KABANATA LABING ANIM

568 60 3
                                    

Nabusog ka ba?” Nakangiting tanong ni Adrian kay Keith, na ngayon ay satispadong nakasandal sa kanyang upuan.

Bahagyang tumango si Keith, sabay himas sa kanyang busog na tiyan. “Mm...”

Bakas na sa kanyang maamong mukha ang antok, pansin na din ito ng mga kasama nilang Kumain, na ngayon ay nakatingin na sa kanila.

Nabaling ang tingin nila nang humagikhik si Adrian. “Kaya pa ba?” Tumatawang tanong nito sa binata. Lahat ba naman ng inilagay nito sa kanyang plato, ay naubos niya.

Napailing si Keith dahil sa tanong nito, at matipid na ngumiti. Hindi na niya kakayanin kung maglalagay pa ito ng pagkain sa kanyang plato. Kahit ganon pa kasarap ang ulam na hinahain sa kanya. Ngayon ay gusto na lamang niya itong pasalamatan, lalo na sina Kane at ang magnobyo. Nahihiya lamang siya sa babaeng nasa tabi ng mga ito.

Gagawin niya na lamang iyon kapag natulog na ang babae. Hannah. Gusto niya ding banggitin ang ngalan ng babae, ngunit hindi niya alam kung gusto siya nito. At isa pa, ayaw niyang istorbohin ang dalawa dahil sa ngayon lamang ulit nakita ang isa't isa.

Haaayst, nabusog ako nang sobra...” Satispadong singhay ni Shane na kaagad na ikinatawa ni Jake.

“Busog ka sa'kin mamaya. HAHAHAHA——Aray! Babe!” Isang pinong kurot sa tagiliran ang natanggap niya. 

Damuho ka! Nasa hapag tayo! Mahiya ka naman!” Utas ni Shane, at lalo pang diniinan ang pagkurot sa nobyo.

Habang nagsesermon si Shane, hindi naman namalayan ni Keith na kanina pa siya nakatitig kay Hannah. Nagulat na lamang siya nang ngitian siya nito nang pagkalaki-laki. Halos masinok siya dahil dito, kaya naman mabilis siyang yumuko. Nag init ang pisngi niya sa di malamang dahilan. Hindi maalis ang imahe ng ngiti nito sa kanyang ulo. 

Dumagdag pa ang biglaang pagkaramdam niya ng pagkaihi. Hiyang-hiya na at hindi alam kung anong gagawin niya.

Wala na siyang magawa kund tapikin si Adrian.  “S-sir, nasan ang p-palikuran?”

Natawa naman ito sa kanya. “Sir? Hanggang ngayon Sir pa din ang tawag mo sa'kin? Hayst.” Anito habang pailing-iling.  “Tara, ituturo ko sayo——”

“Ako na. Gagamit din ako.” Kagulat-gulat na saad ni Kane. Lahat sila ay napalingon sa dito, maging siya mismo ay gulat sa biglaan niyang sinabi. Hindi naman siya naiihi o kahit ano.

“Ganon ba? Okay.” Wika ni Adrian, patango-tango.

Naiinis man, hindi na mabawi ni Kane ang kanyang sinabi. Kaya naman tumayo na siya, at inanyayahan si Keith.  “Tumayo ka na riyan.” Utos niya.

Bigla na lamang nasinok si Keith dahil dito. Tulalang nakatingin kay Kane. Para bang mas dumoble ang init sa kanyang mukha, kasabay ng pag init ng kanyang sikmura.

“Ano nakaupo ka pa rin diyan? Bahala ka nga riyan.” Pagaalburuto nito, dahilan upang kabahan pa lalo siya.

Nagmamadali siyang tumayo dahil nauna nang maglakad si Kane. Ano na namang nagawa ko? Simangot niyang tanong sa kanyang isip, habang nagmamadali sa pagsunod dito.

Diretso ang tingin nito, at hindi siya kinikibo nang maabutan niya ito. Para bang galit na galit ito sa mundo. Muli siyang napasimangot.

“Bakit ang ingay-ingay niyong dalawa kanina? Parang wala kayo sa harap ng hapag. Tsk.” Gulat niyang nilingon ito, habang prenteng nakatabingi ang mukha.

ILALIMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon