CHAPTER 67

873 44 12
                                    

RAIKO'S POV

"Kailan uwi mo daddy" Pinahid ko ang mga luha niya dumadaloy sa mata niya. Hindi ko tuloy maiwasan hindi makonsensya na iwan muna siya. Ngayon ang alis ko patungo sa Palawan para maasikaso na ang project for business matter. Binuhat ko siya at hinalikan sa pisngi niya.

"Uuwi din naman ako. Anong gusto mo pasalubong ko" Lumiwanag ang mukha niya at humagigik ito. Hindi ko mapigilan ngumiti dahil sa kakyutan niya

"Hmm Pwede po bang Ice cream"

"Ice cream sige pag-uwi nalang ni daddy Vanilla flavor ba"

"Stra----"

"Amierha!!" Napaidlag kami dahil sa lakas nang sigaw niya. Hinili niya ang anak ko sa akin. Na ikinainit nang ulo ko.

"Hinay hinay naman Allison" pigil ang sariling singhalan siya dahil nandito sa harapan namin ang anak namin.

"What!? " Humarap ako sa anak ko at sinapo ang pisngi niya.

"Anong flavor ulit princess?"

"Va-vanilla po" nakayuko nito'ng saad ginulo ko ang buhok niya.

"I have to go my princess" hinalikan ko ito sa pisngi. Akmang tatalikuran ko na sila nang biglang may pumigil sa braso ko. Umigting ang panga ko. Nagsisimula ang inis na nararamdaman ko.

"Raiko" mahinang usal ni Allison. Walang ganang nilingon ko siya subalit ganun nalang ang gulat ko nang bigla niya ako hinalikan sa pisngi. Marahan ko siya'ng itinulak.


"What the hell Allison" pigil ang sariling sigawan siya. Ngumiti ito na wari bang nangiinis.


"Take care babe hintayin ka namin nang anak natin" Napakuyom ang kamao ko. Hindi na ko nag-abala pansinin pa siya. Nakangiti kumaway ang anak ko kahit papano nakalimutan ko ang inis sa nanay niya.



Agad ako sumakay sa kotse ko. Napatingin ako sa mga dala ko na nasa passenger seat. Isang hello kitty terno na pajamas isang kulay pink at blue, meron din kumot at iba pa tooth brush even towel ay hello kitty din. Wala sa sariling napangiti ako. Excited na ko makita siya. Yung ngiti niya, yung maa'mong mukha niya ay bumabalantay sa isip ko.


Masayang pinausad ko ang sasakyan ko patungo Airport. Nilabas ko ang phone ko at idinaial ang number niya. Sumagot ang nasa kabilang linya.


"Hello" Nagsalubong ang kilay ko. Nasan ang wifey ko dapat siya ang sumagot nang tawag ko!. Napahigpit ang kapit ko sa telepono .


"Nandito na ako sa Airport nasan ang Amo mo" Walang emosyon kong saad narinig ko ang pagtikhim niya.




"May sariling private jet si Empress"




"What!? Nasan ang kayo?" Napatingin ako sa relo ko . Matagal tagal din ang flight ko. Napaaga ako sa kadahilanan gusto ko kaagad siya makita


"Why are you asking?"


"She's my wife!! " Natahimik ang kabilang linya. Yes, tama ang sagot ko asawa ko naman talaga siya. At may karapatan ako malaman .

"Mr. Harrison----"

"Sabihin mo kong nasan kayo ngayon" Maawtoridad ko'ng saad . Nakarinig ako nang malakas na pagbuntong hininga. Wala sa sariling napangiti ako




Nakangiti naglalakad ako sa Airport Apron dahil may sariling private jet ang Tala ko. Hindi nakakapagtaka ang yaman niya akalain magmamay-ari niya ang Airport na to. Sa hindi kalayuan ay napansin ko na siya kasama ang nakasuit na naman. Lumapit ako sa kinaroronan nila. Halata sa mukha niya ang pagkagulat. Nagsalubong ang kilay ko dahil sa suot niya, sobrang ikli nang mini dress niya kulang ba to sa tela. Humarang ako sa dinaraanan niya biglang sumama ang mukha niya


My Innocent Wife Is A Pervert [COMPLETED]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu