah? Hmm, tapos nakikipag usap ka pa...” Lumalalim ang boses nang lalaki habang humihigpit ang hawak sa braso niya. “Ang naalala ko kase, bawal gumamit ng kahit anong modernong gamit sa gitna ng auction... Baka maalanganin ka?” Dagdag pa nito.

Hindi napigilan ni Shane ang pagtaas ng buhok sa kanyang batok dahil sa takot. Parang tinatambol ang kanyang dibdib dahil sa kaba, kahit pa hindi niya gustong ipakita. “S-sir, nasasaktan ako.” Inda niya.

Kaagad naman siya nitong binitawan. Umiling iling ito, at ngumisi. “'Wag kang mag alala, hindi naman ako magsasalita. Magagawan naman ng paraan, lalo na ng isang kasunduan.” Pagpapaliwanag nito, gumagamit ng paanyayang tono.

Hindi naman na nagtaka si Shane sa inasal nito, dahil alam niyang lahat ng taong kasama sa kaganapan, nadadala sa mga kondisiyones. Magkano ba?” Puno ng kumpyansang tanong niya. Ngunit, hindi niya inaasahan nang humagalpak ito sa tawa.

“HAHAHAHA! Nakakatuwa, ngunit hindi iyan ang tamang tanong... Hayst, gabi-gabi akong natutulog sa kamang puno ng pera para tanungin sa pamamaraang 'yan. At saan naman aabot ang pera mo kung sakali?” Binitawan siya nito, bago tiniklopang kanyang mga braso, at dahan-dahang lumapit sa kanya.

Hindi na nagpakita pa ng takot si Shane, at nanatili siyang nakatayo sa harapan nito. Alam niyang pantay na sila ngayon dahil sa isang kondisyong pagkakasunduan nila. “Edi ano? Gusto mo isang round? Wala naman sigurong papasok rito...” Siya naman ngayon ang ngumisi, at pinaresan ang nakatiklop nitong mga braso.

Ngunit mabilis na nawala ang ngisi niya sa mukha nang umiling ito. “Aaminin kong maganda ang katawan mo para sa isang lalaki, pero hindi ko tipo ang mga gaya mong pasaway...”

Hindi maiwasang maipikit ni Shane ang kanyang mga mata sa inis, at kumagat sa loob ng pisngi. “Sabihin mo na. May gagawin pa ako.” Ani niyang puno ng pagtitimpi.

Napadilat siya nang may maramdamang presensya malapit sa mukha niya, isang mabango, ngunit nakakairitang hininga. Pagmulat niya, ay nagulat siya nang sobrang lapit na ng mga mukha nila sa isa't isa, kaya naman napahakbang siya patalikod. “Sa susunod na dalawang araw, sigurado akong maglalabas sila ng bagong mga parausan. Sayang at hindi ka ipinagbibili... Hmm, pero 'yong batang tinatago mo, sigurado ako...”

ILALIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon